Album

Laging Nandyan (feat. Thyro & Yumi)


Last Of A Dying Breed
Blaze N Kane
Producer: Bojam
2014

Verse 1 (Sly Kane):

Mapadpad man ako sa kahit saan sulok ng mundo

Wag sanang kalimutan ang ginawa natin pangako

Wag kang mag alala baby ikaw ang sinisigaw

Gumuho man ang mundo sa pagsubok wag kang bumitaw

Tandaan may ilaw na laging natatanaw,

Tulad ng sikat ng araw ikay walang kaagaw

Tanging hiling kinabukasan ay guminhawa

Itigil ang asal negatibong nakakasawa

Sabi nga ni kristo sya ay palaging nandyan

Pag sa kanya dumaan laging may paraan

Let this song be a universal call to all

That united we stand and divided we fall

 

Chorus:

Kahit saan, maging sa ilalim ng ulan

Ako’y iyong hahagkan

Ako ay lagi lang nandyan

‘Di kita iiwan, ako’y kasama magpakailanman

Ako’y iyong hahagkan

Ako ay lagi lang nandyan

 

Verse 2 (Mista Blaze):

O parang kay bilis takbo ng panahon

Ayoko ng maulit na masayang ang pagkakataon

Ikaw at ako sa munting paraiso

Pag-ibig ko’y para lamang sayo

Pangako ko sayo mahal ay lagi mong tatandaan

Isipin mo na lamang ako’y laging nandyan

Sa twing makasama kita, alam mo ba

Sa piling mo mahal, sayo ko lang naramdaman ang saya

Makasama kang muli

Kahit sa huling sandali

Wag ka na sana pang lumayo

Dahil bihira ang katulad mo

 

Repeat chorus

 

Bridge:

Maging alipin sa pag-ibig, pakinggan mo ang puso ko

Sa tamis ng pagsasama, awitin inaalay ko

Maging alipin man ang puso ko

‘Di mo kelangan mangamba

Dahil minamahal kita

 

Repeat chorus (2x)

 

Outro:

Kahit saan, maging sa ilalim ng ulan

Ako’y iyong hahagkan

Ako ay lagi lang nandyan



OTHER LYRICS

Dello vs Target

FlipTop presents: Ahon
Various Emcees
2010 Rap Battle Verses

Baby

Boogieman Mixtape
Bugoy na Koykoy
2015 Album

Kayo (feat. Mitchell)

Diploma
Gloc-9
2007 Album

Sige

Sige
SLIZ
2021 Single

WUTS RLY GUD

Nightmare On 66
Bawal Clan
2019 Album

FEATURED ARTICLES