Single

Samin


Samin
Smugglaz
Producer: BJ Prowel
2022

Mula nung una hanggang dulo at sa kalagitnaan
Ng gera at digmaan na 'to'y magkabilaan ko na
Palaging tangan sa kaliwa't sa kanan
Mga pinanghahawakan ko na di mabitawan
At patuloy sa pagsulat paglikha't paggawa niya
Ng melodiya't ritmo ng rima't mga bara
Sumikat, makilala, tinig maisa-plaka
Kahit na para bang hindi gano'n katingkad ang pag-asa
Sa tulad ko na tulad din ng ilang hikahos
Lumaking wasak ang pamilya, di pa nakapagtapos
Kulang sa kaalaman, sa salapi din ay kapos
Anumang meron at wala'y aking pinagpasa-Diyos
Sa likod ng mga sala ko't gawain na haram
Pagbigyan man o hindi ang mga dalangin kong asam
Dumiretso, lumiko, mapraning, o tumino
Magtagumpay o mabigo, langit lang ang may alam

Kahit marami mang putik saking talampakan
Alam kong babakas pa rin ang mga yapak ko saking bawat daraanan
Malubak o madulas, may handa akong tumulay
Hanggang sa dulo ay di mapapahumpay
Ang gutom na taglay, hanggang mapasakamay
At maiuwi ko samin ang tagumpay
Samin ang tagumpay
Mauwi ko samin ang tagumpay
Mauwi ko samin ang tagumpay
Mauwi ko samin ang tagumpay
(Ah)

Sinubukang maglakad-lakad nang mabawasan ang inip
Naging 'sang batang palaboy na kung sa'n-sa'n tumitira
Sa ilalim ng tulay sa Delpan, Pedicab, o jeep
Sa sikip ng mundo sa plastic labo nalang huminga
Sa mura ko na gulang, natuto magkagulang
Nagkapangil, nagkasungay, buntot nalang ang kulang
Sa mundo na madupang, walang kapatawaran
Man ang maging kabayaran ng buhay ko na utang
Nang biglang sumindi, bumbilya niyang punde
May boses na bumulong
Ang sabi "Di pa 'yan huli"
Ika'y di lang kabuti, kundi lotus na halamang
Kayang mamukadkad, kahit sa tubig na marumi
Habang nakaharap sa salamin nang mag-isa
Inaral kalasan ang maling sistemang nakabisa
Tila nagsikap pa din na wag mahambing sa kanila
Kahit samin ay mahirap ang maging kakaiba

Dahil kahit marami mang putik saking talampakan
Alam kong babakas pa rin ang mga yapak ko saking bawat daraanan
Malubak o madulas, may handa akong tumulay
Hanggang sa dulo ay di mapapahumpay
Ang gutom na taglay, hanggang mapasakamay
At maiuwi ko samin ang tagumpay
Samin ang tagumpay
Mauwi ko samin ang tagumpay
Mauwi ko samin ang tagumpay
Mauwi ko samin ang tagumpay
(Ah)

Handang mamatay at pumatay, para magtagumpay
Pusong do-do-do or die
Handang mamatay at pumatay, para magtagumpay
Pusong do-do-do or die
Handang mamatay at pumatay, para magtagumpay
Pusong do-do-do or die

Ako'y parang estudyanteng hara-haragan
Nangarap magsumakumlaude sa kalakaran
Ng mga turo at diskarte para-paraan
Karanasan ang guro't kalye ang paaralan
Sinumpa't pinangako kahit na malabo
Yung nandon sa malayo'y mararating ko din
Liwanag may maglaho at araw ay magtago
Mas kikinang pa lalo na parang bituin
Kahit gano man kadilim ang buhay
Na para kang unti-unting nalilibang sa hukay
Magniningning sa kulay, pagkatapos makabangon
Ang natapos na kahapon ang magsisilbing patunay
Taya'y pati pato kahit ano man
Ang pwede't posibleng maging hantungan
Naisangag ko na ang kaning bahaw
Bago pa mapanis saking baunan
Mga nag-abon nung ako ay taglugi
Kasama ko pag nagbunyi, pasasalamat ang sukli
Nung ako'y di pa tuli, wala pang ngipin at bungi
Mga nanghamak ay parang makahiyang napatupi
Naglakbay bunga ng pag-ibig, galit, o muhi
Kasama ang pangakong kahit sa pula man o puti
O kahit san makarating, pag nagtagpo tayong muli
Sa pagbalik, tagumpay na ang pasalubong pauwi (uh)
Ah
Sa pagbalik, tagumpay na ang pasalubong pauwi (uh)
Ah
Sa pagbalik, tagumpay na ang pasalubong pauwi (uh)



Smugglaz - Samin (2022):

SEE ALSO

OTHER LYRICS

Sakin Ka Nalang

Barcode 2
Pricetagg
2022 Album

Better Half

Into Your Program
Skarm
2014 Album

Inday

Inday
CLR x Denial RC x Deadkey
2019 Single

Oskar Barnack Oscar Grant

Cinémetropolis
Blue Scholars
2011 Album

Sinio vs Sak Maestro

FlipTop presents: Ahon 5
Various Emcees
2014 Rap Battle Verses

FEATURED ARTICLES