Ikaw Nga


Critical Condition
Stick Figgas
Producer: Traumatik
2006

Verse 1 (Loonie):

Di mo pa yata nararanasan ang pakikipagsagupa

Di nasusukat ang pagkalalaki sa dami ng nasisibak na puta

O sa pakikipagsagutan sa mga rapper na basura

Pare ko bago ka sumikat ay talagang mabibilad ka muna

Kahit isama mo mga alalay mo na nagsisipag sa una

Pero nung may nakaaway ka na nawala nagsisipagtago na

Sa Cavite sa Laguna ha pare relax ka muna

Di ka sanay sa sapakan kaya pala parang naiiyak ka nung nasapak ka ni

Pag hawak ko mic (Yeah)

Nabibitak ang lupang natatapakan ng aking paa

Dapat di na kita pinapatulan pa

Kasi naman para kang batang babae

Ngunit ang di ko matanggap ay mga sumbat

Wala pa yung grupo mo si Loonie andito na

Batang makatang matapang at makulit pa buni't alipunga

Sa madaling salita papunta ka pa lang pangatlong balik ko na

Puro lang kayo bulungan, plastikan akala mo mga bading

Wag mong sabihin na kung hindi dahil sayo ay wala akong mararating

 

Chorus (2x):

Oo ikaw nga pare wala nang iba

Ang akala mo nadali mo na kami ha?

Teka muna sandali kinakausap pa kita

Pasalamat ka pinapatulan pa kita

 

Verse 2 (Ron Henley):

Kapag ako'y bumanat ng mga maaalat na kataga

Siguradong kalaban ay mangangapa, dapat!

Baka matamaan ka ng mga nagbabagang bala na nagmula sa aking bunganga

Ba't ka nakatunganga? Para sakin isa ka lang taga-hanga

Kung gusto mo pa pumalakpak ka

Lahat ng sumagupa'y magmumukhang tanga

Kaya wag ka nang pumalag baka kung mapano ka, bumagsak ka pa

Parang nagpilit parang umakyat ka sa puno tapos naputol ang sanga

Kahit sumabay ka pa sa kulang ka pa sa tasa

Di ka pa papasa sa tunay na mga henyo

Ipagkalat mo at ikwento

Tiyak na magugulat ka sa itatayong emperyo

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

(Loonie)

Ako'y gumawa ng konting ingay sumabay sa mga matibay

Sa aking paglabas ay nagtaasan ang mga kilay

Di makwenta ang mga letra ano ba ang sumatutal?

Nangangatal ang mga hinayupak kapag ako na ang umatungal

Na parang hari ng kagubatan walang kinatatakutan

Pero kung wala kang utak hindi kita papatulan

Tatapakan lang kita tulad ng mga namatay sa Ultra

Sa dami ng istilo ko daig ko pa Kamasutra

(Ron Henley)

Sa aking sasabihin ika'y malalabuan

Makakain ka ng almusal imbis hapunan

Kaya kung ako sayo distansya amigo

Baka kasi madisgrasya ka rito

Sa mga katagang parang nagbabagsakang tala

Basta sa uulitin tandaan mo lang na

Di mo ko matatalo ang istilo ko'y moderno

Mananalo ka lang kung palinisan ng kwaderno

 

Repeat chorus (4x)

SEE ALSO

Latest Article

Bago Mag Eleksyon…

  • By Anonymous Staff
Latest Battle Event

Zoning 14

  • 2022

OTHER LYRICS

Ganti Ng Patay
Ganti Ng Patay
Zaito
2015
Gayuma
Abra
Abra (feat. Thyro & Jeriko Aguilar)
2014
Kesa Bumenta
Illustrado
Illustrado
2017
Since You’ve Been Gone
Single
5th Wave Theory
2011
Mahirap Maging Pogi
Single
Andrew E.
1992