Nandito Lang Ako


Critical Condition
Stick Figgas
2006

Verse 1:

Noon palang sinusubaybayan na kita

Sa katabing bahay ka lang namin nakatira

Ikaw lamang mag isa kaya ika'y pinuntahan

Sinubukan makipag kaibigan hindi ko napigilan ang sarili ko

Na ikaw ay titigan kaso ako'y pinaalis sapagkat parating ang lalaking

Araw araw ka kung dalawin kaya nag dali-dalian akong pumasok sa amin

Hanggang sa nakakarinig ako ng mga

Kalabog ang pinto kung isara padabog

Kaya hindi ko maiwasan puntahan ka katukin upang ikaw ay tanungin kung

Ano nga bang nangyayari humarap ka sa akin nag dudugo ang labi

Ako'y nagulat di ko akalain araw araw niya pala itong gawain

 

Chorus:

Kung wala kang makakasama ah basta nandito lang ako

Kinausap ka (makinig ka sana)

Niyakap ka at ang sabi ko sayo nandito lang ako ohh

 

Verse 2:

Pinuntahan kita ulit upang ika'y kamustahin

Ngunit ang iyong lagay ganun pa rin

Siya'y walang alam gawin kundi ika'y sibakin

Pagkatapos ng lahat ika'y paiiyakin

Pagkat iyong panyo aba'y basa na naman

Tinignan ko iyong mukha at may pasa na naman

Walang hiyang lalaki yan bat bakla ba yan

Bakit ang isang katulad mo ang sinasaktan

Alam mo pag pinagpatuloy pa niya to

Talaga makakaaway niya ako

Kahit pa nakabato siya

Wala akong paki basta lalabanan ko siya

Ika'y niyayang kumain sa labas

Para mapaligaya kita makalimot naman

Kahit na sandali di ko akalain mapapangiti ka ganun kadali

Ayos na sana ang lahat nung tayo'y naglalakad

Nang bigla na lamang tumambad sa iyong mata kitang kita mo siya

Na may kasama siyang iba at nag yaya kang umuwi ayaw

Mo nang pumunta dun ulit teka sandali bago ka

Pumasok sa inyo may sasabihin lang ako

Importante lang ito

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Handa na sana akong aminin ang lihim

Na matagal ko nang nais sabihin

Na mahal kita dating dati pa

Kaso nga lang ang pintuan niyo'y nakasara

Kinakatok kita di mo ko pinag buksan

Di bali na lang baka meron kang pinuntahan

Kinagabihan sa amin may kumatok

Di ko na nabuksan sa sobrang antok

At kinabukasan aking nabalitaan

Na pinaghahanap ka daw ng mga alagad ng batas

At ako ay tinanong ako daw ang huling nakitang

Kasama mo sa labas at pilit itinangging hindi ko nga alam

Buong mag hapon ko nga siyang hinahanap kung nasaan

Ano nga ba talagang nangyari sa kanya

(Wala lang ser, nakapatay lang siya)

Hanggang sa natunton kung saan ka naroon natagpuan duguan

Nakahiga sa kutson at my nakitang liham na para daw sa akin

Na labis kong ikinagulat nung aking basahin

Ikaw pala yung kumatok sa amin

Nung gabi para ipagtapat napatay mo

Siya kasi di mo nakayanan ang pananakit niya

Lalo na nung nagawa kang ipagpalit niya

Pag katapos sabihin ang lahat nag pasalamat ka't may ipinagtapat

Matagal mo na pala akong sinusubaybayan

At mahal mo rin pala ako bakit ngayon mo lang sinabi yan

Kung kailan wala ka na sa tingin mo ba paano pa ako magiging masaya

Kung nakinig ka lang di ba sabi ko sayo

(Nandito lang ako)

 

Outro:

Kinausap ka (makinig ka sana)

Niyakap ka at ang sabi ko sayo nandito lang ako ohh

Nandito lang ako ohh

Nandito lang ako ohh

Diba sabi ko sayo nandito lang ako

Nandito lang ako

SEE ALSO

Latest Article

8 Best Style Clashes During The Pandemic Era

  • By Dante Romero
Latest Battle Event

Zoning 14

  • 2022

OTHER LYRICS

A Sunrise Before
Party Worker
Bambu
2014
Dota Flow
The Resumé Mixtape
Santo
2009
Kislap
Talumpati
Gloc-9 (feat. Aiza Seguerra)
2011
Balewala
Single
Loonie
2015
Tunay na Anyo
Ang Ulan at ang Delubyo
Plazma
2021