Album

Doble Kara


Moderno
M Zhayt
Producer: Blast Beats
2018

Chorus (2x):
Wag kang matakot sa dilim halika't sumama
Katotohanang malagim ang iyong makikita
Ang kailangan lang dalhin ay pakikisama
Wag na wag mong pansinin mga doble kara

Verse 1:
Ang buhay na 'to parang sugal
Kailangang manalo para tumagal
Di pwedeng maamo
May mga tao na kilos at asal mala kanibal
Asong banal
Mga pusakal
Mga nilamon na ng kemikal
Mga demonyong natuto nang magsidasal
Yung iba na ihalal
Mga maitim ang buto
Napakaraming ganto
Kapag may napapakinabangan ako
Andiyan na sila nakasabit sayo
Pero sa sandaling di mo na maibigay 
Kung ano man ang gusto
Tatalikuran ka nalang bigla, at sabay sabi ng "tangina mo"
Bilang na bilang nalang ang mapagkakatiwalaan ngayon
Mga kasama sa paghuhukay mo'y palihim ka nang binabaon
Napakahirap na ngang mawalan bat delikado kapag nagkaroon
Subok na subok ko na yan
Di masasabing nagkakataon
Dapat mong malaman kung sino ang kalaban 
Kung sinong sinungaling at dapat paniwalaan
Ako'y iyong samahan nang mapaliwanagan
Ganito lamang kasimple ang...

Repeat chorus

Verse 2:
Minsan nag aalinlangan
Ako na makipagsabayan
Mas nanaisin ko pa yatang
Sarili nalang ang makalaban
Mga tao sa iyong daraanan
Iba sa iyong inaasahan
Lamang sa kanilang timbangan
Kung sinong mas may pakinabang
Lumulutang na ba sa iyong isip
Kung kanino ka dapat pumanig
Tukain mo ang bawat kinahig
Dahil hindi masama ang kumapit
Bawat pagkakataon 
Ay wag mong hayaan na mapunta sa kanila
Kung hindi mo kukunin bukas ay pagmamay ari na yan ng iba
Nakakalito, palaging ganto
Pag wala ka nito, wala kang ganon
Panahon na siguro na matuldukan ang iyong mga takdang pananong
Kung ang lahat ng ito
Ipapaubaya mo lamang sa panginoon
Hindi mo parin masagot ang tanong
Kung bakit ang dami nang relihiyon
Dapat mong malaman kung sino ang kalaban 
Kung sinong sinungaling at dapat paniwalaan
Ako'y iyong samahan nang mapaliwanagan
Ganito lamang kasimple ang...

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Wow Mali

Buzo_Omp
KURIMAW
2021 Album

Knock Ng Talk Hang (int3rlude)

Shanti Dope
Shanti Dope
2017 Album

You Can't Do It

Tell'em Once
Kartell'em
2018 Album

Lando (feat. Francis M.)

Diploma
Gloc-9
2007 Album

No Drugs In Heaven

Tell'em Once
Kartell'em
2018 Album

FEATURED ARTICLES