Album

Salamat (feat. DJ Arthug)


Ginoong Rodriguez
Batas
Producer: Batas
2021

Verse 1:
Mananatili diyan sa baba
Kasi buhay niyo katumbas lang ng barya
Sa murang halaga, sakin isanla
Ang buong kapakanan ng ating bansa
Kasi pera-pera pre, yan lang lagi ang usapan
Walang tama at mali, importante lang yumaman
Di baleng tubong Intsik basta may pagkakitaan
Prinsipyo ipagbili at pwede dapat tawaran
Ng matatamis na mga pangako
Ng mga kaparehas ko na diablo
Para mangyari dapat planado
Siguraduhing wala kayong trabaho
At di niyo ba pansin? Sa iba ko na pinwesto
Kung saan ang baliko pwedeng mamuno ng diretso
Laging mainit na parang nasa disyerto
Di na to Pilipinas nandito tayo sa impiyerno

Chorus (2x):
Salamat sa bawat isa na deboto
Salamat ako lamang natatanging diyos niyo
Salamat sa tiwalang di kayo niloko
Nakaupo sa trono katulad kong dimonyo

Verse 2:
Buti na lang trabaho madali
Magsilbi kunwari, umastang hari
Tratuhin tong aking pagmamay-ari
Habang lahat pikit mata sa mali
Basta kita, kahit mabulag katabi
Integridad hindi na basta may salapi
Kanya kanyang diskarte araw man o gabi
Basta maging komportable, wala kayong paki! 
Kaya bato bato sa langit, mulat kang tatamaan
Gawin nating abuloy yung galing kaban ng bayan
At sa ngalan ng ama, pakidagdagan ambagan
Para maging abswelto kaagad sa kasalanan
Aking salita, paniwalaan
At sa sasaway, tong kamay na bakal
Basta sundin niyo ang patakaran
Paraiso dito mararanasan

Repeat chorus

Verse 3:
Salamat nakukuha niyo paring tumawa
Kahit ang papangit ng balita twing umaga
Kainan ng buhay maski ayaw niyo sumama
Kaya nananaba mga alaga kong buwaya
Sa maling sistema, sanay kayo
Tas sinali sa peryang ayaw magbago
Sa sobrang dumi naging desperado't
Nakita importansya ng mga trapo
Salamat manhid kayo sa kasamaan
At kayo'y nabili ko ng limang daan
Para ako ang masunod sa susunod na mga buwan
Kayo'y napaluhod sa presyo ng pang arawan
Parang pusoy, diamante ang alas
Astang panginoon... ugaling Satanas
May lugar kagad sa langit ang may kapit sa taas
Etong proheba repa na di patas ang batas!
Di patas ang batas!



OTHER LYRICS

Going In For Life

IDEAL
Curtismith
2016 Album

Tagaytay

Sakred Boy
Hev Abi
2022 Album

4 DOOR HONDA

Nightmare On 66
Bawal Clan
2019 Album

SHLEEP!

Nightmare On 66
Bawal Clan
2019 Album

Cain

Cain
CLR
2019 Single

FEATURED ARTICLES