Album

Bipolar


Moderno
M Zhayt
Producer: Blast Beats
2018

Chorus (2x):

Di ko alam kung bakit ba napakahilig mo

Akong awayin kahit na nananahimik na

At bakit ba ako palaging nakikita mo

Ang nakikita mo

Ang nakikita mo

 

Verse 1:

Iba na naman ang tinginan

Ano ang dahilan pwede bang malaman

Teka lang, kalma ka lang hindi ako lalaban

Wala naman akong kasalanan

Samantalang napakasaya mo kanina

Bakit ba ngayon ay walang pansinan

Ako ay naguguluhan

Bakit ka ganyan para kang sinasapian

Di makatagal sa mga titig mo

Ginawa ko naman ang mga binilin mo

Di ko mahulaan ang laman ng isip mo

Ano ba talaga yan, pwes sabihin mo

Pwede natin pag-usapan yan

Baka kulang lang sa pagkain yan

 

Refrain:

Pero minamahal kita

Kahit di kita maunawaan

Basta minamahal kita

Kahit na walang kapayapaan

Mahal mo rin ako diba

Kaso nga lang, kadalasan

Pinag-aawayan natin ay mga bagay

Na wala namang kadahilanan

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Teka teka teka pwede bang ako naman

Ang magbigay ng kapaliwanagan

Bago mo 'ko paratangan

Ay hayaan mo muna na patunayan

Ko sayo di totoo ang mga yan

Napakatagal na nating dalawa na magkasama

Bakit ba ngayon tila lumalala pa

Nasan ang tiwala mo, nawawala ba

O baka naman talagang lumala ka

Malamang sa malamang ay galit ka na naman

Kahit hindi ko kasalanan ay aking kagagawan

Akuin ko nalang para di na mapahaba

At para na rin saking kapakanan

Dahil kung ito nalang ang tanging paraan

Upang ikaw ay manatili handa kong magtiis

Ibalewala ang mga yan para sating pagmamahalan

Ano man ang dahilan di kita pakakawalan

 

Repeat refrain and chorus



OTHER LYRICS

Not Yet To Die

Not Yet To Die
Pure Mind Quiet Heart
2018 Single

It’s You

Tha’ Journey
Dice and K9
2005 Album

Manhid (feat. BLKD)

Sa Gitna Ng Prusisyon
KJah
2013 Album

Loonie vs Zaito

FlipTop presents: Ahon
Various Emcees
2010 Rap Battle Verses

Kanser (Ng Lipunan)

Kanser (Ng Lipunan)
Sanggang Dikit
2012 Single

FEATURED ARTICLES