Album

Halimaw


Ang Ulan At Ang Delubyo
Plazma
Producer: Tatz Maven
2021

Verse 1:

Ayokong lumabas kapag sumisikat ang araw

Masakit sa mata at ako'y literal na matutunaw

Pero sa pagsapit ng dilim magbabago ang tadhana

Ako'y babangon mula sa kabaong para maminsala

Mga pangil ay tutubo at paningin ay mamumula

Maghahanap ako sa eskinita ng bagong biktima

Pag merong matripan, leeg niya ay kakagatin 

Tapos kanyang dugo ay unti-unting sisipsipin

Kailangan ko to gawin upang manatiling malakas

Kaya kung hindi ka kauri hindi ka makakaligtas

Ayoko rin sa bawang, banal na tubig at krusipiho

Lahat ng kaaway ko gusto akong saksakin sa puso

Pero palpak ang sinumang nagtangkang lumaban

Hindi nila kaya ang aking taglay na kapangyarihan 

Higit dalawang libong taon na ako sa mundong ito

Kailanman hindi pinagsisihan ang pagiging ganito

Sa libro at pelikula madalas niyo akong makita

Sino ako? Ako'y isang vampira

 

Chorus:

Kaya hindi ka nakakatulog tuwing hatinggabi

At palagi mong gusto na meron kang katabi

At ayaw mong naglalakad nang magisa pauwi

Yan ay dahil sakin, hindi mo to matatanggi

Kaya kapag dumidilim ikaw ay sobrang kabado

At mga bintana't pinto mo ay sinasarado

At ika'y nagdarasal para sa iyong kaligtasan

Yan ay dahil sakin, wag nang magmaang maangan

 

Verse 2:

Sa normal na araw ako'y isang normal na nilalang

Pero kapag bilog na ang buwan, bituka ay halang

Mangigisay habang mga mata ko'y nagiging dilaw

Bawat kuko ay tatalas, at ako'y mapapasigaw

Tapos buhok ay tutubo mula ulo hanggang paa

Sugatan ang mga labi, ako'y may pangil na pala

Hindi ko na mapigilan sumuko na ako nang tuluyan

Kailangan kong tanggapin itong bagong katangian

Ako'y sobrang nagutom kaya ang naging kasunod

Tumakbo ako palabas para kumain ng lamangloob

Garantisadong biktima ang una kong masisilayan

Sunod-sunod na kalmot ang una niyang mararanasan     

Pagbagsak niya sa sahig maguumpisa na ang kainan

Buto lang ang matitira dito sa madugong hapunan

Hindi pa lumiliwanag pwede pang rumonda sa kalye

At maghanap ng inosente na gagawing putahe   

Kapag ako'y nabusog dun ako aalulong nang todo

Sino ako? Tawagin mo kong taong lobo

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Yung naunang dalawa, anak ng puta malamya

Sila'y kathang isip lamang, ako'y tunay talaga

At ang mas malala, pumapatay nang walang babala

Madilim man o maliwanag, ako'y seryoso na banta

Pag kumikitil ng buhay iba-iba ang aking paraan

Pwedeng malinis na tahimik, o pwede ring duguan

Pwedeng may sandata, o sarili kong mga kamay

Minsan ay ginagahasa ko bago ko gawing bangkay

Marami akong anyo, kung hindi mo pa to nalalaman

Ako'y politika, guro, pulis o taga simbahan

Ako yung kaibigan na lagi mong nakakainuman

Ako rin yung hindi mo napapansin sa daanan

Pumapaslang ako dahil sa gutom, sa kapangyarihan

Sa init ng ulo, sa simpleng di pagkakaunawaan

Sa panibugho, kung minsan ay walang dahilan

Minsan naman kapag ako'y talagang nababato lang

Aking kasamaan ay likas at hindi na mababago

Sino ako? Walang iba kundi tao



OTHER LYRICS

Anytime

Anytime
YB Neet
2023 Single

Rock Rock On

So Help Me God Vol. 1
Karencitta
2016 Album

Taya (feat. BLKD)

Fatigue
Assembly Generals
2019 Album

All Hallow's Eve (feat. Di$mal)

Act 1
Ez Mil
2020 Album

Pikit (feat. Flow G)

Meron Na
Loonie
2023 Album

FEATURED ARTICLES