Album

Sawa (feat. Thyro)


Nakasalalay Sa Letra
KJah
Producer: Tatz Maven
2023

Verse 1:
Sa panahong nagkalat ang mga motibasyon
Ay pagkakataong magkaron ka ng direksyon
Nang 'di nangangapa, may samu't-sari kang gabay
Silang patunay na may premyo ang naghihintay
Nakalatag ang proseso, hindi sikreto
Isang layunin, magkakaiba man ang konteksto
Mga tropeyong naghikayat at nag inspira
Sa 'yong potensyal datirati'y di napupuna
Mabuti ang hatid, tagumpay ay inaasahan
Ugat ng pagiging aktibo't, ayaw magpaiwan.
Ngunit may bagay na laging nakakaligtaan
Bawat isa ay may nakatakda nang puntahan.

Hook (2x):
Sawa ka nang nasa gilid
Kumalas sa pagka ipit
Nagsimula nang managinip
Ngunit huwag na huwag mong ipipilit

Verse 2:
Sinunod mong 'di tumigil at magsipag
Primera na sangkap nang makasunod sa yapak
Bingi-bingihan sa mga duwag, naging matapang ka
Pagpapatuloy mo ang simbolo ng pagpalag
Kaso kahit anong subok ng pusong mapusok
Hindi mo maabot ang kahalintulad ng rurok
Walang pake alam sa kung ano ang meron ka
Pagkat nabitag na sa patibong ng pagkukumpara
Kaya't prumeno ka, mag hunos-dili
Di masisinagan kung mananatili ka sa lilim
Sating kapalaran ay walang eksperto
Tuklasin mo ang sarili mong kwento

Repeat hook

Bridge:
At kung sawa ka na talaga
Kung sawa ka na talaga
Piliin mong maging masaya
Hindi ang habulin siya
At kung sawa ka na talaga
Kung sawa ka na talaga
Piliin mong maging masaya
Hindi ang habulin siya

Repeat hook



OTHER LYRICS

Gasolina (feat. CLR)

Gasolina
Loonie
2020 Single

Cloud 9 In My Mind

Middle of NowHere EP
Peaceful Gemini
2018 Album

drugr4ts (feat. Simmo & gins&melodies)

Kung Alam Mo Lang
Hev Abi
2023 Album

OG

OG
Chronicc Aguilar
2019 Single

Str8 Outta Condom

Shanti Dope
Shanti Dope
2017 Album

FEATURED ARTICLES