Album

Tsk Tsk


Moderno
M Zhayt
Producer: Blast Beats
2018

Chorus (2x):
Sinabi ko naman sayong
Sinungaling yan
Sinabi ko naman sayong
Manloloko yan
Sinabi ko naman sayong 
Paaasahin ka lang niyan
Kaso di mo 'ko pinakinggan

Verse 1:
Nandiyan ka na naman at lumuluha
Bakit hanggang nayon di mo makuhang
Iwanan, kalimutan, at iwasan mo siya
Tumingin ka lamang sa paligid
Marami diyang iba
Yung tipong di ka sasaktan
Sa taong iingatan ang iyong nararamdaman
Siguro ay sanay ka nang pinaglalaruan
Nagmamahal ka ng taong walang pakialam
Ang bilis mong maniwala sa mga sinabi niya
Ikaw lang iibigin at wala na ngang iba 
Ikaw naman tong si uto-uto tuwang tuwa ka pa
O bakit nandito ka't nag iisa
Binalaan na kita

Repeat chorus

Verse 2:
Wag mong isipin na hindi mo kaya
Hindi lahat ng tao ay kagaya
Ng inibig, inalayan man ang puso mo
Kaya bago mo pasukin pag isipan mo
Nang di ka na nasasaktan
Samahan mo ng isip ang iyong nararamdaman
Wag mong paiiralin ang iyong katangahan
Nang di muling maulit ang iyong nakaraan
Ang bilis mong maniwala sa mga sinabi niya
Ikaw lang iibigin at wala na ngang iba 
Ikaw naman tong si uto-uto tuwang tuwa ka pa
O bakit nandito ka't nag iisa
Binalaan na kita

Repeat chorus (4x)



OTHER LYRICS

infiniteclimb

Kasmeek Mirrah Vol. 1
rhxanders
2013 Album

Sunggab

Sa Gitna Ng Prusisyon
KJah
2013 Album

Sana (feat. Children of da Corn)

Plastic Age
D-Coy
2001 Album

Brand New Day

Brand New Day
Midnasty
2011 Single

Tsunami

INDOORS
Rjay Ty
2022 Album

FEATURED ARTICLES