Album

Don Angelo


Concerned Citizen EP
Geo Ong
2018

Elementarya pa lamang ako madalas nang makatsyawan

Pagkat isa ako sa mga walang wala sa paaralan

Pumapasok na walang kain may bitbit pang mga pasanin

Habang suot uniporme kong dalawang araw ng labahin

Walong taon pa lang ang edad yan na ang taglay kong abilidad

Mga kaklase patungong klase anong paraan hinatididad

Habang ako ay nag lalakad sinusubok kahit anong kalamidad

Sinasabi kong laging dasal sana din god

Ako din po sana bigyan

Panginoon bakit ganon

Mula noon hanggang ngayun

Kahit magsikap bakit

Sa hirap pa rin ako laging baon

Yan ang aking laging tanong

Kaya lumaban, di nagpa talo

Di inspirado dilang ganado pagkat nalaman kong galing ko don

Magka ama yan ang pangarap kong madama

Ang ala-ala kona lang sa kanya pangalan ko na dala

Pero ni minsan di ko naisip na magpa talo sa pagka lumbay

Salamat panginoon sa lakas ng loob na abutin ang tagumpay

Alam mo ba isang dahilan kung bakit ang mga mata natin nasa harapan

Para hindi na natin balik balikan mga pangit na nangyari sa nakaraan

Abante baliwalain ang mga paninira ng iba

ngayun lang yan pag Naabot mo na proud din yan makikilala ka na diba

Gawin mo lang tama mga gusto mong gawin

Madilim nga lang kung kakatanim lang kung tutubo ka rin

Lahat ay nagdaan sa hagdan para ang pangarap ay makamtan

Madalas nasa daan ang hagdan dapat labanan ang hakbang

Di mapapasayo ang buong premyo kung aasa lagi sa iba

Kakaramput lang na balato ang makukuha mo lang sa kanila

Wag mong hayaan na may masayang ka na pagkakataon

Kung anong pangarap mo noon dapat nandiyan ka na ngayun

Dating araw na lubog ngayun umahon at sumikat

Dating maghapon tulog ngayong bumangon at dumilat

Nilisan panandilian ang aking pinanggalingan

Malayo ka sa pamilya masakit na tatanggapin yan

Pero ayus lang kesa wala kong mapala

di na sakin bago madapa kahit gano kalala

Pag dating ko nakatingin lahat hindi na bago sa mata

"Rapper din po ako mga sir hindi lang ganong halata!"

Lalalunang namamaga na lalo pang lumalala

Hanggat walang napapala Malabo to na madala

Dibdib na nag-daraga pinasindak ng babala

Hilahin man ng pababa tuloy parin ang pagdada

Di na maliligaw kahit gaano pa karaming pagdaanan

Ako'y handang buong loob sino man ang aking makalaban

Minsan na rin nalito lumiko ang landas

Mas lalo pa akong nadapa nung lumingon pa sa bus

Kaya ngayon lahat ng mali ko napupuna ko

Salamat karanasan, sa wakas natuto na ko

Sa buhay mas masakit, malala mas mahirap na karanasan

Pagnasanay ka sa susunod madal nalang yan lagpasan

Kalimutan mo lahat ng kumalimot sayo

Pag kilala ka na lalapit sila "Sino ka bro?

Mga masasama't malala, mga mabuting Karanasan mo

Ang huhulma sayo kung sino ka ngayung araw na to

Para mabuhay lang ako pinapatos na lahat

Walang pakialam maski pinapaltos na balat

Mararating mo rin Geo wag ka lang masyadong atat

Yan ang sabi sakin ng diyos na pinaka boss sa lahat



OTHER LYRICS

Love Story Ko

Ako Si…
Gloc-9
2005 Album

Progress

Progress
DB
2016 Single

Life & Debt

Blue Scholars
Blue Scholars
2004 Album

Seijun Suzuki

Cinémetropolis
Blue Scholars
2011 Album

1-800-Ninety-Six

Happy Battle
Francis M.
1996 Album

FEATURED ARTICLES