Album

Anting-Anting (feat. DJ Arthug)


Ginoong Rodriguez
Batas
Producer: Batas
2021

Verse 1:
Sa tuwing hawak ang panulat
Pakiramdam walang katulad
May direksyon ligaw na utak
Ang puso dumodoble sukat
Kahit tonelada nabubuhat
Akong leon lagi sa gubat
Naaabot ko mga ulap
May diyos na nakakausap
Kalmado man ay nagugulat
Sa mga nahabing salita
Pati bulag ay namumulat
Tuwing gumagamit ng tinta
Madalas nakakalunod sa mga maliit na isda
At tiyak nakakasunog para sa maikli ang mitsa
Kada hagod parang hawak spada at sibat
At ang malabo ay nagagawang reyalidad
Nasa kalawakan at 'to ang akin na kaharian
Walang kailangan na bato para makalipad
Di normal, yung buhay pang Machete
Imortal, dinaig pa Enrile
Papel ko pang bayani pero brad di aksidente
Sinasalba ko lagi sa panganib ang sarili

Chorus:
Pagsulat ang anting anting
Pagsulat ang anting anting

Verse 2:
Ganto ang proseso ko pagnagkekwento
Totoo man eto o kahit pa imbento
Minsan tingin sakin ay henyo
Sa sarado eh barbero
Ngunit sa bibliya na konteksto 
Pasado na ebanghelyo
Paraan palabasin ang nasa utak ang dibdib
Pag gustong gusto na tanggalin limitasyon ng daigdig
Tinto ko ang tirador at 'to ang storya ni David
Pero medyo iba tol higante yung nanliliit
Letrang pang gerilya, abakadang may granada
Perpekto bawat linya hindi barang bara-bara
Pluma'y mahiwaga, nagkakatotoo pantasya
Ang asta pang bathala, minsan nagsusuot ng kapa
Sumusulat para sa mga pinaglalaban
Bawat telegrama ay nagsisilbi na panawagan
Parang ambag ni Jose Rizal sa kasaysayan
At dahil diyan kaya naging Illustrado hanggang kamatayan 

Repeat chorus

Verse 3:
Para lang mabuhay ang dugo
Pagwala ng saysay at punto
Pampabawas pag napupuno
At pagsukang suka na sa mundo
Yung iba dinadala ng alak, may dinadaan sa batak
May kapit sa patalim, ako panulat dapat hawak
Pare-parehong krus iba't iba butas sa palad
Sobrang pasasalamat tong pinakaswak na amat
Tara!
Subukan, madali lang din 'to tsong
Ihanda papel, panulat, at grabeng imahinasyon
Anyo ng tagapagligtas pipiglas sa naging kahon
Siguradong maaasahang lalabas pag mas pangit sitwasyon
Sa henerasyong mas batang papagbilinan, pag-isipan
Tong testamentong nilatag magsilbi na liham
Madilim man sa sulat magtiwala sa kapangyarihan
Dahil din diyan ang bertud ipapamana
Akong Pepeng Agimat

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Cruz

OOF! EP
Blue Scholars
2009 Album

Plazma vs LilJohn (Plazma's Rounds)

FlipTop presents: Bwelta Balentong 4
Various Emcees
2017 Rap Battle Verses

Nakakamiss (feat. Curse One, Dello, and Flict-G)

Walking Distance
Smugglaz
2015 Album

ARÁL (feat. Abra, Ron Henley, Apekz)

Meron Na
Loonie
2023 Album

A Million

Stratus Mixtape
Ives Presko
2012 Album

FEATURED ARTICLES