Album

Suicide Note


Critical Condition
Stick Figgas
2006

Verse 1:

Masaya

Yan ang salitang aking nadarama kapag kasama ka

Naaalala mo pa ba?

Nung nangarap tayo ng sabay, magkahawak ng kamay

Sa buhay na to sinasamahan mo kong maglakbay

Ngayon hindi ka na ganun kalambing

Nang tinanong kita kung bakit "Wag mo nang alamin"

Bat bigla kang nag-iba? Meron ka na nga bang iba?

At sinagot mo ako "Gusto ko lang mapag-isa"

Hanggang sa, nahuli kita na may kahawak at kayakap

Kaya naman unti-unting nawasak ang pangarap

Ko sa yong pakakasalan sa simbahan

Ayos na sana ang lahat bakit mo pa sinayang?

Ano ang ginawa mo? Bakit mo 'ko ginago?

Di ko man lang alam na meron kang tinatago

Kaya pala tinatawagan ka palagi kang wala

Kapag naman kasama ka ako'y binabalewala

Ako ay umuwing nakayuko

Pinagsusuntok ang dingding hanggang sa kamay ko ay magdugo

Ubos na ang luha ko sa kakaiyak

Kung gusto ko pang mabuhay di ko matitiyak

Sabi ng iba sa akin dapat daw akong lumaban

Ang sabi ko naman wala nang dapat pagusapan

Iniwan mo ko tapos na ang lahat sa atin

Eto ang iniwan ko bakit di mo na lang basahin

 

Chorus:

Wala nang kwenta ang mabuhay, mas gusto ko pang pumanaw

Wala nang kwenta ang lumaban, mas gusto ko pang pumanaw

Wala nang kwenta ang umasa, mas gusto ko pang pumanaw

Ngayon tapos na ang lahat, paalam na mundong ibabaw

 

Verse 2:

Tinatanong sarili ko kung bat ka pa minahal

Kapit ko na ang patalim balak nang magpatiwakal

Pagkat ang lahat lahat sayo laro lang pala

Sa tagal ng pagsasama natin anong napala?

Di ko nga maintindihan kung bakit galit ang naghari

Minsa'y nais maglaslas gamit ang aking lagari

Dagdag ng magulang kong lagi kung magbangayan

Kung pwede lang silang sabihang "Pwede tama na yan?"

At sana pala nalaman na habang maaga pa

Para di na lang ako nasaktan pa

Kasi di ko na talaga kaya baka maloko na

Poot at galit ang nadarama kaya ayoko na

Oo na maganda ka hindi ko matatanggi

Mabango ka sa panlabas pero nuknukan ng panghi

Mahal pa rin kita sa kabila ng ginawa mo

Huli na ang lahat sige na mauna na ko

 

Bridge (2x):

Ipagdasal mo na sana sa langit ako mapunta

Ang papel ko sa mundong ito ay tapos na

Sa puso ko na duguan laging naron ka

Laging naron ka

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Nagdarasal ako sa Diyos pati sa mga santo

Tinatanong kung ano nga bang naging kasalanan ko

Kung bakit mo ko ginaganto? Bakit iniwan mo ako?

Tuloy gulong ng buhay ko tumigil na sa pagtakbo

Sana mapatawad niya ako sa aking gagawin

Ang bigat na nito di ko na kaya pang dalhin

Kahit maglasing hindi pa rin matanggal ang sakit

Tumira ng damo pero wala pa ring epekto

Eto na lang ang natatanging paraan

Nilaslas ang pulso ng pahalang gamit ang kalawanging patalim

Hanggang sa ako'y nanghina't paningin ko'y nagdilim

Eto ang aking hiling

Alam mo naman kung san ako mapupunta

Ipagdasal mo na lang ang aking kaluluwa

At pag nabasa mo na 'to at lumamig biglang ginaw

Ibig sabihinin nun sa kwarto mo di lang ikaw



OTHER LYRICS

Industriya (feat. KZ Tandingan)

Sukli
Gloc-9
2016 Album

Kuya

Dear Critics
Ghetto Doggs
1999 Album

Simpleng Tao

G9
Gloc-9
2003 Album

Antagonista (feat. Unotheone)

Kung Alam Mo Lang
Hev Abi
2023 Album

questioning answers / answering questions

questioning answers / answering questions
rhxanders
2018 Album

FEATURED ARTICLES