Album

Paligoyligoy (feat. Jim Dacanay)


Kusina Mixtape
Droppout
Producer: Alas Ng Beats
2016

Verse 1:

Habang pumipihit ang kapalaran

Sing init ng nilalakaran ang ngiti mo na dala

Ano mang pilit sa sarili na di muling iibig

Ay biglang isang umagang nawala

Dahil sayo, sa eksensang ganito 

Sa loob ng isang maluwag na jeep papuntang kanto

Pagitan ay malayo pero pilit ko na inabot

Ang pamasahe mo kay kuya drayber na nakakunot

Alam na inayos polo na gusto sabay ngiti

Mga paandar na usog hanggang sayoy mapatabi

At nang ika'y makatabi na handa na kong pumorma

Bigla bigla ka nalang bumigkas ng mama para

Akala ko wala ng chansa pero ikaw ay bumalik

Muling pumanik, pinausog mo ko ng yong tapik

At anong kadahilanan iyong nakabanggaan 

Taong galit sayo na inggit ang pinagmulan

Naghanap ng kakwentuhan at bwenas mo kong napili

At sabi mo pwede bang saglit ka na manatili

Ito namang si ako porket nadali ng ngiti 

Wala nang pili-pili kung oo o hindi

Hanggang sa makarting tayo doon sa may dulo

Na may pader na makulay at may nakasulat na Hiphop

At sabi mo yun ang yong pangalan

Salamat Dropp at ako'y iyong sinamahan

Mula noon lagi na tayong magkasama

Maaraw maulan samahan ka di nakakasawa

Taon ang lumipas tayo'y nagkagustuhan

Pero walang titulo tagal ng pinagsamahan

Hiphop alam kong naririnig mo to

Salamat sa lahat lalo na sa mga turo mo

Pano maging matatag at mas bukas ang isip ko

Mahal kita pero ano ba talaga tayo

 

Chorus:

Wala nang paligoyligoy pa ito

Sige nga derechuhin mo nga ngayon ako

Kitang kita naman sa dalawang mata mo 

Gusto ko lang sambitin ng mga labi mo na

Nandito lang ako

Gusto rin kita, please wag kang lumayo

Maaraw man, walang tila ang ulan

Isang tawag lang papunta na ko diyan

 

Verse 2:

Pano nagsimula?

Narinig kita at ako’y napatula

Nang makilala kita, ramdam ko na nung pagkabata

Ikaw at ako, ako ikaw ay isa, nakatadhana

Hanggang sa lalong napaibig

Pagkain sa kaluluwa ang dulot ng iyong bawat paghimig

Binusog mo sa tunog hanggang sa natutong lumikha ng mga tinig

Sumama sa iyo kahit hindi alam saan ang punta

Alam ko lang ay masaya kapag kasama kita

Magarang ikot ng mundo di alintana

Alam ko kasi andyan ka lamang para aking mapagsumpungan

Salamat sa lahat ha

Ganto na lang palagi sana

Kahit alam ko namang walang forever

Mahal kita hiphop, I will leave you never

 

Bridge:

Ano bang meron ka na wala sa iba 

At patuloy kang inaalayan ng oras

Sakripisyo wala sakin iyon

Kasi nga mahal kita

At siguro nga sayo ko'y naka tadhana

Handa kang awitan kahit umaga

Sasamahan ka hirap at ginhawa

Oooh ikaw na nga

 

Repeat chorus (2x)



OTHER LYRICS

Halimaw

Ang Ulan At Ang Delubyo
Plazma
2021 Album

Cornelia (feat. Chyrho)

Lost Colours
NINNO
2018 Album

Lahat Gagawin

Sakred Boy
Hev Abi
2022 Album

Gang Gang (feat. Unotheone)

Sakred Boy
Hev Abi
2022 Album

Balik Abo

INDOORS
Rjay Ty
2022 Album

FEATURED ARTICLES