Album

Babae Sa Computer


Evolution Mixtape
Dello
2009

Verse 1:

Tama ba na magmahal ka sa unang pagkikita lang

Nahulog na agad ang loob sa pagngiti pa lang

Na para bang si Dello sa babae ay natitigang

Gabi-gabi ay magkausap kaso sa pc lang

At busy lang ako kapag ikaw na ang ka-chat ko

Sakto, sa akin ay ikaw na ang lahat ko

Ang dami kong babae dati

Ngayon walang masabi

Di ko akalain na ikaw ang katapat ko

Bat ko ba naisipang ika'y titigan

Ngayon damdamin bumugso

Hindi na mapigilan

At di nahihiligan

Pagpuyat ko sa gabi

Para lang makita ka nag-aadik na sa kape

Kung pwede makatabi

Di na ko mapakali

Umaasang bukas ay makakausap ka uli

Para lang sayo

Ang lahat iniisang tabi

Inlove na talaga ako

Si kupido kasi

 

Verse 2:

Wala nang inaasam

Basta lang ma-view sa cam

Ang naramdaman ko sa iyo ako'y takam

Na para bang ginigiyang

Sayo ako'y hiyang

Kahit na nahihiyang

Sa iyo ipaalam

Na umiibig ako

Sa babaeng nasa pc ko

Alam ko na di easy 'to

Lalo pag na dc 'to

Na disconnect

Fuck shit

Ang net kailan babalik

Kaya pati 'tong DSL ko

Ay sisnisi ko

Kasi di ko makakayang

Di kita ma-pc call

Kahit lang sa cellphone

Landline, easy call

Take it easy tol

Tawag sa PLDT tol

Para makapaghabol

Connection maging reachable

Paano kung sira pa shit

Paano kung wala pang net

Ayokong maghintay

Ng ilang mga araw ulit

Maghahanap ako ng comp shop

Kahit isang saglit

Takot kasi ako sa iba mo 'ko ipagpalit

 

Verse 3:

Nasasabik ako sayo

At hindi na 'ko mapalagay

Dahil pag di kita kausap

Ako'y hindi sanay

Kaya diretso log-in

Pero nang buksan ay

Nakita ko offline message mo

Ito nakalagay

"Salamat sa iyo

Na laging matiyagang

Kinakausap ako

Pinapakita mo ang

Kahalagahan 'ko

Pero satin ay talagang

Walang mangyayari

Kaya hanggang dito na lang"

Ako'y napatulala

Napaupo sa sahig

Naluluha ang mata

Ang pawis ko'y malamig

Tibok ng puso nadinig

Ang kamay nanginig

Kahit wala akong kausap bumuka yung bibig

Para maitanong sa sarili bakit ganun

Kala ko nagmamahalan pero bakit ngayon

Bakit iniwan na

Hanggang pc lang ba

Kaya dinamba ko yung cpu

Tatapon ko yun

Pero nagulat na lang

Ako biglang may nagbuzz

Ang kilay kong nakakunot

Bigla kong napataas

Nabasa ko ang mensahe

At ito ang sinasabi

"Silip ka sa bintana

Nandito 'ko sa labas"

Ako'y napabalikwas

Sabay takbo sa pinto

Tibok ng puso'y bumilis

At ayaw huminto

Halos magbugto

Ang hininga

Kasi ang pangarap ko na

Babae sa computer

Heto kayakap ko na



OTHER LYRICS

Wakas (feat. Artstrong)

Apokalipsis
Apokalipsis
2000 Album

Mood

Mood
Al James, Muric
2022 Single

Ordinary Guys

Bayani
Blue Scholars
2007 Album

2AM

2AM
Kris Delano
2017 Single

Rent Money (feat. Rocky Rivera)

...One Rifle Per Family
Bambu
2012 Album

FEATURED ARTICLES