 
													Verse 1:
Sa lahat ng ayaw sakin tiyak panis yung natira
Ayos lang umamin wag nang sinungaling pa
Ambag ko higit pa yan sa madaming putangina
Kung ako'y di mo kilala pare ignorante ka
Dein importante na sabihang tunay
Ang ilang beses nagwagi sa Isabuhay
Ang pinakita, higit sa husay
Mas pinatalas dila, pati ang sungay
Kahit sa Dubai abot aking galawa
Estados Unidos sinaklaw
Sibak Luzon, Visayas, Mindanao
Tsong sikat kung di man uso sinayaw
Tanging sarili idolo
Gitnang daliri simbolo
Batas parin ang titulo
Pero swak na din ang ginoo
Chorus:
Kung brad di mo alam ako si Ginoong Rodriguez
Utak sinobrahan imposible ito luminis
Kung brad di mo alam ako si Ginoong Rodriguez
Ugali ko'y gaspang at hindi titino yung kinis
Verse 2:
Lumipas panahon di mapigilang may mabago
Dati minsan lang gago ngayon mas tarantado
Sa Koponan ng Kamao, pinakasarado
Brad di lang isasampal ang tama sa mukha mo
Mang-alaska pang Bolado, kupal kahit tuli
At dahil sa ganyan papuri sinubi
Mas tinanggap parang balat naging puti
Habang lalong umiitim aking budhi
Kaya parin tumanggi sa pera
Kung alanganin sa aking sistema
Tinabla pati konsensya
Walang hugas kamay maski pandemya
Kahit naging respetado, mapait paring barako
Sa lipunan Illustrado kaya lahat ay magmano
Repeat chorus
Verse 3:
Wala nang pinipili, lahat tinatalo
Maski talahib eh pepwede yan sa akin na damo
Bastos kahit noong maliit pa ako
Kunwari lang maginoo para kay DJ Alvaro
Asta ko barbaro, pag may mikropono
Para mga tulog ay maistorbo ko
Laging di sapat ang tanging modo ko
Kahit si Satanas napapasabing "Oh diyos ko!"
Swabe lang sa akin ang bigote
Spirito ko to'y bawal ibote
Sobrang dalas galit ang responde
Linyang Batas brad kaya may korte
Kilala sa barahan, sumasabay sa bakalan
Biyaheng 'to dalawang daan
Kaya pangalan ko mas tandaan
Repeat chorus
 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																				 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																									 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																			 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																													