Single

Rubber Band (feat. FTD)


Rubber Band
ALLMO$T
Producer: Mr. Epee
2018

Verse 1:
Diba sabi mo noon
Walang bibitaw sa ating dalawa
Pinangako mo pa yun
Ako lang talaga’t walang iba
Walang iba, sumagot ka naman
Gusto ko lang naman maintindihan
Kung ano talagang naisipan
Please lang, gumawa ka ng paraan
Para ako’y makita, para ako’y matikman
Alam mo ba miss na miss na kita
Baby, halika na
Sobrang lungkot na talaga
Pag wala ka dito sa tabi ko
Lalo na pag napaisip pa sayo
Wala nang magawa kung di tumulog nalang
Para ikaw ang mapanaginipan ko
Ikaw ang nasa puso’t isipan ko
At panalangin na habang buhay na 'to

Chorus (2x):
Nung ika'y lumapit
Ako'y biglang napakapit
Nag tataka kung bakit
Muli kang sumasabit
Sa buhay ko
Diba tapos na tayo
Ano ang dahilan bakit ka pa naririto

Verse 2:
Bakit nga ba hinayaan
Natin 'to na mawala
Ano nga ba ang mga rason na sa atin nagdala
Na tapusin nang maaga ang ating nasimulan
Hindi na natin maibabalik
Mga panahon na dating tayo ay sabik
Dahilan kung bakit tila nawalan na ng gana
Magbigay ng pagpapahalaga at umibig pang ulit
Sabihin mo sakin ano ang problema kung bat narito
Hindi yung babalik ka lamang kung kailan mo lamang gusto
Handa naman akong magsilbing balikat kapag malungkot
Pero asahan mo na di na ko babalik, at yan ang totoo

Repeat chorus

Verse 3:
Pero...
Hanggang ngayon ay sariwa pa rin
Ang mga ala-ala, na iyong iniwan
Di basta matalikuran madalas
Balik tanawin, ganon ka pa rin
Walang pinagkaiba sa dati nung ikaw ay makilala
Mga oras na kasama kita ay maligaya
Ako'y nagsunod-sunuran
Ngunit ang yong balak
Lang pala nung umpisa pa lamang ako ay utuin
Ako naman si tanga
Na umaasang kaya mo rin akong mahalin
Ang galing mo rin, dahil alam mo na di kita matitiis
Kaya di ko na ninais na muling mapalapit
Kaya kung pwede ba ay lumayo ka sandali
Isipin ko muna kung puso ba ay sususndin
Sapagkat ako'y dala na pagod na kakaluha
Sa bangungot mong dala ay matagal nang nagising

Bridge (2x):
Ngayo'y nag babalik
Ikaw ba ay nananabik
Sakin o sadyang wala ka lang matakbuhan
Ano ang katotohanan ng ating kamustahan
Nandiyan kapag may kailangan tapos ako'y tatalikuran

Verse 4:
Paligid ay palaging masyadong malamig
Itong pag-ibig natin aminadong nasaid
Kahit pa pilitin nating tumawid
Alam ko na wala rin namang makikinig
Kapag ka sumasagi ay nakakasabik
Muli na maranasan ulit na makilig
Kaso mukang malabo na yatang bumalik
Kung ating napamukha na isarado ang bibig
Bintana'y binuksan at idinungaw ang mata
Nakita kita na ikaw din ay nagiisa
Ako ay bumaba na para makausap kita
Kahit na pano'y lumuwag ang paghinga
Hindi talaga natin gustong magkaganito
Alam ko naman na ayaw mo na rin ng gulo
Kaso sa totoo lang kasi ay aminado
Ako na hindi na din kita kaya na masalo

Repeat chorus

Repeat bridge once



OTHER LYRICS

Iladnasanwakan (feat. Al James and Chen Pangan of Unit 406)

Iladnasanwakan
Ron Henley
2018 Single

Out of Keeping

Bad Burn
FOSSILS
2017 Album

Sun In A Million

Sun Of A Gun
Bambu
2013 Album

FOH

HYPE ONE'S
Nik Makino
2022 Album

Bakit Hindi (feat. Billy Crawford)

MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012 Album

FEATURED ARTICLES