Album

Mga Kababayan


Yo!
Francis M.
Producer: DJ MOD
1990

Chorus:

Mga kababayan ko

Dapat lang malaman niyo

Bilib ako sa kulay ko

Ako ay Pilipino

Kung may itim o may puti

Mayroon naman kayumangi

Isipin mo na kaya mong

Abutin ang yong minimithi

 

Verse 1:

Dapat magsumikap para tayo'y di maghirap

Ang trabaho mo pagbutihin mo

Dahil pag gusto mo ay kaya mo

Kung kaya mo ay kaya nya

At kaya nating dalawa

Magaling ang atin

Yan ang laging iisipin

Pag-asenso mararating

Kung handa kang tiisin

Ang hirap at pagod sa problema

Wag kang malunod

Umahon ka, wag lumubog

Pagka't ginhawa naman ang susunod

Iwasan mo ang inggit

Ang sa iba'y ibig mong makamit

Dapat nga ika'y matuwa sa napala ng iyong kapatid

Ibig kong ipabatid

Na lahat tayo'y kapit-bisig

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Respetuhin natin ang ating ina

Ilaw siya ng tahanan

Bigyang galang ang ama

At ang payo n'ia ang susundan

At sa magkakapatid

Kailangan ay magmahalan

Dapat lang ay pag-usapan ang hindi nauunawaan

Wag takasan ang pagkukulang

Kasalan ay panagutan

Magmalinis ay iwasan

Nakakainis marumi rin naman

Ang magkaaway ipag bati

Gumitna ka at wag kumampi

Lahat tayo'y magkakapatid

Anong mang mali ay ituwid

Magdasal sa Diyos Maykapal

Maging banal at wag hangal

Itong tula ay alay ko

Sa bayan ko at sa buong mundo

 

Repeat chorus

 

Repeat verse 1

 

Repeat chorus (2x)



OTHER LYRICS

Plorera

Plorera
LarkMester
2018 Single

Paalam Mundo

Paalam Mundo
Zikk
2016 Single

Idolo (feat. DJ Supreme Fist)

Loob Ng Kabaong
Apoc
2017 Album

Mahal Kong Pilipinas

Mahal Kong Pilipinas
JMara
2022 Single

Trip Baghetto (feat. Jamaar)

Natural Mixtape
Nopetsallowed
2017 Album

FEATURED ARTICLES