Album

Gising


Concerned Citizen EP
Geo Ong
2018

Verse 1:

Sa buhay ng tao ay normal lang naman sumabit

Kung sumabit ka sana naman wag nang gumamit

Pipilitin ngumiti kahit halatang balisa

Pakiramdam mo Ikaw ang palaging nasa gitna

Maya't maya ang iyong tingin sa iyong kana't kaliwa

Di makatulog kahit maghapon ka nang nakahiga

Tipong pag kargado ka di ka pwedeng mabigla

Matapik ka lang ng konti ika'y ready mandigma

Diba tama kung iisipin di astig ang tama

Di na nga tama nangyayari gumagawa ka pa ng di tama

Maling mali yan at kailan man di magiging tama

Ang magiging tama mo lang diyan tamang hinala kahit

Anong hithit mo dyan walang hiwagang mangyayari

Maniwala ka mas lalo lamang lalala yan pare

Wala, wala, wala walang mapapala

Mas lalo lang yan lalala pag hindi ka nakawala

 

Verse 2:

Dose anyos na batang babae nagbebenta ng puri

Sa mura niyang edad ang dami na niyang suki

Bakit mo ginagawa yan iha para kay mama

Para hindi na sila magaway pa ni papa

Anong klase kang magulang kinaya mo yon

Sabog ka habang anak mo hinahalay doon

Tama na tulog tulugan gumising na kayo

Ginagawa niyo na lahat makabili lang ng shabu

Pagnanakaw, panghoholdap, at pang bubugaw

'bat giyang na giyang na ang mundo parang gugunaw

Ubos na ang mga ngipin at ang lalim na ng mata

Di ka ba pwedeng kumalma bakit ka laging taranta

Pano na ung mga anak niyo pag nagkatokhangan

Makikita kayong may karatulang na wag tularan

Alam kong kaya niyo pa

Kaya niyo pang lumaban

May plano ang Diyos sa inyo wag niyo lang pangunahan

 

Verse 3:

Binulag ng kaaway ang iyong paningin

Di mo nakita ang liwanag masyadong madilim

Ika'y lumapit inakit sa kumonoy ng kasalanan

Habang nagkakasiyahan di mo namamalayan

Na ikaw pala'y nasa puder ng kasamaan

At wala na silang balak pang ika'y pakawalan

At pag kinapos at naghikahos lapit sa Diyos

Dahil ang pagibig niya sa atin ay laging taos

Aming amang hindi mapanghusga, kailangan kita

Tulungan po ninyo akong maisalba sila

Ang buhay ay umiiksi hindi yan humahaba

Lahat tayo tumatanda hindi ka bumabata

Mahirap ang buhay kung iisipin mong mahirap

Kaya kahit tinatamad pipilitin kong magsikap

Kahit anong sitwasyon basta tama ginagawa mo

Wag matakot sa mga sasabihin ng ibang tao sayo



OTHER LYRICS

Pahingi

Kusina Mixtape
Droppout
2016 Album

Kasalukuyan

Concerned Citizen EP
Geo Ong
2018 Album

Litrato (CHELLY)

Litrato
CHELLY
2019 Single

Gintong Butil (feat. Mash, Duplero & Abehero)

Isang Libong Taon
8th Messenger & Six The Northstar
2021 Album

Sa Dako Paroon (Interlude)

Sakred Boy
Hev Abi
2022 Album

FEATURED ARTICLES