Manhid


Sa Gitna Ng Prusisyon
KJah (feat. BLKD)
Producer: Blackleaf
2013

Intro:

Minsan akala ko alam ko na

Ngunit bakit biglang ka nalang nawawala

 

Verse 1 (KJah):

Madalas ko tong nadarama pag ako'y mabait

Kapag puros kabutihan aking naiisip

Kaya pag natutulog taimtim ang idlip

Nakakapag hintay hindi naiinip

Kapag kusang nagbibigay ng walang kapalit

Kapag tumutulong sa kapwa na nagigipit

Kapag natutuwa sakanila’t di naiingit

Ang tagumpay ng bawat isa wag natin pag kait

Nadarama ko to pag sakin ay lumalayo ka na

Tapos may magsasabi lagi mo akong naaalala

Sakin nagpapasaya pag minsan napapasama

Pakiramdam nag iisa ngunit nandiyan ka pa rin handang sumama

Nadarama ko to pag wala nang matakbuhan

At ang pwedeng sumagip sakin ikaw nalang

Mortal kong kaaway laging kasuntukan

Sa bingit ng kamatayan ako'y sinaklolohan mo

 

Chorus:

Itong nadarama ano bang nadarama

Ng umiibig di ko maiwasan magtaka

Minsan akala ko alam ko na

Ngunit bakit biglang ka nalang nawawala

Ano bang nadarama ng umiibig di ko maiwasan magtaka

Minsan akala ko alam ko na

Ngunit bakit biglang ka nalang nawawala

 

Verse 2 (BLKD):

Madalas ko tong nadarama pag ako'y mapait

Kapag kulang nalang ay masiraan ng bait

Ginigising ng bangungot ni hindi makapikit

Kanting-kati aporado parang gipit na gipit

Kapag pilit na pilit sa pag aabot

Kapag sa mga nanga-ngailangan ay nagdaramot

Kapag sa selos at inggit ay balot na balot

At sa tagumpay nang iba ay paninira ang sagot

Nadarama ko to pag sakin ay malapit ka

Tapos biglang layo pag ako ay nasa gitna

Nagmamataas na parang nasa langit na

Naninimangot na para bang may galit pa

Nadarama ko to pag ikaw lang ang matakbuhan

Tas mapag tatanto kong di ka matagpuan

Matalik kong kaibigan laging tatawanan

Sa bingit ng kamatayan ako'y iniwanan mo

 

Chorus:

Ano bang nadarama ng umiibig di ko maiwasang magtaka

Minsan akala ko alam ko na

Ngunit bakit biglang ka nalang nawawala

Ano bang nadarama ng umiibig di ko maiwasan magtaka

Minsan akala ko alam ko na

Ngunit bakit biglang ka nalang nawawala

SEE ALSO

Latest Article

Bago Mag Eleksyon…

  • By Anonymous Staff
Latest Battle Event

Zoning 14

  • 2022
Segment

Alyas


OTHER LYRICS

Shinobi
Single
Just Hush
2017
Kawayan
The Lesser Of Your Greater Friends
Calix (feat. 8-bitfiction and Illustrado)
2017
Tipsy D vs Sayadd (Tipsy D's Rounds)
FlipTop: Aspakan 3
Tipsy D
2015
Tula
Ako Si…
Gloc-9
2005
Fix Da World Up
Mastaplann
Mastaplann
1993