Album

Diamante (feat. DJ Arthug)


Ginoong Rodriguez
Batas
Producer: Batas
2021

Verse 1:
Sa bawat taong nakasamaan ng loob
Lalo yung inangat kapalit akin na pag-lubog
Tong tinanmin kong galit, bunga tiyak ay poot
Babiyahe parin 'to kahit tulay nawa'y sunog
Tuloy-tuloy bawal pigilan sa daang malubak
Maski matirikan handa na magtulak
Kaysa makipag-plastikan at magpaka-huwad
Maskara ay tanggalin, katotohanan na hubad!
Kaya sariling mundo ay sinabuhay dati ko pa nilikha
Dahil hanggang sa hukay ang patunay na ako'y nag-iisa
Kaya aking pakiramdam hinding hindi na yan mag-iiba
Oo, magpakailanman letse! Putangina parin nila!
Sabi nga parati dapat lang na mas unahin ang sarili
Daming nanggagamit parang mas panay pa pare sa Antique
Kahit di patay mayroon na ngang nag-aabang na mga bwitre
'to aking kamay kainin nila tong dalawang gitnang daliri

Chorus (2x):
Abante
Lamang ang ruta lagi
Madami
Man dala kong bagahe
Purong gago
Grabe 'to na klase
Pusong bato
Brad pero diamante

Verse 2:
Kumikinang kahit na mag-isa
Kung dating balat sibuyas, kumunat na sa gisa
Awa sa sistema, wala ding natira
Tamang ubos sa diperensya pagminatematika
Tong nakita-kita!
At talagang natuto!
Sipat ang kaibahan ng tulong sa abuso
Dehin makikinig, tumigas na ang ulo!
Tumibay din dibdib kaysa ginintuan na puso!
Pag mas may kaibigan aayaw, bilang ko yung nais
Di baleng walang napakyaw kung puro Jericho Rosales
Pagmamataas aminado parang presyo nong dolyares
Basta wag maging konektado tipong Circulo Pugantes
Mundo man ay sisikip mas payapa parin yan
Ako'y tumigil na sa pag-iisip parang naka-Ativan
Bawat hakbang at inapakan diyan di na mapapalitan
Pero kaya sila pinagdaanan di na para balikan

Repeat chorus

Verse 3:
Tong pinakagagawin barikada babasagin, hiwain salamin
Di mabibili maski magkano pa yan men
Wala akong paki sarili mas mamahalin
Patigasan ng mukha? Pare batak na 'to
May ngiwi man sa simula parang ginagawang tato
Mabigat sa balikat aking nilalako
Pero sige bitbit parin na para ding mantataho
Tong tinatalakay tungkol sa iba't ibang katwiran
Sa tabla yan bagay, pag tao'y nagsilbing kagamitan
Mas dapat kaaway mga ganyang klaseng kaibigan
Puso di sinanay na matunaw pagnagka-initan
Brad kung tropa tayo, buong buhay magpapasalamat
Sa mayroong atraso, dumistansya na ng nararapat
Tindero asta ko! Tangina mapapamura kagad!
Mas gago na to!
Malabo kasi ko magpatawad!



OTHER LYRICS

Hustle Vision

Ordinary Lives
Rayneman
2018 Album

27 Bodies

DU4LI7Y
Ez Mil
2022 Album

gummybearface

#MANILACIRCLEJERK
Den Sy Ty
2016 Album

Ritalin Fever Dream

Self-Help, The Checkup
Omega and skinxbones
2016 Album

Summer Nights

Stratus Mixtape
Ives Presko
2012 Album

FEATURED ARTICLES