Shehyee vs Sinio


FlipTop: Ahon 7
Shehyee and Sinio
2016

Round 1 (Shehyee):

Salamat sa lahat ng nag-goodluck. Thank you!

Pero next time, wag break a leg ang sabihin n'yo.

Dapat ko si Shehyee eh, dapat may extrang E.

Kasi ngayong gabi, leeg ang babaliin ko.

Maraming nagsabi sa 'kin na sa laban na ‘to lugi ako.

Lugi ako? Talagang lugi ako!

Pagkatapos ko kay Loonie, eto? Si Sinio?

Ang pabowito ng matha?

Lugi nga naman kasi pag natalo ako dito sigurado magpa-party ang mga gaga.

Pero pag natalo ko 'to,sasabihin ninyo, tsamba!

Mga hurado nabayaran, nagpaalipin sa kwarta

Kung anu-ano pang dahilan ang gagamitin para hindi na sumakit pa yung feelings

Haaa... haaah!

Nakakatawa kayo! Akala n'yo apektado ako sa pinagsasasabi n'yo

How ironic anng laki-laki na nga ng mata ko.

Pero hindi ko pa rin mahanap kung nasaan pake ko

Pakisilip sa paligid baka nasa inyo

Ah alam ko na kung nasaan, na kay Sinio

Kasi 'tong taong 'to, resulta ng battle dinidibdib ng sagad

Kaya pag 'di mo binoto, umiiyak agad

Yan ang isa sa dahilan kung ba't sa Fliptop isa kang weakling.

Sapagkat ang isang leon, walang pakialam sa opinyon ng mga tupa sa paligid

Taas noo pa ring nakatindig sa harap habang bitbit ang bayag.

Yun ang pinagkaiba ko sa inyo na hindi n'yo tanggap

Ikaw? Balat sibuyas, andali umiyak

Habang ako mala-sibuyas ang aking balat kasi bawat tao na triny na hiwain ako, pinaiyak ko lahat

Sabi niya pa oh, sa battle nila ni Flict-G.

Siya na daw mananalo, ganadong-ganado.

Five zero daw sigurado,t alagang todo bars pa si gago.

Magiging four one lang 'to pag isa si Shehyee sa hurado, ayun, talo!

Ano feeling? Pahiya ka? Pahiya ka?

Wag ka nang mag... Sabihin mo joke lang...

Hindi, pahiya ka

Yan talaga ang napapala pag yabang ang nauna.

Puro yabang 'di naman pala kayang panindigan ang resulta.

Kaya hindi ko daw siya binoboto

Kaya ngawa nang ngawa

Binoto kita sa laban mo kay Sak ah,  ba't dada ka nang dada?

Eh siyempre hindi mo nga naman feel ang parangal na binigay sa gitna

Kung ito'y para sa libro na hindi ikaw ang may akda.

Ano daw?  Sa madaling-salita, kaya hindi mo naramdaman na binoto kita

Kasi yung mga linya mo si Sak may katha

Kaya naman pala senyorito.

Kasi pag may assignment, may tutor

Ayaw mo na bang mag-isip para sa sarili?

Kaya... Kumuha ng super proxy, nakakahiya!

Pero hindi naman daw lahat kasi masyado daw risky

Yung mga bars niya lang laban kay G-Spot at Tipsy

At sa iba pang emcee.

Pero wag niyo nang itanong.

Basta pag may narinig kayong magandang linya, alam niyo na 'yon

Pag nakarinig naman kayo ng pangit, siya na' yon

'Di ba sabi mo sa battle n'yo, wala kang paki sa boto ng hurado?

Na nagra-rap ka lang, buma-battle ka lang para sa tao?

Eh ba't nung hindi kita binoboto reklamo ka nang reklamo?

Putangina ako nga eh halos sampung milyon na yung talo ko.

Halos lahat yun hindi rin ako naniniwalang natalo ako.

Pero kahit kailan sa hurado narinig mo bang nagreklamo ako?

Hindi, kasi ang judging sa Fliptop parang panliligaw sa babae.

'Di porke't nag- I love you ka, may I love you too agad pare.

Kung hindi ka gusto, tanggapin mo na lang bilang lalaki

Hindi yung porke't hindi ka sinagot, ang dami mo nang sinasabi.

Sa panahon ngayon, uso sumabit sa karwahe

Pag may sarili kang opinyon, babatuhin ka ng tae.

O, hindi lang kita trip, hindi ka lang pasok sa panlasa ko.

Bitter na agad? Grabe!

Ako pa bitter kayo 'tong 'di maka-move on sa nangyari

May tanong lang ako sa'yo pare

Ako, ako ba ang bitter sa iyo?

Teka teka lang tarantado ba ito?

Bakit ano nga bang meron sa iyo na akala mo ay wala pa ako?

Saan nakatapak mga paa mo? Baka matapak-tapakan ko lang 'to

Kasi ika'y katumbas lang ng halaga ng sapatos na nasa mga paa ko

Di naman sa matapobre, ikaw lang ang minamata ko pre.

Sabihin na nating meron kang motor, tangina paki ko

Meron akong kotse, ano?

Sana mahiya ka naman ng konti

Ba't ako naging bitter sayo?

Eh pukinangina mo kahit kumpara mo alam mo na mas better ako!

 

Round 1 (Sinio):

Boring, boring!

Putangina mo naman!

Oo, sinabihan kita ng bitter

Pero di dahil sa hindi ka makapag-move on

Sinabihan kita ng bitter kasi mapait ang sasapitin mo ngayon!

At sa lahat daw ng rapper, ako lang yung umiiyak

Puta sa lahat ng di affected, ikaw lang yung nagre-react

Saka 4-1 ako kay Flict, oo totoo

Ito 5-0 sigurado kasi di ka na kasama sa hurado

Puta tapos na, rebutt pa lang tapos na! Time!

Hindi, joke lang, Shehyeeeeeeeeeeeeeee!

Puta dinaig pa si Andrew E sa dami ng letter Eeeeeeeeeeee!

Ina mo! Kung pumunta kayo para sa bars, bars

Makakauwi na kayo

Kasi wala kayong bars na maririnig ngayong gabi

Puro personals lang 'to, pero 'di lang 'to basta real talk

Puta real jokes 'to!

Kaya tangina mo mata, yabang mo na ah

Ano bang tingin mo sa sarili mo?

Kung matahin mo 'ko sa battle'kala mo kung sino ka ah

Porke't ba ganun na kalaki yung kita mo?

Kaya ganun na lang kaliit tingin mo sa akin?

Kasi mababaw lang daw yung jokes ko

Pero alam naman natin

Na wala kang pwedeng ipagmalaki kasi mas ma-BABA ka sakin

Kaya wag mo nga kaming bilugin, yung mukha mo tatsulok

Pero pare haba, habang tumatagal, palala nang palala.

Member ka ba ng Sexbomb? Kasi pababa ka nang pababa

Puta kapal pa ng mukha, kahit sino daw kaya niyang gawing kampeon.

Remind ko lang po ha, 3-10 standing niya ngayon.

Sumali siya ng last Isabuhay, first round nung tournament, laglag po siya kaagad dun

Kung talagang kahit sino kaya mong gawing kampeon, bat 'di mo kayang gawin mismo sa sarili mo 'yon?

Ano yun? Ganun ka na ba kayaman, dudung?

Na para lang mag-kampeon kailangan mo pa ng Smugglaz na katulong?

Tangina naman tsong, tapos sasabihin mong utak mo ginamit

Kung bakit nag-champion kayong dalawa talagang nakakaduda.

Kasi parang wala ka namang isip na ginagamit sa tuwing may battle ka na mag-isa

Alam niyo ba? Yung mga batang malakas mam-bully

Pero pag pinalagan mo, ang sasabihin sayo "sige nga suntukan nga kayo ng kuya ko"

Parang ganun lang din 'to, biglang umangas nung nagka 2 on 2

Nung battle niyo nina Loonie, puta sobrang yabang mo

Pero yung pino-front, si Smugg

Tapang-tapangan ka pa duwag

Akala mo papalag pero yung buntot naka-bahag

Etong pussy, umastang may bayag

Pero lalaking-lalaki yan mga brad

Nagkasagutan nga sila ni Apekz eh

So kayo na?

Tangina syota, puta!

Sinabihan niya si Apekz ng "Basic", puta dun ako bumilib!

Gumawa siya ng six saka thirteen minutes na vid, partida ah

Hindi siya affected, tangina ka

So pano pa kaya pag affected ka na?

Baka yung video mas mahaba pa kesa sa baba niya

Nagtuturuan pa kayo eh parehas naman kayong tanga

May pa-three ways three ways pa kayo

Eh kahit two on one 'di kayo uubra!

O baka isyu na naman

Kasi nadamay siya

Di ko naman sinasabing di kayo magaling

Ang problema lang nasabi ko na

Ngayon tatanungin kita mata, kung mas ikatutuwa mo ba kung 'di ako magpapatawa?

Time!

 

Round 2 (Shehyee):

Nung Dos por Dos, nagtatago lang daw ako sa likod ni Smugg

Puta, si Abra, ginanun ko ng cap

Andito ba siya? Tanungin mo nga siya kung ba't 'di siya pumalag?

Pangalan neto Joseph, pero bitter siya kay Abra.

Alam niyo kung bakit bitter si Joseph kay Abra?

Kasi yung girlfriend niya kamukha ni Josef Amara.

Gets ko na yan, alam ko na yan na ganyan

May sasabihin na lang ako, sana makinig ka man.

Nung sa laban ko kay Pistolero, hindi daw ako yung nanalo

Pero nung sa laban ni Loonie at Tipsy, sinabi niya, kay Tipsy lang siya naghanda

Yung sinabi niya na kay Tipsy lang siya naghanda, lahat kayo tuwang-tuwa

Pero nung sinabi ni Loonie na panalo dapat ako kay Pistolero

Wala, hindi kayo nag-react, wala

Ganyan kayo ka-bias ha

Pano magiging classic 'to, ha? Kung ang nagre-react lang kayo puro sa bars ni Sinio.

Tapos pag... Shout out sayo ate, shout out sayo

Dahil sayo 'di na 'ko pagtatawanan, thank you lang ang masasabi ko.

Sorry hindi kita pwedeng i love you-han.

Yo! Round two na

Gusto ko sanang sabihing "Apekz, putangina ka"

Pati girlfriend mo putangina niya

Kaso baka sabihin niyo yan na naman si Shehyee nandadamay ng iba

Pero aminin niyo, yun ang inaabangan niyo di ba?

Buti na lang kalaban ko 'to, kasi ito pinakamahilig mandamay sa Fliptop

kaya damay-damay na 'to

Ang pinagkaiba lang natin, mas malaki yung bayag ko sayo

Kasi pag ikaw yung nandamay, joke lang po

Pag ako totoo!

Kaya pag sinabi kong pangit asawa mo, real talk yun

Pati si Zaito nagtataka pano ka nainlab dun

Yung mahal ko mukhang taga-South Korea, mala Crystal Jung.

Yung sa'yo mukhang taga-North ala Kim Jong Un

Pero kaya nga sa sobrang ganda ng girlfriend ko, ha

Para akong nasa heaven bro

Ultimo yung mga demonyong 'to nagdasal kay Lord sana mawala yung cellphone ko

Pero ganun din naman sayo

Hindi nga lang dahil sa sex vid

Gusto lang nilang mawala na iyong esmi

Para hindi na makagamit ng FB

Para hindi na makapag-upload ng mga pangit niyang selfie

O, ano? Sa mga hacker jan, sorry

Wala kayong makikita, virgin pa kami ni Ann

Hanggang halik lang ako sa pisngi niya

Si Sinio may scandal, gusto niyong makita?

Search niyo part two ng scandal ni De Lima

O bakit, andito pa siya?

Wala akong paki kung sa kanya'y umabot

Sa sobrang baboy niya yung screen ng cellphone niya puro kulangot

Grabe kung makadikit kala mo super glue

Palibhasa mukhang bulldog

Tapos feeling Harley Quinn porke't yung boyfriend niya Joker

Mukha namang Penguin

Baka tumulad ka kay Apekz

Sabihin mo sa akin si Ann walang talent, ha!

Magaling yun magluto kaya ako tumaba men

At least alam mo na pinagkaiba natin

Ikaw pumayatm kasi pag nagluluto yung asawa mo ng pagkain, siya lang din kumakain

Kaya tignan niyo yung katawan, puro buto yung content

Ganito itsura ni Taguro pag two percent.

Kahit yata 'di kita i-battle mukhang mamamatay ka na

Kaya ka pala inihian ni G-Clown kasi dehydrated na siya

Yan yung idol niyo

Iniihian lang sa tabi

Buti pa si Ping pumalag kay Baron.

Eh ikaw? Pweh!

Sa sobrang pagpapaka-joker pinalipas niya lang yung gabi.

Joker nga daw siya kaya hindi niya inaway si G-Clown, clown daw kasi

You got... you got pissed on

'Di man lang na-piss off?

Bakit, gusto mo yung peace?

'Di yun yung punto.

Ang punto wala kang ginawa para 'di maulit.

'Di man lang uminit yung ulo.

Kung takot na takot ka kay G-Clown, isumbong mo kay Tulfo

Buti na lang pangit yung asawa mo

Pano na lang pag naiputan ka sa ulo?

Eto idol ang example ayos lang magpaka-sulto?

Asan si Apekz? Eto? Idol example oh ayos lang magpa-insulto?

Ako palag palag! Pag wala sa lugar yung insulto

Yung mahal ko ipagtatanggol ko hanggang sa dulo

Ito tandaan mo, iba ang nagpapasensya sa nagto-tolerate.

Sana pinalagan mo para natuto

Pero wala eh

Imbes na lintik lang ang walang ganti

itong lintik na 'to ni-literal yung "lintik lang walang ganti".

Kaya lintik lang walang ganti

Pano yung golden shower fetish niya kasi

Kung si Sak ang panga panga

Ikaw ang panghe panghe

At saka balita ko hindi ka lang nagji-gym nagswi-swimming ka pa

Para lang maka-feel ng ihi ng iba

Sino dito gusto sumama sa swimming?

You're in luck kasi basta daw fans ni Sinio, you're in

Ang bait talaga nito ni Sinio, yung ihi shini-share, gusto kayo rin

Puta kung ako may jingle sa radyo, ito jinijinggilan ng tao

At dahil joker daw siya, naglalaro siya ng LoL

Paborito niyang role Jingle habang umiinom ng Jingle Juice

Habang ang sound trip Jingle Bells.

Putang ina mo puro jokes lang ako ng round na 'to

Binaba na kita sa lebel mo next round Ahon 'to.

Umakyat ka sa lebel ko, time!

 

Round 2 (Sinio):

Puta yung asawa ko daw mataba

Hiyang-hiya naman kami sayo

Alam mo ba ibig sabihin ng mataba?

Mata at baba mo

Oo mataba yung asawa ko

Pero at least may kama ka na, may unan ka pa

Di naman siya katulad ni Ann Mateo eh

Pang-kama lang talaga

Inihian daw ako ni G-Clown

Mali ka ng infong narinig

Sobrang pogi ko kasi eh

Naihi siya sa kilig

Tapos buhat pa nang buhat ng bangko sa asawa niya

Proud na proud 'to

Oo nga noh

Ang cute ng misis mo

At ako daw yung two percent na Taguro

Ganito naman magiging itsura pag naging rapper si Suezo

Kilala niyo si Suezo? Yung puro mata, pota galit na galit!

Kung makapagsalita akala mo talaga may kausap siya

Tangina bago mo sana ako pagsalitaan ng ganyan, siguraduhin mo munang kausap kita

Pero idol kamusta?

Balita ko wala nang balita sayo ah

Huling kurap mo daw nung June pa ah

Pero joke lang

Actually, yung battle namin dapat last last year pa.

Kaso pina-cancel niya, nung nalaman niyang ang magiging event, Oro Mata

Puta na-offend si gago

Eh di ba dati kang look out?

Di ba dati kang look out?

Kaso tinanggal ka sa trabaho

Kasi lahat na lang daw ng bagay nao-overlook mo

O sabihin mong hindi totoo

Tignan mo naman tol

Itsura pa lang nito parang laging may ka-eyeball

Kasi simula't sapul, si mulat sapul

Bull's eye pag ako umasinta

Sa aking kataga

Sa talim ng dila, sa akin ka taga

Hindi nagpapadaig

Siksik bawat titik, pantig

Yang lintik mo na technique, walang nakakabilib

Pag ako bumara, magmumukhang unggoy si Aric sa net

Mala-King Kong kakatapik niya ng dibdib

Tapos puro pa pagbubuhat ng bangko ampota

Puro "maganda yung asawa ko", "mas maganda kaysa sayo"

Ayaw mo naman ipagamit

Tapos, tapos ako pa

Ang sasabihan niyo na mababaw lang daw ang aking pagpapatawa

Pero di ba mas nakakatawa?

Yung mga katagang pag narinig niyo nanghihiwalay ng kaluluwa

Puta ganyan sila, mga rapper na may super duper powers pa

Tapos ako pa? Yung mga jokes ko daw pambata

Sakto, kasi isip-bata ka

Ako'y tapos na sa imahinasyon

Mulat na 'to sa reyalidad

Nagising sa panaginip nang ang pangarap matupad

Pamilya aking dedikasyon

Kaya tagumpay ay naabot kahit kapus-palad

Movement, street smart, knowledge

Yan ang hiphop

Clothing line ko pumatok

Mala geonet tumatak

Kaya tingin sa kin ng mga emceeng sikat, basura

Kasi yung pangalan ko kalat, hoy mulat!

Sige ikaw na celebrity

Ikaw na nasa tv

Ikaw na nasa mainstream na may mataas na talent fee

Pero ako, wala akong paki

I can make my own money gamit ang aking ability and that's the life of a true emcee

Hindi kita pinapasikatan Shehyee

Tirik ang araw ko

Tanghaling tapat kaya ako mainit sa tao

Ikaw, dapit-hapon na career mo, palubog na

Kaya ka nasa Ahon at yon ang totoo!

Pinanood ko yung last battle mo, puta akala ko yun na yung last battle mo

Kasi yung utak mo pang-A.I., talinong artipisyal

Samantalang ako, Pampanga's best yes

Puro't natural walang halong kemika

Hoy bural!

Nasaan na yung dating Slim Shady?

Nasaan na yung dating Slim Shehyee?

Please stand up

Napansin ko magmula nung naupo si Digong nagtabaan yung mga adik sa FlipTop

Kasi di ba dati kang adik?

Ngayon pag nasasabihan diring-diri

Eh kaya ka nga ganyan kaputi

Kasi mahilig ka sa puti

Puta sabihin mong hindi

Puta ang angas pa niyan

Yung tipong kahit sinong makalaban

Kaya kong matumbasan, malampasan, mahigitan

Puta kahit tapat ng bahay niyo kaya niya pa ring tapatan

Bago ito matapos, may tanong ako sa kanya

Kung mas ikatutuwa mo ba kung di ako magpapatawa?  Time!

 

Round 3 (Shehyee):

Actually, saludo ako dito kay Sinio

Kasi inuuna yung pamilya

Tingnan niyo yung live video niya sa Facebook, yung pinaka-latest

Mahal na mahal niya yung anak niya

Hindi niya iniiwanan

Di kagaya ng ginawa ni Apekz

O, yung pagka-proud ko sa girlfriend ko pinuna niya nang husto

Ikaw pinapagamit mo yung girlfriend mo, wala nga lang may gusto

Inaalok mo sa Tinder

Barbero talaga

Hanggang sa Tinder nagtitinda ng t-shirt

Tindero daw siya

Pero eto, eto na lang…

Round na lang kasi since...

Napanood ko, sinilip ko yung intro sa info ni Sinio

Ang nakalagay representing Never Heard Music

Yun na yun, never heard music

Kaya nga sa event, one time

Si Sinio kinuha

Yung organizer walang budget

Kaya siya yung talent kasi mura

Yung mga taga-probinsya excited

Galingan mo kuya!

Tas pag-akyat ng stage yung pinerform bars niya sa Fliptop

Puuuuuta!

Dapat dito palakpakan

Palakpakan. palakpakan ang putanginang yan

Sa mga organizer dyan, wag niyong kukunin 'to

Hindi kayo magiging proud

Kasi si Sinio hindi yan kumakanta

Ba-battle lang niya yung crowd

Tas organizer ka rin 'di ba?

Yung in-organize mong event ang pangalan Bar Gain

Kapal talaga

Bar Gain? Pero yung bar walang na-gain sa kanya

Pero hindi na yun kataka-taka

Kasi yung organizer tatanga-tanga.

Yung joker kunwari natatawa-tawa

Pero deep inside mangiyak-ngiyak na siya

Kasi sa laban nila ni J-King nag-choke 'to si gago

Ano yun, porket yung battle promo, hindi sineseryoso yung trabaho?

Eh di kung ganun ang kapal ng mukha mo na sabihan si Zaito

Na huwag pabaya para makasulit yung tao

Tangina pare wag mong ginaganon si Zaito

Respeto naman

Pag si Zaito, sulit talaga

Mukha niya pa lang

At least siya pagka nakakalimot sa bars, aminadong di niya matandaan

Eh itong putanginang yan

Panoorin niyo yung video

'Tong putanginang 'to nung nakalimot sa bara, dumukot sa bulsa, kinuha yung cellphone

Nagbasa na lang

Napaka-wack mong gago ka

May nire-represent ka pang isang copyright, wow ang lupit

Copyright pero yung mga kanta puro nakaw yung beat

Oh, bakit?

Puro nakaw yung beat

Puro kahambugan

Kung sino ang pinakamalupit

Puro naman kwentong barbero pero, ang daming nagpapagupit.

Kaya nga ako'y vocal

Para po alam niyo

Kung si Tipsy D ang source international

local naman 'to

Kaya lang naman parang malulupit yung mga banat

Nagsi-sink in agad

Panong di mag si-sink in agad eh yung mga banat mo matagal nang narinig ng lahat

Kaya lang naman minsan oks si moron

Kasi madalas siya gumamit ng oxymoron

Pero kung meron kayong common sense na hindi masyadong common

Malalaman niyo na ang sense of humor niya, common

Ano bang sinabi mo?

"Alam niyo yung I.S. ilimentary school"?

Demonyo daw wala namang sungay

Tangina panahon pa yan ng lolo ko't lola

Ambobo mo sobra

1K MMR kumbaga sa DOTA

Hindi mo kayang lumikha ng sarili mong obra.

Kaya naman pala copyright, kasi yung mga sulat puro lang kopya

Buti na lang na-discover ko yan

Kung hindi, hanggang ngayon hindi niyo na alam ang kanyang mga diss, cover na lang

Tapos umaano ka pa

Ikaw yung rebuttal prince?

Putangina mo, hindi ka si Lil Dello

Bukod sa katawan wala na kayong pinagkapareho

Si Dello pag binato mo ng buhangin, babalik sayo konkreto

Eh puro lang naman palusot at pag-iwas ang pinapauso neto

Sayo galing yung "eh di wow" 'di ba?

Yung "eh di wow"?

Wow, napakahenyo

Laki naman po ng ambag niyo sa bagong milenyo.

Usong-uso sa masa

Nababasa sa bawat komento ng mga tao na takot sa matalinong argumento

Real talk!

Ops!

Mali!

Hindi ko na dapat yan sinasabi pa

Kasi ang battle na to'y Mr. Eh Di Wow versus Mr. Actually, di ba?

Bansag pa lang alam niyo na ang pinagkaiba

Ang laban na to'y parang batang Naruto versus Itachi Uchiha

Ikaw na yung bida

Villain na yung status ko

Porket ako'y against sa status quo

Bina-bash n'yo sa status n'yo.

Eh ganun talaga, may magsasakripisyo.

Para malaman niyo ang katotohanang hindi niyo man gusto pero kailangan niyo.

Puta, alam kong alam mo yan

Pare, oo ,masaya ang kababawan.

Wala namang may ayaw

Ampangit lang kung puro kababawan yung nangingibabaw

Oo masaya maging bida

Pero wag mo namang kalimutan responsibilidad mo sa liga.

Alam kong alam mo yan

Di mo lang ginagawan ng aksyon

Palibhasa kasi nakikinabang ka ngayon

Sarili lang ang iniisip

Wala talagang ganon

Sa mga hindi naka-gets, abangan niyo na lang sa tamang panahon.Time!

 

Round 3 (Sinio):

Puta, Uchiha daw si baba

Pag nagka-sharingan yang mata mo ang sagwa

Tinitira pa yung clothing

Oo, nagbebenta kami ng damit para meron silang masuot

Di naman sila tulad ni Ann eh

Kaya nagiging mabenta, walang saplot

Saka napansin niyo ba?

Puro mga dati kong linya yung pinupuna

Sige ikaw na yung rebuttal king

Puta biruin niyo tapos na yung battle, nire-rebutt niya pa

Shehyee? Tangina tunog pa lang pang-bakla na mukha ka pang lesbi

Gusto mo pala ng cute name eh hindi mo ginawang Girlie o Lovely.

Puta Shehyee? "She" na "He" pa?

Confused ka yata sa gender

Kaya ang pagiging male mo

Kaya wag mo nang itanggi sir

Na yang pagiging male mo mali

Supot lahat ng battle

Hindi pa tuli

Kaya pala, trip na trip mo si Abra, si Apekz at ako

Magaling kang pumili, galing ka nga sa tamod ni Loonie kasi meron ka pa sa labi

Puta landi

O siya para maiba

Alam niyo po bang si Ann Mateo nag-medic siya

Opo totoo itanong niyo pa sa kanya

Di ba may dick siya?

May dick siya

Kasi ok lang naman kung titirahin ko si Ann diba?

Kasi di naman bago sayo pag tinitira siya ng iba

Kaya yang girlfriend mo, my gahd!

Patitikimin ko yan ng special na nakatuwad

Puta wala nang hubad hubad kadyot na agad

Long neck na burat ang ipapasok ko sa pekpek niyang lapad

Babastusin ko yan nang buong magdamag tulad ng ginawa mo sa girlfriend ni Kamandag

Ano brad? Di ba nasabi sayo ni Ann?

Ex niya ako

Na katatapos niya lang ako blowjob-in nung nag-first kiss kayo

O baka seloso ka bro

Three hours lang naging kami

Yun lang kasi yung kasya sa budget ko

Kaya naman talagang sinulit ko nang husto

Nilamas-lamas ko yung dyoga bro sabay hawak sa magkabilang nipple puta parang nagyo-yoga ako

Pero seryoso, bilib ako sa relasyon niyo

Nagmamahalang adik at pokpok

Bagay na bagay nga kayo ni Ann, isang runner at pa-walk

Mga bugok!

Parehas pa kayong player diba?

Mga gamers

Parehas pa kayong gamer diba?

Mga player ng DOTA

Kaya sanay na sanay ka na kapag gina-gangbang siya ng iba

Pag naglalaro sila, si Ann puro cleavage yung pinapakita

Ito namang gagong 'to mas malakas pa yung trash talk kesa sa damage niya

Pero ang tanong, ang tanong

Na-first blood mo ba?

Baka mamaya feeling god-like ka sa kanya puro finger of death ka lang pala

Pero seryoso tangina

Sana pag nagkaanak ka, maging babae

Tapos kay Ann magmana

Ewan ko lang kung maging proud ka pa pag dumating yung panahon na sabihin sayo ng anak mo na

"Papa, pangarap ko pong maging katulad ni mama"

Puta! Payag ka no'n?

Yung girlfriend mo minamanyak ng iba

Halos mga katropa mo pa

Mismo ngang si Aric umamin na

Pero ok lang daw yun sa kanya

Kasi ang motto niya, at least hanggang jakol lang naman sila

Puta eh hindi mo na nga dapat kinunsinte ipinagmamalaki mo pa

Proud na proud siguro yung tatay mong pastor sa kanya

Di ka pa rin maiwan-iwanan ni Ann kahit alam niyang binubugaw mo na siya

Para maging mabenta, bagsak presyo ang laman

Mura, yan ang girlfriend niya

Puta, ginawang puhunan ang hinaharap para sa hinaharap niya

Pano ba naging seksi yun, kung binababoy ng iba?

Pinagpalit ang puri para sa papuri nila?

Oo, may maganda siyang image pero ang laswa ng imahe niya

Maganda nga siyang modelo pero di siya magandang modelo para sa iba

Ngayon tatanungin kita, kung masaya ba akong ka-battle pag di ako nagpapatawa?

O, baka yung mga hurado magreklamo

Kasi yung tira ko hindi rekta kay gago

Hindi naman kasi 'to battle eh, threesome 'to!

Saka yang pagkapanalo, wala na akong balak makamit

This is not a winning piece of shit

I just want to destroy your relation-shit!


OTHER LYRICS

Pilosopo
Ultrasound
Loonie (feat. Smugglaz)
2013
T.H.
Shanti Dope
Shanti Dope (feat. Taggsign and Zjay)
2017
Executive Order
The Lesser Of Your Greater Friends
Calix
2017
Easier Said Than Done
Single
Soupherb
2017
Girl Be Mine
Happy Battle
Francis M.
1996