Single

Carousel


Carousel
ALLMO$T
Producer: Mr. Epee
2019

Noon ay palaging nag-aalala
Kung nasan ka
Di mapakali kung may kasama kang iba
Napakalamig mo
Napakamanhid mo
Ngayon lilisan na sayo
Di ko kailangan ang katulad mo

Makinig ka sakin kahit ngayon lang
Di ako magsisisi na iwan ka
Kasi ilang beses na akong nagmukhang tanga
Sa kakasuyo sa iyo nawawalan na ako ng gana

At sa aking pag-alis
Sana iyong matiis
Ang kalungkutan na aking ibabalik sayo
Wag kang mag-alala ito'y mabilis at lilipas din
Pero di ka na makakahanap ng katulad ko

Kung alam ko lang nung una pa
Di na sana kita niligawan pa, yeah
Gusto kong ibalik ang oras at
Bawiin ang mga halik
Wag ka nang umasang hahabulin pa kita
Dahil hindi na ako babalik
Kahit gaano ka pa kasabik sakin
Di na, di na, hindi na
Hindi na ako babalik

Dati ay napakatahimik at napakapayapa
Ng utak ko wala pang iniisip
Pero mula nung mga paa ko ay nilapit sayo
Tila ang puso't leeg ko'y pinipilipit
Nung hinawakan ko mga kamay mo ay naglaho
Ang lumbay, napakasaya mas nagkaron pa ng
Pag-asa na mabuhay, kaso lang nung nawala ka ay
Parang panahon ko ay naaksaya
Naalala ko pa no'n ayaw kitang pakawalan (naaalala)
Ngunit ngayon ay di ka na rin kawalan (di na)
Lahat ay ginawa ko na para sayo
Ngunit kung bakit ganito ikaw ang may kagagawan
Wag na wag (wag) mo 'ko sisisihin
Yung kababawan mo ay nagawa ko nang sisirin
Nalunod, halos di na ako makahinga
Kaya sumuko, nung araw na ako'y iyong pilitin
Makipaghiwalay, di ka natakot na mawalan
Habang ako ay halos mabaliw na
Alam mo (ano) masyado na sakim ka
Gusto mo kasi ikaw lang ang mahalaga
Di mo ko sinusuyo kahit na galit na 'ko
Kahit na kasalanan mo, ako yung argabyado
Masyado ka nang gago, maghanap ka na ng bago
Kasi wala nang babalik sayo tapos na 'ko

Kung alam ko lang nung una pa
Di na sana kita niligawan pa, yeah
Gusto kong ibalik ang oras at
Bawiin ang mga halik
Wag ka nang umasang hahabulin pa kita
Dahil hindi na ako babalik
Kahit gaano ka pa kasabik sakin
Di na, di na, hindi na...
Hindi na ako babalik

Alam mo na hindi 'to madali
Bakit kailangan pang ipilit ang mali
Alam ko na hindi ito ang gusto mong mangyari
Pero bakit ba kailangan mo pa na magkunwari
Pwede mo naman sabihin sakin nang harapan
Kung ano ang tinatago, please gusto kong malaman
Handa ako na tanggapin kahit ako'y nahihirapan
Kahit na anong ipilit, di pa rin maiiwasan
Ipikit aking mata, alam kong masaya ka sa iba
Ramdam ko na sayo may iba nang mahalaga
Isang patunay lang yan na
Kahit ano man ang mangyari 
Ay hindi ka talaga makukuntento sa isa
Alam mo ba
Binitawan ko lahat ng mga meron ako non
Para lang maibigay ang pag-ibig 
Na walang kapantay kaso wala ka na ngayon yah

Kung alam ko lang nung una pa
Di na sana kita niligawan pa, yeah
Gusto kong ibalik ang oras at
Bawiin ang mga halik
Wag ka nang umasang hahabulin pa kita
Dahil hindi na ako babalik
Kahit gaano ka pa kasabik sakin
Di na, di na, hindi na...
Hindi na ako babalik

Di ko na matago ang bigat
Sa isang iglap, tila ay nagbago ang lahat
Unti-unting nawawala na parang di mo na 'ko maharap
Anong ginagawa mo magdamag
Nawalan ka na ng oras
Na dating labis mong nabibigay
Parang wala nang darating na bukas
Pa sating dalawa nung ako ay mapalapit
Sayo patuloy mo na nga 'kong tinangay
Hanggang sa dumating di na 'ko pinapatulog
Parehas na tayong nahihirapan na mahulog
Paulit-ulit kang tinatawagan
Naging busy ka masyado't
Di mo na ko inantay para iyong makasalubong
Papano mo 'ko papaliwanagan
Kung mga dahilan mo'y sa iba ko malalaman
Masyado mo na nga 'kong pinaikot-ikot
Sa iyong kamay ngayon ay nagawa mo pa 'kong maiputan
Wala 'kong panahon
Sa tulad mong sarili mo lamang
Kaligayahan ang pinagtutuunan
Matapos mo 'kong mapakinabangan
Iiwan nang biglaan
Ayos lang sa akin
Di ko naman na 'yon kasalanan
Kaso lang
Hinayaan mo ang tao
Na handa kang mahalin
Pero di ka kawalan
Dahil nakakawalang-gana ka na rin
Namang intindihin, sayang

Sa totoo lang di 'ko na talaga maintindihan
Sayong pagbabago
Ba't daw nagkakaganyan
Sarili mong 'di palaban
Bakit ba
Ginawa ko naman ang lahat
Pero tanging nagkalat
Relasyon nating di tumagal
Ako'y nahihirapan
Ginawa kong isuko ko na lang

Ako'y sumuko kala mo'y magsisisi ako
Di 'ko na kailangan pang magmahal
Pwes, lumayas ka sa tabi ko
Kaya...
Di 'ko na kailangan pa ng isang katulad mo

Kung alam ko lang nung una pa
Di na sana kita niligawan pa, yeah
Gusto kong ibalik ang oras at
Bawiin ang mga halik
Wag ka nang umasang hahabulin pa kita
Dahil hindi na ako babalik
Kahit gaano ka pa kasabik sakin
Di na, di na, hindi na...
Hindi na ako babalik



OTHER LYRICS

Paper Thin (feat. Chace Infinite)

…paper cuts…
Bambu
2010 Album

Balik-Tanaw

Ang Gantimpalang Idinaan Sa Wika
KJah
2015 Album

Huling Minuto (feat. Ilaya & KJah)

Illustrado
Illustrado
2017 Album

Balewala

Balewala
Loonie
2015 Single

Kriminal

Kriminal
Skusta Clee
2015 Single

FEATURED ARTICLES