Album

Saludo


Life Of A Champion
Quest
Producer: Quest
2016

Verse 1:

Ito ang alay ko, ito ang istorya mo

Alamat na kailangan makilala ng buong mundo

Isang pagpupugay, kailangan ipagdiwang

Pasasalamat at ika'y isinilang

Di pangkaraniwang para siyang superhero

Hinarap lahat ng pagsubok yung iba hindi biro

Meron siyang misyon kaya walang takot sumabak

Mga buhay na nakasalalay sa kanyang pangarap

Parang pelikula, action, adventure, drama

May konting comedy, love story na pang masa

Galing sa wala akala mo talo na tapos

Yun pala siya yung bida kaya lahat sila paos

Kasisigaw, kahihiyaw selebrasyon

Buong mundo magtataka, kakaibang okasyon

Itaas ang kamay sumigaw ng hoy (hoy)

Ito ang araw mo, bayaning pinoy

 

Hook:

Saludo

Sa mga bida na tunay na nagpakita ng husay dito sa liga ng buhay

Saludo

Mga kampeon, mga dakilang hindi sumuko, di nagpaalila

Saludo

Sa inspirasyon, karagdagang lakas

Salamat dumaan kayo sa tamang landas

Saludo

Kami sa inyo ay saludo, saludo

 

Verse 2:

Walang balak sumuko, walang planong gumuho

Tagumpay lang, walang iba binigay niya buong puso

Hinarap lahat ng tuso, pati mga abuso

Nanatiling tapat sa pangarap hanggang naging uso

Ang buhay positibo, agresibo mismo

Kaya pinarangalan siyang Bayaning Pilipino

Taas noo kahit pango di na bigo di nalito di huminto

Inabot niya ang ginto

Ngayon tahimik na lahat ng kritiko

Bukang bibig na rin nila ang mga hirit mo

Hanggang nag-trending, ang daming likes, di na makalimutan

Front page, headlines, hanggang sa kanto laman ng kwentuhan

Pagasa'y pinagsaluhan, pero di naubusan

Binigay nang lubusan, hanggang sa huling hantungan

Buhay na buhay, walang humpay

Tagumpay

 

Repeat hook

 

Bridge:

Sabi daw walang pagasa pero tinapos

Sabi daw imposible pero di pa rin natakot

Sabi nila mahirap pero nag pursige

Kaya lahat sila ngayon sige lang sige

Nung lahat umurong, siya sumugod

Nung lahat lumubog, siya 'di nalunod

Natutong maglakad sa tubig pananampalataya

Diyos ang kanyang agimat kaya walang hindi kaya

 

Hook:

Saludo

Paglaki ko gusto ko maging katulad mo

Saludo

Maipagmamalaki sa buong mundo

Saludo

Ikaw ang dahilan kung ba't hindi ako susuko

Saludo

Taus pusong pasasalamat, isa kang alamat

Saludo

Sa mga bida na tunay na nagpakita ng husay dito sa liga ng buhay

Saludo

Mga kampeon, mga dakilang hindi sumuko, di nagpaalila

Saludo

Sa inspirasyon, karagdagang lakas

Salamat dumaan kayo sa tamang landas

Saludo

Kami sa inyo ay saludo, saludo



OTHER LYRICS

Lumuhod Man Ako

Lumuhod Man Ako
Zaito
2012 Single

Simula

Koronasyon EP
Gnarrate
2016 Album

Acid Na Blue (feat. Guddhist & Kiyo)

Acid Na Blue
JRLDM
2024 Single

Reaching Outer Space (feat. Soupherb)

Strange Weather in Manila
Kensa
2023 Album

Malupit

Wholesome
Andrew E.
1999 Album

FEATURED ARTICLES