Lakas Tama


Ang Ulan at ang Delubyo
Plazma
Producer: KMG
2021

Chorus (2x):

Dahil sayo, natutunan ko kung pano umibig

Kaso hindi ka mapapasakin kahit pa sa panaganip

Kaya eto ako nag-iisa at umaaasa sa mga tama

Baka bukas makalawa ay biglang magbago ang tadhana

 

Verse 1:

Unang tama ay mula sa isang kahon ng pulang kabayo

Na ako lang umubos, para makalimutan na ang mukha mo

Kaso malabo... kasi mas lalo... ka pang gumaganda

Ang sakit lang tanggapin na ako'y binabalewala mo na

Masaya yung ating simula, sariwa pa sa aking ala-ala

Nung tayo'y nagkwe-kwentuhan mula gabi hanggang umaga

May naramdaman akong koneksyon, handa nang mag-seryoso

Anong nangyari? Ayun, mas pinili kong lumapit sa tukso

Mas inuna ko pang sagutin ang mga tawag ng laman 

Masarap nga sa pakiramdam pero puro panandalian lang

Pagkalipas ng dalawang taon, bigla ko nalang napagtanto 

Na ikaw pa rin talaga ang babae na pinapangarap ko

Agad akong nagparamdam ulit, at doon ko nalaman

Na mas masaya ka na sa piling ng bago mong kasintahan

Sinabi ko mag-hihintay ako, sagot mo? "wala nang tsansa"

Pero salamat sa alak, tingin ko'y meron pang pag-asa

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Ikalawang tama ay mula naman sa nakabalot na damo

Pagkatapos kong sindihan medyo naging kalmado na ako

Pero hindi ko pa rin kayang tanggalin sa aking isipan

Na ikakasal ka na habang ako'y nananatili sa kadiliman

Kaya pala hindi mo na sinasagot yung bawat tawag ko 

At balita ko yung binigay kong rosas ay tinapon mo

Gusto ko lang na malaman mo, na talagang pinagsisihan ko 

Ang kasalanan ko, bakit ba hindi mo maunawaan to?

Ngunit huli na ang lahat, ika nga ng iyong barkada

Tanging hiling ko nalang ay habang buhay kang maligaya

Maghanap nalang daw ako ng iba kaso wala pa 'kong gana

Ikaw pa rin ang nakikita pag may bagong nakikilala

Ikaw pa rin ang naririnig sa tuwing may nagsasalita

At ikaw pa rin ang naaamoy saan man ako magpunta

Muntik na 'kong lumuha dahil wala ka sa aking tabi

Buti nalang may halaman na sa akin ay nagpapangiti 

 

Repeat chorus 

 

Verse 3:

Ikatlong tama ay mula sa bakal sa aking kanang kamay

Gusto kitang makita ulit, pagod na 'kong mag-hintay

Kaya nandito ako sa labas ng inyong magarang tahanan

Maraming salamat at pinili mong buksan ang pintuan

Pasensya na pala sa istorbo, alam kong hatinggabi na 

Natatakot ka ba sakin? Bakit nahihirapan kang huminga?

Iniisip mo ba ang iyong asawa? Hindi na yun babalik

Nasa gitna siya ng kawalan ngayon at wala nang imik 

Ito nalang ang tanging paraan para tayo'y magkatuluyan

Huwag kang mag-alala sinta, ikaw ay aking aalagaan

Hindi kita ililibing, sa bahay ko tayo didiretso

At doon ko papatunayan na ang pag-ibig ko'y seryoso

Patuloy kitang kakausapin kahit hindi ka na kumikibo

At kapag nabubulok ka na, ako pa rin ang ka-siping mo

Pang habang buhay na tayo, isang perpektong romansa

Ipikit mo na ang iyong mata at sa akin sumama...

SEE ALSO

Latest Article

GL – SA/LIRIKO (EP Review)

  • By Dante Romero
Latest Battle Event

Zoning 14

  • 2022
Segment

FlipSides


OTHER LYRICS

Kawawang Bata
…is out there
NothingElse
2009
Kawal
Gatilyo
BLKD x UMPH (feat. KJah)
2015
Sibuyas
The Lesser Of Your Greater Friends
Calix
2017
Atat
Wala Pang Titulo
Ron Henley (feat. Muriel)
2013
Feelings
DETOUR
Delinquent Society (feat. Yung Kamatis)
2018