Album

Sakto Lang


Evolution Mixtape
Dello
Producer: Dreh
2009

Verse 1:

Susulatan ko tong beat na binigay sakin ni Dreh

Susugatan ko ulit yong sumabay sakin kasi

Para matauhan na, o etona ang matindi

Para matutunan at malaman na kung bat hindi

Ka makaangas sa akin ika'y nilampaso lang

Pano kakagat sa akin ang galising aso lang

Umulan ng talino sabay sumahod kaso lang

Timba ang dala ko, yung sayo baso lang

Kaya heto ang tulang sa pag bitaw malinaw

Si Dello tao lang pero pag bitaw halimaw

Hinihintay nila aking pag litaw sa ilaw

Ako hiling nila kasi pag ikaw mali daw

Hindi ka makatama kasi di ka wasto

Di ko kinakasama pag hindi ko gusto

Mahuhuli ka sa akto pagnilabas ko

Mga multi na iksakto na di pa wasto

 

Chorus (2x):

Binitawang mga obra sakto lang

Hindi kulang hindi sobra sakto lang ito

Sakto pero kinagulat ang laman

Showtime! Dello at eksakto lang naman

 

Verse 2:

Iba ako mkaharap kapag bumanat tirador

Dahil ako saka ang rap parang kutsara't tinidor

At kung bumabangga kayo 'wag humarang sa bapor

Ang epekto ko sayo parang kumalat na tumor

Tuloy-tuloy sa pag bato kahit mapaos mamalat

Aangat ang kanta ko pag tinapat ko sa lahat

At kumikintab ito parang sapatos na balat

Magsamasama na kayo para matapos na lahat

Isang pasada lang parang Kawasaki na sa racing

Puro pasa ka lang parang inabuso ka sa hazing

At kaya sana lang di kana sumabak pa sa gaming

Kasi sakin hindi ka aabot sa rating

Hanggang diyan nalang 'wag ipilit di ka durable

Ang katangahan pare ko hindi cureable

Kaya payo lang sa pagrarap 'wag kang maging busy tol

Mapupuna ka lang pag sa rap di na ko visible

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Parang gangbang to kahit ako mag isa

Mga joke lang to kaya ba kong magiba?

Parang joke lang to seryosohin ba kita?

At parang coke sakto sosolohin lang kita

Dahan-dahan lang minor bakit di ka sumabat?

Mataas pa sa tenor kahit di nags alabat

Bumaon ba yong tahol nabingi ka sa kagat

Kontrabida pumokol naging bida sa lahat

Naintriga sa kalat kong words binato

Na ngiti ka sa pangatlong verse ko na to

Ngayon di na naka love song pwes sumalo

Yong gumagawa ng wack song wag dumalo

At para kang binali ko pag dila ko lumatigo

Sa mga sinabi ko isa ka ba sa nabigo?

At anong napala sa duelo sa dami ng hinati ko

Ako nga pala si Dello at ang laro minate ko

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Fix Da World Up

Mastaplann
Mastaplann
1993 Album

Cruz

OOF! EP
Blue Scholars
2009 Album

Moshpit

Moshpit
Sak Maestro
2020 Single

Bring Dat Booty

Mastaplann
Mastaplann
1993 Album

Taong Mesiyas

Loob Ng Kabaong
Apoc
2017 Album

FEATURED ARTICLES