 
													Verse 1:
Ilang buwan ng bugbugan at bitin na mga tulog
Sa wakas tapos na at sa paluwagan
Na hinuhulugan, kaibigan atin nang simulan
Ang pangrap na bakasyon na pinaka aasam
Atat na atat na ako na sa siyudad lumayo
Pansamantala dahil ang pakiramdam ko'y
Pinag samantalahan ako ng oras sa trabaho
Samantalang petiks ang iba ikaw kayod kabayo
Ang baho! Kaya ibahin ang routine
Beer at lechon katas ng yong mga gabing
Puyat ka sige tadtarin yung balat
Wag lang atatakihin plano pang maging alamat
At kahit di ngayon Pebrero, Marso, at Abril
Bakas sa mukha ang bakasyon oh isang apir
Ngiti't halakhakan parang wala ng bukas
Bakasyon sa likod bahay feeling Nahamas
Chorus:
Relax lang kasi tayo'y nakabakasyon
Tayo'y nakabaksyon, tayo'y nakabakasyon (wohoho)
Relax lang kasi tayo'y nakabakasyon
Sumimangot malas yon, tayo'y nakabaksyon (wohoho)
Verse 2:
Yung tipong langong lango sa alak pati kay Maria
Sa gitna ng dagat tamang chill sa salbabida
Malayo sa gulo, sa mga pangit na balita
Ubusin natin to lahat ng pera na kinita
Nang makita't madama ang tunay na sarap ng buhay
Para san ang kayamanang di madadala sa hukay
Ang nais ko lamang ay malayo ako sa ingay
Kasama mga tunay na katropa, sige tagay!
Ambagan na ba? Sabay kapkap sa bulsa
Pambili ng ihaw ihaw isaw na medyo tusta
Pati yelo para malamig ang ating gin pomelo
Abot mo na ang baso ako ang magmamaneho
Wala kang iisipin wala ditong bawal bawal
Walwalan hanggang umaga yung oras ay bumabagal
Wag ka lang patumal tumal maiiwan ng biyahe
Lalarga na ang jeep jop ikarga na ang bagahe
Tuloy parin ang bakasyon kahit ako'y magisa
Kahit laman nalang ng ATM ko ay isang
Libo ayos lang gamitin P.R na mabisa
Kotakin aNg tropa na bartender na si Mona Lisa
Kapos na naman sa budget ayos lang yan
Bakasyon na malupet diskartehan yan
I-text si utol na bisor bentahan ng lambing
Mamaya sa bahay mapayapa mo siyang holdapin
Ipikit mga mata sa mga problema na pasan
Babasbasan tayo ng hangin at karagatan
Masalimuot na nakaraan gawin mong leksyon
Sugat maghihilom rin sa takdang panahon
Pagtapos ng bakasyong to isang bagong ikaw
Yakang yaka ang lahat utak mo di na sabaw
Eh di wow sige tagay muna tayo ng Bacardi
Ngayong bakasyon lasapin ang totoong na r.d.
Repeat chorus (2x)
Bridge:
Lumilipad, lumilipad, lumilipad, lumilipad tayo ngayong bakasyong ito( rapper yan eh)
Ipasa ipasa ipasa ang pampasaya sa kaliwa mo (rapper yan eh)
Lumilipad, lumilipad, lumilipad, lumilipad tayo ngayong bakasyong ito (rapper yan eh)
Ipasa ipasa ipasa ang pampasaya sa kaliwa mo (rapper yan eh)
Repeat chorus (1x)
 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																		 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																					 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																		