Ibang Mukha


Ang Ulan at ang Delubyo
Plazma
Producer: Apo Lerma
2021

Chorus:

Hindi palaging nakakakilig

Hindi lang puro yakap at halik

Hindi lang puro lambing at ngiti

Ang pag-ibig ay may ibang mukha

Hindi ito tso-ko-late at rosas

Hindi ito yung magtatanggal ng posas

Hindi ito yung magsisilbi na lunas

Ang pag-ibig ay may ibang mukha

 

Verse 1:

Mahal kitaaa, kahit na hindi mo 'ko kilala

Ako yung gabi gabing sumisilip sa bintana

Pinagmamasdan ang iyong maganda na postura

Anuman ang suot mala prinsesa ang itsura

At kapag ika'y maghuhubad at maliligo

Ako'y titingin pa rin wag lang sanang mabibisto 

Hahawakan ang sarili at gagawa ng mga imahe

Yung tayo'y nakahiga at ang katawan mo ang putahe

Matagal na kitang gustong... kausapin, kaso nga lang

Parang may malaking pader na palaging nakaharang

Pero sapat na ang sinusundan kita... araw-araw

Para sakin ikaw ay akin hanggang sa ako'y pumanaw

Meron ka nang iba, alam ko na 'to nung simula palang

Sana'y mabait siya sayo lagi at hindi ka sasaktan

Pero pag ikaw ay niloko, ako'y magagalit nang todo    

Magigising kang katabi ang kanyang pugot na ulo

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Mahal kitaaaa, pero may mahal din akong iba

Pasensya ka na, di ko 'to mapigilan talaga

Pero hindi ibig sabihin na wala ka nang halaga

Meron lang mga araw na gusto ko mu-nang magpahinga

Sa madalas na away natin na napaka babaw ang rason

Ating pagsasama ay unti unting nagiging konsomisyon

Sayo pa rin naman ako uuwi pagkatapos ng lahat

Nais ko lang na maramdaman ulit ang tunay na sarap

Yung malupit na pagtatalik na hindi inaalala

Kung ano ang kinabukasan natin at iba pang mga abala

Gusto kong ibalik ang ginhawa at tanggalin ang drama

Ayoko ko rin mag sawa, kaya iba iba ang kinakasama

Kaya sana, maintindihan mo tong pinagdadaanan ko 

Pakibaba na rin yang kutsilyo na hinahawakan mo

Baka pwede pa natin to pagusapan na walang masasaktan

Para sayo ako'y magbabago pero panandalian lang

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Mahal kitaaa, kahit madalas ay nakakairita

Ito yung oras na gusto kitang mawalan ng hiniga

Sino yung kausap mo kanina? Ako ay naiinsulto     

Aking mga kamao ang sisira sa matigas mong ulo 

Masyado ka nang lantaran diyan sayong mga kalokohan

Landian sa kaliwa't kanan kaya eto ang kaliwa't kanan

Subukan mo mang magpaliwanag, ako'y magbibingi bingian

Pag di ka pa tumahimik ika'y itutulak ko sa hagdanan

At kung sumigaw ka ng saklolo, dyan mas magiging malubha 

Sisiguraduhin ko na madadagdagan pa ang 'yong mga pasa

Ikaw pa rin ang luluha kahit na ako ang magkasala

Sa relasyon na pinasok natin ako lang palagi ang tama

At bakit patuloy kitang sinasaktan sa bawat hidwaan? 

Dahil kahit sobrang sakit hindi mo ako iniiwanan



SEE ALSO

Latest Battle Event

Bwelta Balentong 9

  • 2022
Segment

Plakado

Promo

FlipTop Sport Socks (Black)

Promo

FlipTop Box Logo Shirt

OTHER LYRICS

The Regionals: Philippines
Single
Illmind, JRLDM, Jon Protege, Arkho, Mhot, Loonie
2022
Ako Si
G9
Gloc-9
2003
Mundo
Single
Migo Senires x Marc Mamuric
2014
Sa Pagdanak Ng Dugo
Loob Ng Kabaong
Apoc
2017
Mind, Body & Soul
Middle of NowHere EP
Peaceful Gemini
2018

FEATURED ARTICLES

MC Spotlight: Cobs
By Anonymous Staff