Album

Sa'yo Lamang


Evolution Mixtape
Dello
2009

Intro:

Eto medyo cheesy, medyo baduy

May gusto lang akong sabihin sayo

Wag ka na magalit sakin, wag ka na magselos

Tanggalin mo na yang mga pagdududa mo

Kasi sayo lang naman ako eh...

 

Chorus:

Pagkat sayo lamang

Umiikot

Ang aking mundo

Ikaw lamang

Ang iibigin sa buhay ko

 

Verse 1:

Alam mo bumait ako nung makilala kita

Pero bakit ang bawat issue pinalalaki pa

At pag kasama kita, diba putol ang aking sungay

Dahil mahal kang tunay at wala nang iba

Pero ang mga pagdududa mo, hindi na mabawasan

Hindi ko nga alam, kung ano ba ang nagawa

San ba ko nagkamali, at sa bawat sandali

Nagtataray ka sakin, masungit at kadalasan

Di kumikibo kasi nga may tampo ka

Lagi mong iniirapan at simangot ang mukha

Di ko nga iniindaang mga natamong pasa

Mas nasasaktan ako kapag nakita kong basa

Ng luha ang mga mata, hayaan mong punasan ko

Wala sakin ang puso ko, alam mo ba kung nasan to

Ito'y nasa kamay mo na, kaya ipalagay mo na ang iyong loob

Ako'y sayo at yan ang aasahan mo

 

Chorus:

Pagkat sa'yo lamang

Umiikot

Ang aking mundo

Ikaw lamang

Ang iibigin sa buhay ko

Ako'y sayo lamang aking mahal

 

Verse 2:

Kaya nga ngayon

Unti unti ka na lumolobo

Unti unti kang bumibilog

At nagiging mundo ko

Kahit nagpapakaloyal ako't nagpapakumbaba eh

Duda ka pa ren na meron akong babae

Tandaan mo lagi, ano man mangyari

Love parin kita, at kahit ka pa tumaba eh

Di kita pagpapalit, ikaw lang ang nagiisa

Magmula nung umpisa, ikaw ay di ko lilisanin

Ang pagibig mo, hindi ko wawasakin

Dahil sa mundo, ikaw lang ang para sa akin

Di paaasahin, ikaw ay iingatan

Ang paiyakin kita yun ang iiwasan

Aking lulunasan, anu man pangamba mo

Lagi lang sa tabi mo, di ka iiwanan

Kung may pagkakataong mabubuhay ulit ako

Gusto ko ikaw pa rin babaeng makikita ko

Ayoko sa iba at ikaw lamang ang gusto ko

Dahil ako'y para sayo't ikaw lamang ang mundo ko

 

Chorus:

Pagkat sa'yo lamang

Umiikot

Ang aking mundo

Ikaw lamang

Ang iibigin sa buhay ko

Ako'y sayo lamang aking mahal



OTHER LYRICS

Barya

Illustrado
Illustrado
2017 Album

Fall Of Men (feat. Young Galaxy & Defcon)

Isang Libong Taon
8th Messenger & Six The Northstar
2021 Album

Blue Dream

The Motions
Curtismith
2017 Album

My Game

Represent The Ghetto Street Of Tondo
Mike Kosa
2006 Album

bum 2 me (feat. Jason Dhakal)

Sweet Nothings (Chapter 1)
Denise Julia
2023 Album

FEATURED ARTICLES