Rap Battle Verses

Loonie vs Plazma (Plazma's Rounds)


FlipTop presents: Ahon 7
Various Emcees
2016

Round 1:

Wala na raw debate, ano man daw ang aking atake siguradong panalo na to

Eto na raw ang wakas ng kabanata ko sabi ng mga taga hanga mo

Para silang si Nostradamus, alam na agad nila ang resulta ng laban na to

Pero lagi nyong tatandaan tangina nyo!

Sa lahat ng propesiya ni Nostra yung araw ng katapusan lang ang hindi nagkatotoo!

Hayop ka, buong bansa gusto akong makitang matumba

Kahit aking mga kapitbahay, pamilya at barkada, sayo pumusta

San man ako pumunta, tanong nila, bakit di ako kinakabahan

Ang kompetisyon sakin ay Balewala tangina Tao Lang yan!

Eto na ba diyos nyo? Pwes simulan nyo nang manalangin ngayon

Garantisadong durog to, kung lyrics mo mala impakto yung sa akin dragon

Malakas loob ko, ginagawa kong pagkain ang mga bala ng kanyon

Nung sinabi mo kami'y galing sa tamod mo, dun ako lumayas at nagpa ampon

Hindi wasto ang mga tira mo sa crowd reaction ka lang umaasa

Tanging habol mo lang maging trending, habol ko ang iyong pagkasira

Wag na wag mo pag yayabang sakin ang million views mo! walang bisa

Dahil kaya pa rin kitang patayin ng walang nakakakita parang ninja

Bakit nga ba siya malupit? Dahil ba sa kanyang mga kumplikadong multi?

Eh ginagawa na dati yan ng BB Clan partikular si Kemikal Ali

Pinaka malakas daw na diss track yung Isang Bara Ka Lang, anak ng pucha imbento yon

Dekada nobenta palang hari na ng hardcore rap ang Ghetto Doggs

Mahusay rin daw sya sa ibang lenguahe, di naman ako nagalingan sa F with this G

Nung natututo ka palang magenglish nandyan na ang Mastaplann at SVC

Yung mga nagawa mo ay nagawa na nung 90's, kaya ang naambag mo sa industriya'y wala

Anong pinagsasabi mong hari? Gago! Baka hari harian ng tugma!

Si Plazma ang iyong pinaka malaking banta, win or lose!

Sobrang malas mo, eto lang ang battle mo na hindi magkaka million views

Dahil wala akong pake sa atensyon at mananatiling ganon habang ako'y humihinga

Dun palang lamang na ako, dahil hindi nalalaos ang hindi sikat

Masyadong ka nang pabida sa takilya, dapat nang isarado ang pinto

Bilang beterano kailangan mo rin magbigay daan sa mga bago sa laro

Malulugi nga ba ang liga pag wala na sya? ang larangang to ay malabong huminto

Tumingin lang kayo sa underground, dun laging nakatago ang ginto!

Bihira ka lang lumaban dati, tapos ngayon bigla kang aktibo

Halata ka iho, makasariling unggoy, gusto sya lang ang laging paborito

Ang dami ng bago rito na may mas advanced pang istilo

Aminin mo na, kaya ka lang ulit sumabak dito

Dahil natatabunan ka na ni Sak at Sinio!

Oo marami ka pa ring taga suporta, kaso puro mga bwisit na bata

Biglang nalang humihiyaw kahit di naman intense yung bara

Galawang Johnny Cage to, mga kamay ko mabangis puminsala

Samantalang tong diva na to, kailangan pa ng fans sa battle ikaw si Princess Kitana

 

Round 2:

Eto sabi mo kay Tipsy D "ang agwat namin dalawa ay sing layo ng andromeda

Ako'y halimaw sa entablado parang Phantom of the Opera"

Basa-basa din ng konti tsong, para yung mga reference mo mas malinaw

Yung Phanton of the Opera deformed lang sya, hindi siya halimaw

Tapos ito hirit mo kay G-Clown "kasi ikaw yung klase ng payaso na dapat pinapaalis na sa FlipTop

Ako naman yung klase ng payaso na mukhang bokalista ng Slipknot"

Halatang di ka nakikinig ng ibang genre, kaya sa mata ng mga tunay mahina ka 

Yung clown sa Slipknot hindi sya bokalista, perkusionista sya!

Tuturan kitang umunawa ng ibang tugtugan, pero gagamit ako ng brutal na tactic

Hahampasin kita ng gitara sa ulo hanggang bumuka para maging open minded ka sa music

Kay BLKD naman may linya kang ganito "wala akong pake kung kurso mo ay cultural arts

Sa rap battle kailangan puso hindi puro lang smarts"

Taglish na nga pero sablay pa rin ang grammar at plural form, nakaka bobo ka

Sino ba impluwensya mo sa FlipTop? Si Troublesome?

At wag ka nang magrebat! Sapagkat ika'y huling huli na

Hindi ka mema, ikaw ay memamul, me ma multi lang!

At pagusapan natin yung laban ni Abra at Pricetagg, may nangyari nun na di pa kumakalat

Diba nagkainitan nun? Yung grupo ni Price sa gera handa nang sumabak

Sa backstage, bigla kang naglakad papunta sa kanila, kala ko may ibabanat

Pagdating sa gitna, bigla kang huminto, naghintay ng aawat!

Eh kaso walang dumating na bouncer, yung angas mo naudlot

Humirit nalang ng "tol, congrats, nice battle!" nanginginig pa si hindot

Naging vegetarian ka bigla nung may hinain na beef, tangina supot!

Daig mo pa ang eksperto sa origmai sa bilis mong tumiklop

Ilang beses rin nyang inatrasan yung hamon sa FlipTop, di kaya panindigan yung pagkasiga nya

Siya ay kuripot na nagshoshopping, nung nakatapat yung Pricetagg umiwas sya!

Ano? Akala mo perpekto ka? Dapat sayo makatikim ng sapak

Di porket ikaw ang pinakasikat ay malupet na agad

Isa rin naman ako sa mga tumitingala sayo pero ibahin mo ako brad

Kasi habang ako'y nakatingin sa taas magpapa putok ako ng rifle parang may nililibing na parak!

Magpapaingay ng crowd tapos yung mga bara isisgaw para kunyari malakas ang punch line

Yang pinapakita mong imahe ay sapilitan lang pare na parang fan sign

Madalas akong swabe pero pag umatake walang sab-lay

Subukan mo akong gawing stepping stone tangina mo meron tong land mine!

At kaarawan mo nga pala ngayon, bibigyan kita ng malaking cake pagtapos ng palabas

Pero imbis na magandang babae, si Fongger yung lalabas!

Wag ka rin mag alala, kakantahan ka namin ng walang hanggan

Pero hindi happy birthday to you, kundi mga awit ni Badang 

Yung mga party hat, mga pugot na ulo ng grupo mo't pamilya

Maghahanda si Hannibal ng putahe mula sa kanyang kusina

Mukha mo itatapat ko sa cake, tapos na ang iyong legasiya sa liga

Dahil tinanggal ko yung mga kandila at pinalitan ko ng dinamita

Araw daw nya to, kaya wag ko daw sya laiitin ng sobra

Ulol, walang birthday-birthday sakin parang saksi ni Jehovah

 

Round 3:

Ang Stick Figgas nga pala ngayon ay banda na

Kumuha pa kayo ng chicks na miyembro, yung kumakanta

Natabunan yung rap nyo yung mga tao, sa chorus nalang namamangha

Kaya yung banda nyo nagmukhang sanggol, babae lang ang nagdadala

Hanggang ngayon wala pa rin kayong album, puro hype lang pala

Pakisabi nalang sa babae nyong bokalista na sya'y type ko talaga

Nung sinimulan mo yang proyekto na yan, akala mo na marami kang nauto

Ginahasa mo lang yung Rock scene dahil nung pinasok mo wala namang may gusto

kaya kung maghahanap ka ng Alternative sa career mo, sa ROCK, wag ka nang umepal

style mo Punk-araniwan lang, yung sakin Experimental

Indie ako bilib sayo, boses ko nagiging Grunge pag ikaw ang nasa instrumental

Magiging duguan ka na parang Emo pag kinalabit ko gatilyo ng aking Heavy Metal

Kung ikaw ang kinikilalang rap god ako si Mephisto! Di mo mapapantayan ang aking pagka sadista

Sa entablado ako nagkakaroon ng devil horns parang mga rakista

Panis ka, pagdating sa marahas na mga linya ako ang nagiisang tunay

Saka lang ako magbibigay pugay pag yung bangkay mo'y nakahandusay

Pwede rin kitang sundan sa impyerno at doon, ika'y magmimistulang gulay

Nagpapatunay na ako ang pinaka mahusay kahit umabot pa sa kabilang Isabuhay!

Ang dami mo nang tinalikuran na tropa, unahin natin yung Schizophrenia

Tignan mo resulta, si Juan Tamad nung Balentong di na naka bwelta

Alam ko rin yung kay Jayflava, bigla mong tinira pagktapos ng ilang taong pagkakaibigan

Kung tropa ka talaga pag may problema dapat dinadaan sa usapan

Nagulat rin ako nun, nung biglang mo nalang inaway yung 6000 Goonz

Di kasi kayo nagkasundo, ang gusto mo lang ay maging 6000 Loons

Pag hindi nakuha yung gusto lilipat ng grupo, dapat lang na todasin na to

Sobrang gutom sa atensyon kinagat mo yung kamay ng nagpapakain sayo!

At nung nagtapat kayo ni Dizaster naging disaster! ni isang bara hindi pumatok

Konti na nga lang yung nakapanood, puro pa mga barok!

St yung Bolero Rap Battles daw orihinal, ang dapat dyan kwinekwestiyon

Ilang beses na ginamit ng King of the Dot at Don't Flop yung konseptong yon!

Araneta Dreams at BRB, isa ka sa mga nagpasimuno

Gustong gumawa ng sariling eksena, yun ang napansin ko non

Sinubukan makipag kumpitensya sa liga, epekto ng panibugho

Hihiwain ko tiyan mo at papasubo sayo bituka mo dun ka magbabalik loob!

Ano kulang pa ba? Pwes tangina ka, gagawin kong mas brutal pa yung paglakbay mo sa libingan

Pag sya'y dumapa, palakol sa panga tapos bubunutin mga kuko nya, wala nang kaligtasan

Tagain ang paa, at pag sumuko ka na, buhusan ng asido ang, iyong napapanot na bunbunan

Luwa ang mata, wasak ang mukha, sabay bubulagta parang hinampas ni Negan

Hari ng morbid na istilo, naghahatid ng iyong tragic end

Basta fan favorite pinaparusahan ko ako ang nagsulat ng Walking Dead

Kaya sinong manok nyo? Si Loonie? Taob na sya ngayong taon

Ang FlipTop babalik na sa pundasyon, taga underground ang magkakampyeon!



OTHER LYRICS

Neneng B (feat. Raf Davis)

Now I Know
Nik Makino
2019 Album

No Greater Love (feat. Clara Benin)

Life Of A Champion
Quest
2016 Album

Babae Sa Computer

Evolution Mixtape
Dello
2009 Album

Maniwala

Maniwala
Ex The Great
2018 Single

Neo-Manila (feat. BLKD)

KOLATERAL
KOLATERAL
2019 Album

FEATURED ARTICLES