Pamahiin


Ang Ulan at ang Delubyo
Plazma
Producer: Tibbz
2021

Verse:

Kahit isang daang pusang itim ang dumaan saking harapan

Ako'y sweswertehin pa rin kung karahasan ang labanan

Walang katapusang kamalasan ang alay ko sa mga ingrato 

Sila'y aktwal na mapupugutan at hindi lang sa litrato

Gusto mong maabot ang aking antas? Ika'y madidisgrasya

Hagdanan na iyong aakyatin ay magtatapos sa mata

Sa aking pagdating tiyak mauulit ang Plaza Miranda

Dahil hindi tinidor ang mahuhulog kundi mga granada

Para maiwasan ang sumpa, dapat kang matutong rumespeto  

Ikaw ay mag tabi tabi po kapag tatawid saking imperyo

Panay kagat ko sa aking dila kaya madugo ang mga dura

Palibhasa ako ang laging bukambibig ng mga bobo sa tula

Pag kayo'y aking pinaalis hindi ko iikutin ang plato

Ito ay babasagin sabay isasaksak ko sa pagmumukha niyo

Banat niyo ay duplikado, kalasag niyo ay hindi gagana  

Walang talab ang asin sa dala kong negatibong enerhiya

Kayo ay mahihina, habang ako'y batikan na sa digmaan

Patuloy na humihinga kahit nasa gitna ako ng larawan

Inyong kaluluwa ay wala ring ligtas sa kasamaan ko

Mga paru paro na bibista ay sa pader ko ipapako

Sa sobra niyong balimbing wala na kayong mararating

Baliktarin niyo man ang suot kayo'y maliligaw pa rin

Wag na kayong magpaka higante mga permanante na bano    

Nung tinulugan niyo istilo ko ay hinakbangan ko kayo

At sa pagpasok ko sa laro, agad winasak ang mga hadlang 

Hindi ako nag tao po kasi ako'y mas malakas na nilalang

At kung makabasag ako ng salamin walang madaramang kaba

Mas masaya dahil dadami pa ang mga patalim ko na dala

Etong mga gutom sa atensyon ay sinadya kong busugin

Upang sila ay todo bangungutin at hindi na magising

Malaking pagkakamali ang pagduda sa aking abilidad

Maniwala ka sa pamahiin kapag ako na ang nagpatupad

 

Chorus (2x):

Bawal ang hindi orihinal, bawal umupo sa aking trono 

Ako ang iyong hamunin kung gusto mong malasin nang todo

Magiging mapanganib kapag sinubukan mong sumapaw

Ako ang iyong pakinggan kung gusto mo nang pumanaw

SEE ALSO

Latest Battle Event

Zoning 14

  • 2022

OTHER LYRICS

Maya
Single
Shanti Dope
2022
Gang Injunction
Prey For The Devil
Bambu
2016
Moonchild
Ordinary Lives
Rayneman
2018
Tipsy D vs Sayadd (Tipsy D's Rounds)
FlipTop: Aspakan 3
Tipsy D
2015
Mukha Ng Pera
Realistick
Stick Figgas
2018