Album

Huling Liham


Concerned Citizen EP
Geo Ong
2018

Gaya ng dati siya ay iyong binobola

Nakaramdam ka ng init ng katawan

Hiningan mo sya ng video ng kanyang maselang harapan

Ang sabe nya "di ko pwede pakita to kanino man"

Sabi mo "promise pag tapos ko buburahin ko yan"

Sabi niya "ayoko nga", nagpumilit ka pa rin

Nung sinabe mong "tiwala lang" napilitan siyang gawen

Hanggang sa nagpadala sya ng videong hubo't hubad

Nagsarili ka kaagad

Pagka-sent kumot agad

Pag tapos mong pagnasahan tinignan mo ulit siya

Tingin mo na sa kanya eh andumi-dumi nya

Naisip mong ipost online ang katawan niya

Na may malaswang caption at naka tag pa siya

Nung nakita niya umiiyak siya na nagmamakaawa

"Tanggalin mo yan please para mo nang awa"

Hanggang sa nagumpisa ng ilike, i-share ng mga tao

Mga komentong bastos na hindi makatao

May mga naaawa at may mga natatawa

Nakita na rin pati ng mga barkada niya

May kaibigang kumampi, may kaibigang nanghusga

Di malabong katawan niya'y sa libingan ang punta

May mga pinakita sa kamaganak nila

Yung mga taong masaya pag nakatapak sila

 

Kinabukasan ay pumasok sya sa paaralan

Halos lahat di mapigilan na siya’y pagtawanan

Hanggang sa nasa loob na siya ng kanyang klase

Tinatanong siya ng lahat tungkol dun sa nangyari

Pinatawag ang magulang nya ng guro nyang mabagsik

At pagtapos ng usapan siya pala'y pinatalsik

Pati magulang sya'y Sinaktan dahil sa kahihiyan

"Di ko anak yan sino ba yan? Diyos ko kadiri yan"

Pakiramdam nya ngayon sirang-sira na buhay niya

Kahit saan siya magpunta pinaguusapan siya

Iba't iba ang naririnig niyang salitang masakit

Dahil sa kumakalat niyang balitang mapait

Hanggang sa naisipan niya ng magpakamatay

Isinaksak sa tiyan ang kutsilyong hawak sa kamay

Pinuntahan sya ng magulang nya para bigyang gabay

Pero ang naabutan nila anak nilang patay

Humagulgol sa kakaiyak ang dalawang mag asawa

Kailan man ang anak nila'y di na makakasama

Dumating ang mga kamag-anak at mga kaibigan

Ang natatanging mga tao na kayang sandigan

Di makapaniwala ang lahat

Na isang buhay nanaman ang nawala at

Nalaman na lamang ng kanyang nobyo ang nangyare

Nang makita nya ang huling liham ng babae at ang sabi:

Oo inaamin kong mali ang ginawa ko

Pero mahal ko, mas mali ang ginawa mo

Nagtiwala ako sayo pagkat mahal kita

Baka pag di ko ginawa maghanap ka ng iba

Tapos sa kabila ng lahat ay nagawa mo yun

Bagay na sa atin lang dapat nakakalat na ngayon

Ilang taon ilang buwan din ang ating tinagal

Kung alam ko lang di na ikaw ang aking minahal

Sa ginawa mo parang binawian mo na ko ng buhay

Ang bigat bigat para akong nakabaon sa hukay

Wala na wala nakong mukhang ihaharap

Pati magulang ko di nako matanggap bilang anak

Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa to

Mas mabuti pa siguro kung tapusin ko na to

Hindi kona alam kung kakayanin ko pa to

Mas mabuti pa siguro kung tapusin ko na to



OTHER LYRICS

Anong Bago?

Anong Bago?
Blain x CLR
2019 Single

2:55am

JCON
Jess Connelly
2018 Album

Bagay

Balanse Mixtape
Ejac & Buddah Beads
2016 Album

Nganong Karon Pa Man (feat. Elrey, 031, and Makii)

Nganong Karon Pa Man
RKteQ
2017 Single

Rosetta Stone (feat. Alex Omiunu)

So Help Me God Vol. 1
Karencitta
2016 Album

FEATURED ARTICLES