Album

Manliligaw


Respetadong Hudas: Twistero
Abaddon
2007

Verse 1:

Makinig ka sa akin sandali nang malaman mo kung ano ba talaga ang

Nais kong sabihin sayo, gusto ko sana manligaw sayo

Kaso di ko alam kung pano ba uumpisahan ang mga bagay na to

Kasi baka naman ako mapahiya kapag minadali

Ang mga binabalak ko na pangbobola ko sayo baka lang masawi

Halika na handa na ang banda dumungaw ka na sa bintana

Habang hawak ko ay gitara pakinggan ang boses kong pangharana

Ako'y hihirit at wag mong sisihin

Pag hawak ko na ang mikropono

Kung di mko marinig at di ka bumilib i-angat mo ang telepono

Ako'y nasa linya makinig ka sakin

Bago iba pa nais magpakilala

Ako pala si abbadon isang tunay na pinagpala

Dahil nakita ko na ang sagot sa aking mga katanungan

Higit pa sa di ko batid

Ang iyong taglay na kagandahan

Para bang isang diwata

Ikaw ang kulay sa aking talata

Ikaw ang salitan na di ko matipang sa

Bawat tugma ng kabanata

Umanoy anghel, isa kang liwanag sa landas na madilim

Iyong binalik sa may pastulan na

Naligaw na tupa itim

Salamat

 

Chorus:

Pagkat ikaw, walang iba

Ang siyang nagbibigay sa akin ng sigla

At kahit na alam ko na

Para kang langit di ko maisip kung sa panong paraan

Malalapitan at madadama ang pagmamahal kong ito

Sana'y malaman mo malaman mo

Pagsuyo kong ito ay totoo

 

Verse 2:

Pinipilit kita na maabot

Langit lupa man ang ating pagitan

Pinipilit kong gumawa ng liham

Kahit ang sulat ko ay may kapangitan

Pinipilit ko na makarating

At maiparating sayo ang balita

Anu man ang pilit ko, walang saysay

Kung di mo makita

Na nanliligaw ako sayo

Kahit medyo halata na may bola

Sinusuyo kita gamit ang salita na

Makulay na parang krayola

Ginagawa ko ang lahat para lang

Maiparating sa iyo na

Ang buong pagkatao ko at, puso ko ay sayong-sayo na

Kaya't tayo na sa inyong bahay

Ako ay aakyat ng ligaw

Alam ko na batid mo na

Pero ang gusto ko'y malinaw

Gusto ko ay legal hindi sa kanto tayo magkikita

Kung sa tingin mo ay masama ang intensyon ko

Ay nako mali ka

Malinis ang aking hangarin na parang sariwang hangin

Kung ako ay papalarin na ika'y mapapasakin ay

Lahat ng iyong magustohan sa loob ng sasakyan

Walang daing na maririnig hinding-hinde kita sasaktan pangako

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Dinala ko na ang lahat na rosas mula pa sa hardin ni Adan at Eba

Sinaulo ko na ang lahat ng tula ng makata kahit anu man ang tema

Sinuot ko na ang bagong damit

Wala nang atrasan na wala nang teka

Kabisado ko na ang mga kataga

Pahiram muna sandali ng iyong tenga

Makinig ka sakin ng mabuti

Walang ingles puro tagalog

Napakalakas ng aking dating sa aking suot kong barong tagalog

Pwede ko bang hawakan ang iyong kamay

Isuot mo ang sing-sing na singnipis man ng ting-ting

Pero sa gitna ay merong bling-bling

Alay ko sayo bilang tanda ng aking pag-ibig

Kahit alam ko na ang langis ay di hahalo sa tubig

Ano pa man ang sitwasyun

Meron parin akong paliwanag

Ang pagtingin ko pra sayo parang araw na di matinag

Paalam na di na kita kukulitin sa harap ng inyung tindahan

Di na kita kakausapin pag tayo'y sa tambayan

Di na kita ulit tatanawin

Di naman kita kasintahan

Gusto ko kasal na lng

Kita na lng tayo sa simbahan

 

Repeat chorus (3x)



OTHER LYRICS

Mood

Mood
Al James, Muric
2022 Single

33 De Lorean

Hue For Ya
Sica
2021 Album

Tunay na Anyo

Ang Ulan At Ang Delubyo
Plazma
2021 Album

Lehitimo (feat. Supreme Fist)

Illustrado
Illustrado
2017 Album

No Balance (feat. Calix)

DETOUR
Delinquent Society
2018 Album

FEATURED ARTICLES