Single

Hindi Susuko (feat. Kean Cipriano)


Hindi Susuko
KJah
Producer: Juss Rye
2019

Chorus (2x):

Di kakayanin na magpanggap at iwasan ang tunay na nararamdaman

Pagkat ikaw ang pinili ng puso, hindi ako susuko

 

Verse 1:

Paano nga ba ulit ito sisimulan

Awit na kay tagal ko nang hinintuan

Bahala na kung hindi nila magustuhan

Mahalaga'y masabi ko eksaktong nilalaman

Katinuan hinahanap ko kung nasaan 

Nang makilala ka'y hindi ko maintindihan

Ang mga pananaw na aking nilagdaan

Binalewala at ikaw na lamang naging basehan

Masalimuot na bahagi ng pagibig

Ang pagtatalo ng puso at isip

Ayaw mo na sa reyalidad, ngunit pagpikit ay kapiling mo pa rin sa panaginip

Tulad natin na palagi ang tampuhan

Pagtatalo na nauuwi sa hiwalayan

Parang may sakit na kalimot pag nagkita't 

Nagkayakap lalo na't masimulan pa ang tawanan 

 

Repeat chorus

 

Verse 2: 

Bukas ikaw ang panalo

Mamaya ay ako naman

Sisihan at sagutan, walang kinapupuntahan

Isip lang ba'y pambata? Kaya di magkasundo?

Parehas na sitwasyon sa iba kinahinatnan ng sumuko

Ika ng matatanda, parte to ng paghahanda

Sa mas mabigat na pagsubok na di natin inakala

Hihigpitan ko pa ang kapit, para sakin ang pinakamabigat

Na hamong kakaharapin ay ang mawala ka hindi ko na

Maisip maghanap at ulitin ang lahat ng pangyayari 

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Mahal kita, kahit gaano kagalit

Tuwing bwisit binabalaang pagpapalit

Sa huli sakin ka pa rin dumidikit

Tinig ko lang ang tangi mong nais marinig

Paumanhin kung minsan ay napakakulit

Siyang dahilan bakit ulo mo'y umiinit

Gusto ko lang samantalahin at masulit 

Bawat segundo na kasama ka sabay halik

Sa dinami-dami ng anomalya

Tamang hinala saki'y nagpapakaba

Di maiwasan pag sakin ay malayo ka hanggang may magsasabing

Bukambibig mo'y walang iba kundi ako

Wala ka nang ibang hangarin

Maski na tutol lahat ng nakapaligid satin 

Anumang gusot ay pagtutulungang ayusin

Basta't sa kinahapunan ikaw ang kasalo ko kumain

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Pansamantala (feat. Loonie)

Mood Swing
JRLDM
2022 Album

Damit

Damit
Jnske
2018 Single

Tagumpay (feat. Mae Janelle)

Tagumpay
Southeast Cartel
2018 Single

Kastigo (feat. DJ Antsdru)

Ang Ulan At Ang Delubyo
Plazma
2021 Album

Sinatra, Karencitta

So Help Me God Vol. 1
Karencitta
2016 Album

FEATURED ARTICLES