Album

Salamin (feat. Gloc-9)


The Dope EP
Yuridope
Producer: Clinxy Beats
2022

Intro (Yuridope):

Oohh, humarap sa salamin

Bakit sa nais puntahan ay di makarating?

Sino bang may kasalanan? (Sila ba?)

Sino bang may kasalanan? (Baka ako rin?)

Wag madaliin, harapin ang salamin

 

Verse 1 (Yuridope):

Dami nang magagaling, minsan naiisip ko na may sakit

Silang di na madadaig, kaya di makakatawid

Kahit gaano ka pa kalupit, pag ang utak nagkulit

Tinamaan ng lintik habang nakikinig

Sa sulat mo na siniksik mo na lahat

Ikaw pa rin punit at wala ka pa ring papel

Mapuno man ang kwaderno

Pati pabalat mo sa sulat mo't ideya (Huh?)

Sa dami mong ginera, utos ng magulang mo dinedma

Para sa mababangis maihelera ang sarili

Ngangatan ng gitnang daliri

Kahit di mo kakilala sisiraan, isisisi

Ang lahat kung ba't yung awit mo

Di pinapansin, kanila ang napipili

Boy, matagal nang uso ang magtyaga

Magtiis ka para may mapala, 'di makakatulong pamumuna

Sa likha ng iba para lang maging perpekto ka

Baka dyan ka magkadepekto pa

Tandaan na basta nasa tyempo ka at may tyaga

Gawa muna bago dada

Dahil yan ang may epekto dyan, oh

 

Chorus (Yuridope):

Oohh, humarap sa salamin

Bakit sa nais puntahan ay di makarating?

Sino bang may kasalanan? (Sila ba?)

Sino bang may kasalanan? (Baka ako rin?)

Wag madaliin, harapin ang salamin

Oohh, humarap sa salamin

Bakit sa nais puntahan ay di makarating?

Sino bang may kasalanan? (Sila ba?)

Sino bang may kasalanan? (Baka ako rin?)

Wag madaliin, harapin ang salamin

 

Verse 2 (Yuridope):

Talagang masakit yung totoo, kapatid

Pero nandon ang mali

Mga paraan na pwede mong tuwid

Wag matakot makinig, mas manginig

Pag di ka na makadinig

Di na mabatid anong tama at mali

Tapos ang tingin sa sarili'y malaki

Kahit maliit pa naman humakbang nangmaliit

Agad ng iba, kaya mistulan ka ngayong bingi

Bulag at pipi pero merong gustong marating

Maraming gustong kwestyunin

Pero wala kang ibang alam kundi ay sagutin

Ikaw ang pinakamagaling

Kaya sa payo nila ay wala ka nang paki

Hanggang sa mapansin mong nasa huli ka na

Kasi nagsisisi ka nang di ka nakinig

Pag nandyan ka na anong mapapala mo

Kung tingin sa salamin para lang sa matang malabo

Tanging alam sa mga diskusyon, manalo

Paano yung may alam sa tanga

Handa nang magpatalo, ngayon

Di pansamantala ang panahon

Yung nasa tuktok ng tatsulok

Pwedeng bukas nando'n na sa kahon

Depende sa pag-iisip mo kung san ka paparoon

Kung kikitiran pa rin habang buhay ka nang balagong, kaya

 

Chorus (Yuridope):

Oohh, humarap sa salamin

Bakit sa nais puntahan ay di makarating?

Sino bang may kasalanan? (Sila ba?)

Sino bang may kasalanan? (Baka ako rin?)

Wag madaliin, harapin ang salamin

Oohh, humarap sa salamin

Bakit sa nais puntahan ay di makarating?

Sino bang may kasalanan? (Sila ba?)

Sino bang may kasalanan? (Baka ako rin?)

Wag madaliin, harapin ang salamin

 

Verse 3 (Gloc-9):

Tandang-tanda ko pa na nauna sila

At ako ang bagong salta aking dala-dala

Kahit di madiin ang porma kong bitin

Nang magkalasa ang handa ay kukumbidahin

Ang mga salitang nadinig

Dinikit sa tenga ko hanggang sa matulig

Ayaw magpahalata pero bumibilib

Tila binuhusan ng tubig na malamig

Uy, hindi masamang umamin

Bawasan ang siyang pagiging mahiyain

Dapat mong malaman na ganito samin

Ang lahat ay pwedeng-pwede manginain

Parang uwak kasamang anak

Para tumatak ang mga katagang lumalagapak

Puno lagi ng galak, halos maiyak mga naganap

Dapat parang bagong hasa na itak

Ang dala-dala sa laban, pasikatan

Payabangan ng mga paa na tinapakan

Laging pataasan, kayamanan na bulaan

Kailan pa kaya mamumulutan ang mga ito

 

Chorus (Yuridope):

Oohh, humarap sa salamin

Bakit sa nais puntahan ay di makarating?

Sino bang may kasalanan? (Sila ba?)

Sino bang may kasalanan? (Baka ako rin?)

Wag madaliin, harapin ang salamin

Oohh, humarap sa salamin

Bakit sa nais puntahan ay di makarating?

Sino bang may kasalanan? (Sila ba?)

Sino bang may kasalanan? (Baka ako rin?)

Wag madaliin, harapin ang salamin



OTHER LYRICS

Hue.

Hue For Ya
Sica
2021 Album

Phishing

#MANILACIRCLEJERK
Den Sy Ty
2016 Album

Boy Bitch (feat. Rjay Ty)

Burnt Cookie
DZ SVG
2018 Album

Tugmang Preso

Meron Na
Loonie
2023 Album

Abante (feat. Kat Agarrado)

Ultrasound
Loonie
2013 Album

FEATURED ARTICLES