Album

Outthrow! (feat. OJ River, Rjay Ty, OWFUCK, Baryo Berde, and Droppout)


Shanti Dope
Shanti Dope
Producer: Klumcee
2017

Shanti Dope:

Ako yung uwak sa bubong

Inakalang kalapati ng mga may panuwag naurong

Di nakita ng inaasahang na makita kung ano bang kayang

Ibigay ng ugat sa bungong sa puyat nalulong

Para sa mga buhat pa nung una utak ko lutong

Kahit na pareho tayo na mulat sa gutom

Hindi lahat madunong sa atin na ngumuyat lumulon

Itinuring na komedya mga maaksyon ko na kalagayan

Iniinda nila na kalimitan nakilala ko bilang ambon

Maglalambing pa din ang tadhana

Batukan man ako ng kapalaran

Darating ang panahong mapupuwing

Si Gaara sa mga pasabog ko na tangan

 

Droppout:

Lumang medyo bago sa panahong pluma na ay naglaho

Na mabango ang mabaho pangit ang maganda

Droga parin turing nila sa halamang ganja

Langya hala tuloy sabag sagwan

Basahin utak piyestang San Juan

Sa beat na ito na binabagsakan

Nagawa ni Tito Klumcee ng balagtasan

 

Marc Mamuric:

Row 4 mula sa baryo ihahatid ko ang mga tula na bago

Kasama ang mga makatang may tirang matindi pa

Sa sipa ng pulang kabayo

Hayop sa lakas mapapalayo't, mapapaatras

Sa lahat ng takot huwag na lang lumabas

Malakas ang bayo baka ka makalas

Nagsamasama ang makata panibagong kabanata

May dalang pasabog na mas masahol pa sa granada

Sindi lang para matindi mga talata

Simple lang pero imposible mo magaya

Ang dami nanghihila pababa

Siksikan mga siga't talangka sa ibaba

Ayaw pa tigilan na manghatak

Wag niyo kami ipahamak wala rin kami diyan mapapala

 

Rjay Ty:

Ang lakas ng bayo ramdam na ramdam

Sige lang tol at sakyan mo na lang

Panapanahon ang nagtipon ngayon

Parang ipo ipo na pinakawalan

Makigulo, makisaya, makibahagi pangkalahatan

Wag magulo bawal ganyan kung hindi ka sanay makipag banatan

Batang Pasay nakitambay nakibagay

Ako ang inyong lingkod di pala inom taga tagay

Di pala away pero bawat buga ay nanununtok

Taas ang mga kamay dapat ay sabay sabay na parang bang may nakatutok

Mangangamoy apoy ka boy

Kapag tumapat ka sa buga kong nagbabagang usok (usok)

Simula't sapul pa lamang (lamang)

Halata na merong tamang (tamang)

Timpla bago pa sumalang (salang)

Enerhiyang di maharang (harang)

Tatamaan ay gagapang (gapang)

Huwag na magtapang-tapangan

Laban kung makikipagsabayan para sa pagibig at kapayapaan (sama)

 

Migo Senires:

Isang karangalan maimbitahan ng mga pinagpala (uh)

Mahanay sa mga tala (uh)

Masubukan aking baga mga bala ko na baon na (na)

Sa paparating na hamon tuluyang makipagtagisan ng mga talata (uh)

Sabay sa bagong alon ng yung tao ni Poseidon hindi mo malulunod

Baon ang karanasan mabigat man ang

Pasan ay masaya ako sa aking pagkahubog

Sumugod ka man sa aking harapan ay hindi kita aatrasan

Hindi ito payabangan di ito palakasan

Hindi ka makakalamang gamit negatibong paraan

Mentalidad ng isang dayo kasama ng

Baryo ang mga taga giba ng entablado

Hatid namin ay kalbaryo wag kang titira sa likod baka masipa ng kabayo

 

Al James:

Sagad na sagad sige lang sindihan mo pa yan

Sige lang panindigan mo lang

Nalimutan ko na ata kung papaano lumakad

Kasi kanina pa kami sa alapaap at lumilipad gawa ng Indica

Hindi ko masisi kung bat di ko mahindian

Papaano pa ko tatama kung lagi na kong may tama

Pare wala sa pana nasa indi yan

 

Lexus:

Owfuck pati Shanti guguhit sa mga pussy

Parang nabasa na panty sobrang lowkey

Galaw di makita parang mata lang ni Randy

Sobrang sweet ng chick mo tawag sakin nanny

Bawat oras para sakin money

Kamao ang mga letra mga tenga niyo naman panga

Kung mali ang propesiya sino sa inyo magsasalba

Hindi ka ba nagtataka

Mali mga tinuturo niya kasagutan sa katanungan

Karanasan ang may dala dala

 

Paul Cassimir:

Paul Cassimir Owfuck Shanti Dope yeah

Hindi mo pwede na maliitin

Bago manghusga pwede tumingin ka muna at manalamin

Anino sa dilim kung gustong alamin

Kulay bughaw ng langit ay magdidilim

Sa aming pagdating walang babanggain

Hatakan lang pataas at mangilan lang sisibakin

Mga letra ko at bara parang tren na sisikan sa Pinas

Bawal dito ang hilaw di hinog na pinilit sa pitas

727 clique man I don't give a shit sensya patayang beat gutom nanabik

Lang pake sa mga weak na kokontra hindi yan tatama kasi over namin eh

 

Astro:

Laslas ang pulso nagkukumahog

Hilahan pababa unahan sa taas

Patayan ng rima iba't ibang tugma

Gupitan ng palong wala ng tatakas

Kalawakan hangganan

Sumibol ang ani

Nilangaw kalaban

Tawaging Magandi

Bawal sumabit dala dala ang karit

Pugutan ng ulo haharang kay Shanti

 

OJ River:

Bata sa daanan na lumipat ng Makati

Ako yung batang nakatambay sa labas parati

Tinutubos ng nanay kasi madalas sa away

Maangas maglakad bata laging nakawaway

Di na ko nagbago kasi diyan ako nasanay

Palagi nagiingat baka mauwi sa lamay

Lumiit ang mundo ko at napuna na ng kaba

Hindi lumalabas ng kanto na walang dala

Ano may tanong pa ba ngayon alam mo na

Di tayo pareho tayo ay magkaiba

Kaya wag mo kong husgahan kung ang ugali'y ganito

Hindi ko naman ginusto ang buhay na magulo

At hindi mo nakita, nakita ng mata ko yoko na ng ganito

Ang sakit na sa ulo ko

Sa hirap ng buhay nagpasan na ng damo

Sana wag umabot sa pagtulak ng bato



OTHER LYRICS

In My City

In My City
aero.
2010 Single

Apatnapungbara (feat. Ian Tayao)

MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012 Album

Pakinabang

Pakinabang
Ex Battalion
2019 Single

Bat Ngayon?, Pt. 1

Bat Ngayon?, Pt. 1
CLR
2018 Single

Pagbalik

Mga Kahon Mula Bodega
Railkid & Six the Northstar
2021 Album

FEATURED ARTICLES