 
													Menard Deuce:
Kape sa gabi kaya malamang puyat
Pilit tinitibayan katawan ko na payat
Palag palag, palaging dala dala bayag
Pangarap kapayapaan para sa lahat
Sa amin, di niyo kailangan mayabangan
Ginagawa namin to para sa larangan 
Makapagrap sa harap niyo karangalan
Di na rin kailangan ng magara na pangalan
Ito'y ambagan na may pagmamahalan
Pasalamat sa ama at sa halaman
Nagpapasahan lang naman ng kaalaman
Sarili lang at katamaran ang kalaban
Tulungan kesa maghatakan
Mag mahalan nalang lahat di na dapat nagpapatayan
Kaya naman imulat ang mga mata
Kaya naman imulat ang mga mata
Para iyong makita ang katotohanan
Ingat ka lang, nagkalat ang kabulaanan
Kaya naman lawakan utak mo
Wag kang magpadala sa mga tumatakbo
King G:
Ibang bala ang itatak
Ibang kutsilyo isaksak
Ibuka ating mga pakpak
Buuin ang pusong nawasak 
Upang wala na sa atin pa ang bumagsak
Basyo ay alisin, pulbura ay tanggalin
Galit ay limutin, isa't isa ay mahalin
Turuan ang nangangailangan
Wag lang ang dahas na ating naranasan
Ang lahat ay makakamtan 
Kung tayo'y magtutulungan sa bayan ni Juan
Lahat tayo magbuhatan, wala nang hilahan
Pangit kung ganyan ang kalalakihan
Salamat nga pala sa tao na nagdilig 
Kaya patuloy pa sa pag gawa ng himig
Ngayon kami ay nadinig
ikalat natin ang nag-iisang pag-ibig
Menard Deuce:
Positibo lang palagi pero di sa bato
Damo ang aking tinitira kita mo sa mata ko
Wag kang matakot kasi kami bahala
Wag kang maniwala sa mga maling akala
Lahat magagawa, magpakumbaba ka lang
Kung may pangarap ka may mga paraan para dyan
Kaya naman kumalma ka na lang 
At wag ka nang kabahan
 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																					 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																															 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																