Album

Maleta (feat. Julie Anne San Jose)


TULAy EP
Gloc-9
2019

Pre-chorus:
Ayoko na sayo
Dahil lahat nang sinabi mo'y hindi totoo
Ano ang plano mo?
Kapag lahat ng binali ko'y sagad na sa buto
Pero nakapagtataka
Bakit mahal pa rin kita?
O sadyang nakapagtataka
Dahil mahal pa rin kita

Chorus:
Lumapit kahit na malayo ka
(Ang lahat ay ginawa
Ano nga bang napala? 
Dito ka sa kanan ako naman ang sa kaliwa)
Kahit kaya pa'y paalam na
(Di ko makakaila kahit na sa kabila 
Ng lahat ay hahanapin ka pa rin sa simula)
Lumapit kahit na malayo ka
(Ang lahat ay ginawa ano nga bang napala?
Dito ka sa kanan ako naman ang sa kaliwa)
Kahit kaya pa'y paalam na
(Di ko makakaila kahit na sa kabila)
Malay mo'y magkita pang muli

Verse 1:
Maleta sa pintuan na nakaabang
Damit at mga alaalang siyang laman
Mabigat mang buhatin ay aking pasanpasan
Matagal na pinagisipan nang matuklasan
Ang katotohanang di matago 
Madami nang nagbago
Kahit malayo ay tanaw
Malinaw di malabo
Mahabang listahan ng mga di natupad na pangako
Parang gamugamo sa ganda mo nakakapaso
Nakakasilaw na parang ilaw ng jeep sa kalsada
Di man sigurado ang kita ay namamasada
Parang pagtingin mo sakin
Pwede ka bang kausapin?
Di ko sukat akalain mangyayari to sa atin
Ang hirap mong hagilapin
Laging laman ng dalangin
Liham na sana'y meron ka pang oras na basahin
Kahit basa na ng luha at ubos na ang tinta
Di ako makapaniwala na mahal pa rin kita

Repeat chorus

Verse 2:
Bata pa nang makilala ka disiotso anyos
Niligawan kaya di muna ko nakatapos
Malayo mang pagitan pag naiwan humahangos
Mga paang nakagapos sa pawis naghihilamos
Pero naabutan mailap na hayop napaamo
Hawak kamay nilakaran ang lupa sa malalayo
Marami ang nagsabi na hindi raw mangyayari
Na ang isang katulad ko ay ituturing mong hari at iyong mundo
Lahat ng hirap ko'y napawi
Kahit magulo, ilawan ng mga kamay hinawi
Sa tagal ng pinagsamahan
Dalawampung taon ikaw ang nagpaalala sakin
Sino ako noon at ano ang meron nang aking mapuno ang balon
At mga bangin na ako pa lamang ang tumalon
Kaya kahit basa na ng luha at ubos na ang tinta
Di ako makapaniwala na mahal pa rin kita

Repeat pre-chorus and chorus



OTHER LYRICS

Idk

Act 1
Ez Mil
2020 Album

Pangarap (feat. Raimund Marasigan)

Matrikula
Gloc-9
2009 Album

Samin

Samin
Smugglaz
2022 Single

Gibati (feat. Hosef)

Gibati
Nopetsallowed
2018 Single

BALISA (feat. JMara)

BALISA
Mista
2022 Single

FEATURED ARTICLES