Single

Mala Abueva


Mala Abueva
Third Flo’
Producer: Klumcee
2018

Chorus (2x):

Ako'y halimaw sa laro

Mala Abueva

Ako'y halimaw sa laro

Mala Abueva

Ako'y halimaw sa laro

Mala Abueva

Uhh mala Abueva

Uhh mala Abueva

 

Verse 1:

Babagsak pero babangon

Lahat ng hamon pinulutan at nilamon

Di mo matitinag

Oo walang takot

Di tutukod mga tuhod kahit san sumugod

Ihanda mo ang dibdib kapag sumalaksak

Walang paki kahit sa sahig lumagapak

Patak ng pawis palakpakan ang siyang baterya

Isang ngiti na malupit sa mga tumirya

Bitbit ang pangalan sa likod nakatatak

Kapag tumira partida bitaw ay swak na swak

May gulang ni Jawo galawan langmagu

Kanto kanto lang piso ko tamang sampu

Hindi si Jordan pero mala Rodman ang karakas

Nag-aambag to sa laro hindi lang puro angas

Sasabay to sa huli para di maiwanan

Hindi titigil hanggang sa ginto ay mahawakan

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

May dugong leon batang palaban

Di mapipigilan kahit duguan

Di ka uurungan kahit bantayan

Kahit na higante ay sinasabayan

Pag nasaktan mas lalong nang gigigil

Kapag ka nag init walang makapigil

Ngipin sa ngipin pangil sa pangil

Nagiging halimaw kapag ka nagalit

Sa gitna tatayo, isang daan porsyento sa bawat laro

Akin respeto kapag ka pumwesto

Akin ang trono kapag ka naka buwelo

Alisto sa duwelo hanggang sa dulo

Segundo minuto laging agresibo

Grabe dipensa taya pati pato

Walang diperensya kapag ka umararo

 

Repeat chorus

 

Outro (8x):

Mala Abueva

Mala mala Abueva



OTHER LYRICS

Bitch Repellent (feat. WAIIAN)

Bitch Repellent
J. Blaze
2017 Single

Galit

Sige Simula
Tatz Maven
2020 Album

Bruise Brothers

Blue Scholars
Blue Scholars
2004 Album

Lulong

Lulong
OWFUCK
2018 Single

Hue.

Hue For Ya
Sica
2021 Album

FEATURED ARTICLES