Album

Salaan (feat. Goriong Talas, Anygma, Sayadd, Dhictah, Plazma, Emar Industriya)


Ginoong Rodriguez
Batas
Producer: Batas
2021

Batas:
Walang tinitingalaan to sapagka't
Sobrang baba ng tingin ko sa lahat
Sarili ko lang ay higit na sa sapat
Grabeng pagmamataas hindi pwedeng babagsak
May panindigan! Kayo ko mag-isa!
Hindi makiki-usap kahit maparalisa
Parang Quiboloy silbi ko ay mag-bida
Akong panginoon sakin kayo magsimba
Maharlika at bahid ng akin na dugo
Matigas ang bungo parating tama punto
Iba ang init pag-ako nagpakulo
Ako ang araw dahil sakin umiikot ang mundo!
Hambog, ingrato, mayabang na tao
Di ako Iglesia gusto lang laging manalo
Papanaw muna bago magpakumbaba to
At hindi magbabago parang si Randy Santiago

Goriong Talas:
Halimaw na nagngingitngit na kulay berde ang mata
nakahanda nang manggilit punyal ay nakaamba
Ding hindi papahigit ang lalamang ay ako na
Kaya ikay ililigpit hangin lang ang matitira
Katangian ng iba'ng syang ninais kong makamit
Ilalagay ang mga mukha imprenta sa puting damit
May bahid ng poot paet kapit sa patalim tong gipit
Nagkatawang taong sabi sabing mamamatay ka sa inggit
Yung tipong masama na bugtong linya na walang dugtong
Magbibigay tuldok tyak hihinto yaong pag usbong
Kada baliy malutong pag pagnanasay binunton
Sa huling hantungan mo dun ka makakatungtong
Ako'y naisulat na nung panahong walang papel
Tanungin mo si Kain kung bat pinatay nya si Abel
Ito'y na ilahad bago mag tore ng babel
Pinaghugutan nya kaya may dugo dun sa pader

Anygma:
Tatamaan ng gigil, maski sumagi lamang sa isip
Hahanapan ng biktima, kahit yung nananahimik
Di na makapagpigil, nagiging pangil ang ngipin
Siyang nais lang ang ipipilit, kahit nawawala sa sarili 
Pakapalan ang hirit, habang yung paningin ay kumikitid
Sumisirit ang init at nagdidilim ang paligid
Ni katiting na malinis, wala sa aking ibig sabihin
Sa pagkamuhi naalipin, sa patalim nakabingit
At walang iniintindi kaya hindi magiging hadlang
Ang kahihinatnan - nagsisilaban... Ng mas higit sa gaspang
Maling hinakbang sa matinding kalam
Na di pa paaabutin sa pagsisisi man lang 
At kung inaakalang bumababa na ang simtomas
Pagkakamalang pampalakas ito na droga
Mas akma na kalasag kaysa armas 'pag pinang-porma
Nakakahawang sakit na lumalala kada istorya

Sayadd:
Hindi nangyare ang nangyare na dapat, inawat
Magbanat ng katawan kumatawan sa binanat
Ang sinasabi ng nagsabi winarat, inalat
Inasahan iniasa pinasahan ipinasalamat
Humikayat linaga sa tyaga 
At dagdag sa timbang akala sa maga
Umiikot ang bintang sa masasagawa
Di baleng malinlang may hiwaga sa wala
Sinisintay tumatabang naghihintay nag aabang
Maghihinay umaasang ihahain ng kusa
Ibibigay inaasam mag iingay aastang
Humihimlay matatakam sa kinain ng lupa
Mga nag tangkang mag hugas ay taglunod sa babaw
Kung pwede ipagpabukas ang pag bukod sa ayaw
Nagpahabol kumupas dalang tungkod hinataw
At iwawastong daan sa susunod na araw

Dhictah:
Ganid ang bitbit kong pananaw
Upang, limitahan ang inyong mga galaw
Manlalamang kasi sa mga bagay ay silaw
Swapangin ang lahat kahit kasalanan ko ay lumitaw
Walang pakelam kahit sinong matamaan
Basta makuwa ko ang mga bagay na kailangan
Di uso ang kawawa sa lahat ng masagasaan
Ang karma ay ako, ako yung mismomg kasalanan
Kaya walang parte parte, di pwedeng tumangge
Ika'y baril pwes ako yung aasta na tangke
Kapag nalamangan di ako mapakale
Kung lahat nagtanim, mgdadamot ako sa tag ani
Walang partehan, aking lahat
Swapang ang ugaling aking pinapa bakat
Tamaan ang tamaan  walang pakelam sa pagkat
Di ko ugali maging mahina sa pangkat

Plazma:
Anuman ang nakahain, tangina mapapasakin
Lahat ay uubusin, yan lamang ang hangarin
Buong mundo ang plato ko pero hindi pa to sapat
Aking tiyan ay lumolobo daig ko pa parak
Nakilala ako dito bilang gutom na birador  
Sandata na ginagamit ay kutsara't tinidor
Sa putahe ako'y lubog kahit pa na mabusog
Tuloy lang ang tsibog kahit isinuka ang sahog
Merong mga boses na pasigaw na sinasabi
Huminahon daw ako kung ayoko na madale
Kailangan ko daw alagaan ang aking kalusugan
Pero imbis na makinig, sila'y aking tinawanan
Ito ang buhay ng berdugo sa hapag kainan
Bawat oras na lumipas napupuno ang katawan
Lamon lang nang lamon bumigat man ang pakiramdam 
At kung ako'y mamamatay, alam niyo na ang dahilan

Emar Industriya:
Gawin ang nais na gawin, pagnasain ang tahanang makasarili
Pagka't ikaw lang din mag-isa sa huli, sa dilim
Ragasain, sagasaan, ang para sa lahat ay pagnasaan
Makulangan may imungkahi ang hindi pinaghirapan
Kinagisnang nakikipagtunggali dala ng pagmamadali
Halakhak ng pagkukunwari nakabubulahaw na galing
Isaing ang daing ng palay sa kamalig kamkamin
Buong mundo ay angkinin ng taong dito ililibing
Nagliwaliw, maraming buhay ang pinipitas
Bubungkal ng lupa't tataniman ng pumipitas
Nakikipamuhay inaangking kasanayang lumilimas
Isipan ay winawaldas ng matunaw na inaagnas
Tangan tangan ang kayabangang pumipiglas
Pintura ay pagnanasang pintang pumipintas
Halika na't lundagin ang kamatayang binabagtas
Ngayong nakarating ka na sa pinakamataas na antas



OTHER LYRICS

Di Ako Dapat

Taurus
Pino G
2016 Album

Sinabmarine

Porno Daw
Andrew E.
2002 Album

oct29

oct29
Skarm
2020 Single

Buti Na Lang (feat. Mcoy Fundales)

Talumpati
Gloc-9
2011 Album

Padalaw (Harana Rap)

Ghetto Celebs
Urban Flow
1998 Album

FEATURED ARTICLES