Album

Pahingi


Kusina Mixtape
Droppout
Producer: Rs and
2016

Verse 1:

Ang sarap ng gising ko kasi di ako bumangon ng alas singko

Ng umaga walang balyahan at mga siko

Na nagliliparan sakin pare to linggo linggo

Kaganapan bago makarating sa opisina ko

Buti nalang ngayon ay Sabado

pagkatapos ng tanghalian rekta sa studio

Ha ha ha ha he he he he

Simula ng umuwi ng pinas puyat na ko gabi gabi

Hahabol tayo pahingi ng konting sandali

Di pwede kasi uraurada sa pagtatahi

Ng mga letra dito parang tae na sabog sabog ni Petra

Buti may walis at dustpan nung ako'y umentra

Uhuh uhuh suporta pahingi

Tulay ng hiphop sa tagumpay medyo tabingi

Pakiabot ang bakal at turnilyo please wag kang bingi

Lahat ng hinigi ibabalik meron ka pang sukli

 

Chorus:

Pahingi naman 

Ng konting suporta't palakpakan para medyo ganahan

Pahingi naman

Salamat kung ibibigay mo to nang walang halong alinlangan

Pahingi naman

Ng konting espayo kahit na ang dami pang nakasalang

Pahinga na man

Naku tapos na ako diyan wala na tong prenuhan iiwanan kita diyan

 

Verse 2:

Handa na ba ang lahat

Itaas ang pulang watawat

Hintayin niyo ang aking hudyat

Rs, ochomil yeah hit me

Eto na ang bagong kabanata

At ang akin na ginintuang panata

Ay hindi parin sakin nawawala

Bagkos para na tong halimaw sa bangang nagwawala

Ngayon titiyakin ko na merong mapapala

D.r.o.p.p.o.u.t

Kumusta sa mga tropa ko at mga O.G.

Pasensya na kung ang laro na to ay mas piinili

Nandito kasi ang puso kahit ang tao ay mapili

Sa kanilang pakikingan ayos lang

Ilang mixtape pa siguro makukuha ko rin yan

Walang pilitan pero akin tong didiinan

OPM mothafucking hiphop till I die man

Kung san ka man dalihin ng iyong mga paa

Tibayan lang iyong sarili sa kanila wag ka magpapadala

Sundan ang puso mo't isipan haayan lang ang hangin ika'y hipan

Dahil mahaba pa ang ating lakaran matitiraang matibay lang

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Pahingi ng beat na malupit sa mga tropang makulit

Rs at ochomil parang pana at sumpit

Na may lason droppout di ka na pwedeng magrason

Na walang ibubuga sa makabagong panahon

Tayo'y aahon samasama walang iwanan

Pahingi ng depensa malakas ang mga kalaban

Utak natin ay parang tabak na kinakalawang 

Talim pumupurol kapag hindi hinahasa yan

San ka pupunta di pa tapos

Hanggang mapaos at mapudpod, sapatos ibubuhos 

Aking lahat parang graba at semento

Magiingay hanggang sa maging laman ng mga kwento

Salamat sa talento mula sa taas

Ilayo ako kay Hudas at Barabas

Taglay na sandata, talino, at lakas

Basbasan ito sa darating na mga bukas

 

Repeat chorus (2x)



OTHER LYRICS

Overdose (feat. Yuridope)

Overdose
Alisson Shore
2019 Single

Babyface

Rowena
Because
2019 Album

Rapture

DU4LI7Y
Ez Mil
2022 Album

Saucin’ (feat. Frank SVG)

Failing Forward
Curtismith
2016 Album

Books (feat. Prometheus Brown)

...One Rifle Per Family
Bambu
2012 Album

FEATURED ARTICLES