Album

Paborito (feat. Reese Lansangan)


Life Of A Champion
Quest
2016

Intro:

Ikaw lang talaga (mula noon, hanggang ngayon)

Huwag ka nang magtataka (hindi na magbabago yon)

Kung ikaw ay musika (press play, repeat, loop)

Ikaw yung librong di ko maibaba (you're my best-selling book)

Parang teleseryeng di pwedeng palagpasin

Parang "good morning" basta kailangan ma-send

Ikaw pa rin ang una

Di kailangan magduda

Kabisado na kita

Like my favorite game I know you by heart

Up, up, down, down, left, right, left, right,

A, b, a, b, select, start

 

Chorus:

Ikaw ang aking paborito

Itanong mo kahit sino

Pagmasdan mo ang ngiti ko

Ikaw ang dahilan

Sana palagi kang nandito

Para araw-araw mismo

Kahit kailan, kahit saan

Ikaw ang aking paborito

 

Verse 1:

Kung si Goma may Lucy

Si John may Marsha

Si Kiko may Shawee

Si Popoy may Basha

Kailangan kita, mahirap mag-isa

Walang pagpipilian, ikaw lang talaga

Ang tunay, ikaw ang kulay

Saking buhay

Umaga, tanghali, gabi, hindi ma-uumay

Oh my

Parang Slice of Life

Si Larry lang ang hinahanap

Parang That's Entertainment sa mga batang nangangarap

Ikaw pa rin ang una

Di kailangan magduda

Kabisado na kita

Like my favorite song I know you by heart

"Nasayo na ang lahat pati ang puso ko"

 

Repeat chorus

 

Post-chorus:

Halika rito

Ikaw mismo

Ikaw ang aking paborito

 

Verse 2:

Vanilla ice cream na may chocolate syrup sa ibabaw

Na umaapaw

Tapos suot pa yung t-shirt na pampaswerte

Araw-araw kahit umaalingasaw

Yung sapatos na sira yung suwelas

Pilit pa rin sinusuot

Yung lumang Ray-Ban pa rin

Kahit na baluktot

Ayaw bitawan, ayaw pakawalan

Yan kasi yunng paborito ko

Parang ikaw lang yan

Di naluluma

Sa mata ko bago pa rin

Di ko pagpapalit kahit may bagong dumating

Ang layo ng narating

Iba pa rin ang dating

Parang Alice Dixson lang

Ang ganda mo pa rin

Uulit-ulitin

Babalik-balikan

Parang luto ni nanay

Hindi mo mapapalitan

Walang kapalit yan

Para sa akin lang

Custom made

Walang makakadaig

Because to me...

 

Repeat chorus (2x)

 

Outro (2x):

Halika rito

Ikaw mismo

Ikaw ang aking paborito



OTHER LYRICS

Wala Akong Pake

Loob Ng Kabaong
Apoc
2017 Album

Palong Palo

Bukas Uulan Ng Mga Bara
Kemikal Ali x DJ Arbie Won
2018 Album

Nasusuka (feat. Den Sy Ty)

The Lesser Of Your Greater Friends
Calix
2017 Album

Hands Off

Fatigue
Assembly Generals
2019 Album

Disco Eyes

No Saints Under Palm Shade
MANILA GREY
2017 Album

FEATURED ARTICLES