Single

Gasolina (feat. CLR)


Gasolina
Loonie
Producer: Klumcee
2020

Chorus (CLR):

Kamusta na

Matagal tagal na rin ang huli nating pagkikita kapatid

Ako ito gumagawa ng kasaysayan

Tamang himay ng mensahe na ihahatid

Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina

Pangsilab ng apoy bago 'ko manlamig

'Yoko kayong maantig ngunit hindi ko matiis

Lubos ko na kayong namimiss

 

Verse 1 (Loonie):

Magdamag nagsusulat sa madilim na bartolina

Ba't ako magtutulak kung maraming gasolina

Bawat isa sa aking mga nakatagong rima

Tila payong hinuhugot sa pabago bagong klima

Kaso di natatakot sa apoy ang arsonista

Manhid na sa sakit hanggang sa naging masokista

Armado ng tinta mautak pa sa pogita

Ganyan sa umpisa sadyang nagpapatalo

Bida bago ipakita ang isang daang porsyento

Tandaan na ang progreso dadaan pa sa prosesong

Mausisa at mabusisi na sa huli palagi ang pagsisisi

Pag pauwi na bawat palpak sa aking isip

Nakakadagdag ng mga titik na makamandag aking mithiin

Mamayagpag bilang magiting na alagad ng sining

Basta may pagibig na kalasag ay pilit na papalag

At mananatiling naglalagablab

 

(repeat chorus)

 

Verse 2 (Loonie):

Sa likod ng pulang kurtina puro oportunistang

Handa kang sagasaan ng hindi bumubusina

Puro pangako ng pangarap na kumukutitap

Puro gustong kumita lalo nung umuso hiphop

Puro subpoena diyos ko por bida

Puro gunggong na gusto lang manghila doon sa pila

Puro bulok na media at kolumnista

Na gagawin kang kontrabida at durugista kaya kung minsan

Nakakatamad nang pagisipan ang mga bara

Hanapin kung saan naisiksik ang mga bala

Ngunit pag nakakabasa ng liham ng tagahanga

Unti unti na naman nagniningas ang mga baga

Bumabalik ang gana sa t'wing naaalala

Tilian palakpakan hagikhikan mga tawa

Siksikan sa gig parang sardinas na nasa lata

Ako'y muling magliliyab na parang gin at marijuana sa sagada

 

(repeat chorus)

 

Verse 3 (Loonie):

Sa t'wing ako'y sumusulat ng mga tula

At mga kantang pinagsisikapang mabuo

Matiyak sapul pati puso at kaluluwa

Sapagkat hindi lang isip ang busog

Pinagpupuyatan ang tugma kahit pagod na pinaghihirapan ang tunog

Lahat kayo'y pinagkukuhanan ng apoy

Kapag ako'y pinanghihinaan ng loob

Lahat ng kumalaban at naiinggit sa akin

Ay pawang mga taga hangang nahihiyang umamin

Lahat ng taga hangang habambuhay sumuporta

Ng masugid ay tinuturing kong tunay kong katropa

Lahat ng tropa kong dikit sa ginhawa at sakit

Itinatrato kong higit pa sa kapatid

Kasama sa init at sa lamig

Mga sinunog kong tulay ang naging ilaw sa pagtawid

(Naaalala nyo pa ba ako)

Kaya n'yo ba 'tong mga bagay na ginagawa ko

Lumalabas sa TV na parang si sadako

(Naaalala nyo pa ba ako)

Ang yabang mo naman wala ka bang kanta na bago

Bakit wala kang battle takot ka bang matalo

 

Outro:

Kamusta na

Matagal tagal na rin ang huli nating pagkikita kapatid

Pinagpupuyatan ang tugma kahit pagod na pinaghihirapan ang tunog

Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina

Pangsilab ng apoy bago 'ko manlamig

Lahat kayo'y pinagkukuhanan ng apoy

Kapag ako'y pinanghihinaan ng loob

Kamusta na

Matagal tagal na rin ang huli nating pagkikita kapatid

Kaya n'yo ba 'tong mga bagay na ginagawa ko

Lumalabas sa tv na parang si Sadako

Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina

Pangsilab ng apoy bago 'ko manlamig

Ang yabang mo naman wala ka bang kanta na bago

Bakit wala kang battle takot ka bang matalo



OTHER LYRICS

Okay Ako (feat. Jay-M, Gloc-9, and Gayle Dizon)

Top Rated TV Theme Hits
Various Artists
2004 Album

Ang Bagong Ako (with Greyhoundz)

Ultrasound
Loonie
2013 Album

Trust

Dreams
Michael Pacquiao
2020 Album

Uhm

Hue For Ya
Sica
2021 Album

Puyat (feat. Ron Henley)

Hit The Spot
Rjay Ty
2017 Album

FEATURED ARTICLES