Album

Kusina Breaktime


Kusina Mixtape
Droppout
Producer: Ochomil
2016

Breaktime na muna... Hey!

Medyo lason na kasi doon sa loob ng aming kusina... Hey!

Nasaksakan ng init at usok at di yon tumitila... Hey!

May bagong paso hiwa ang mga kamay pambihira

Pero di yun hadlang para ako ay tumigil at loob ko ay humina

Tubong ikatlong mundo sanay sa tutong at munggo

Panis ang ang isang linggo walang patid na bunggo

Sa mga katrabaho mong sa kahirapan din nakatali

Wala minsan sa hulog kaya ulo'y parang tanghali

Di bale Kontrolado ko ang lasa

Kinabisa mga sangkap sabay ng serbesa

Surpresa musikang niluto sa tengang kawali

Bawat detalye at laman siksik naghahari

Araw araw naghahasa para lalong tumalim

Araw man parang ginahasa di sagot ang bangin

Tratuhin mo iyong pangarap na parang kanin

Respetuhin dasalan hanggang sa mapa satin

Ugh ano ba tong pinasok ko?

Napaso nahiwa inalay pawis at dugo

Pinuyat sinermonan merong di nakasundo

Napadpad sa kabilang bahaghari na walang ginto

Di na hihinto

Kutsilyo ang mikropono sangkalan beats ni Ocho

Derecho ilalabas natin sa tamang oras ang potahe

Dito sa aking kusina akong mayor pare

Akong mayor pare

Dito sa aking kusina akong mayor pare

Akong mayor pare

Dito sa aking kusina akong mayor pare



OTHER LYRICS

AGAIN AND AGAIN (Remix) (feat. Al James & MBNel)

AGAIN AND AGAIN (Remix)
MANILA GREY
2022 Single

Paborito (feat. Reese Lansangan)

Life Of A Champion
Quest
2016 Album

Ms. Imagination

Ms. Imagination
Darius
2019 Single

Cold Summer Nights

Yo!
Francis M.
1990 Album

Letter to the Philippines

rear.view
One3d
2012 Album

FEATURED ARTICLES