Amanamin


Ikugan
Calix
Producer: Serena DC
2018

Palagi mong sinasabi na binigay mo na lahat

Pero bakit marami sa amin ang kinakain ay palaging di sapat?

Pinagsamang mga palad para ika'y maka-usap

Ang hiling ng mga tulad ko, di yumao ng dilat

Sa pagkat ang dami kong pangarap

Na sinabi ko sayo pero di ka kumurap (fuck)

Palagi mong sinasabi na lagi ka lang nandiyan

Pinag-mamasdan ang aking galawan

Handang manita kapag nakita'y kalokohan

Pero di ka umimik noong patalim

Ginilit dahan dahan ang aking leeg

Ngumingiyaw paraang biik pero ika'y tahimik

Diyos ko (diyos ko) di ba rinig sa langit?

Wala kang pake, aminin mo nalang

Ang daming mong sinabi, panay ka panloloko

Ibang klase ang karakas ng poong maykapal

Pag dasal mo nalang, espiritong de halang

Dakilang bulag nag-babanal banalan

Binabase ka ng tupa mo sa bagay nahindi alam

Pero sa araw-araw tandaan na merong bagong nalalaman

Laban, ang pagiging ignorante ay kahinaan

Kaya pang lunasan, kung nasan

Ang problema dapat kumilos ng mabilisan

Para maagapan ang pagkalat ng tumor

Ibahin mo na ngayon

Ang iilan sa amin ay di na papaloko

Sa huwad na santo na katulad mo

Palagi mong sinasabi na ika'y mapagmahal

Sinakripisyo ang lahat para sa kabutihan ng buong sanlibutan

Pero bakit parang di mo nakikitang nag hihirap

Karamihan sa iyong mga likha, pinabayaan mo na ba?

Nahuhumaling ang ilan sa mga pangakong alam na natin na puros kahibangan

Palagi mong sinasabi na kami'y maliligtas

Sa init ng impyerno basta ba sunod sunuran

Sigurado ang kaluluwa'y hindi malalabnas

Sa apoy ng galit sa aming mga mortal

Puta, sabi mo sa amin na ika'y mapagmahal?

Pero bakit sa konting pagkakamali, ikaw ay nagagalit, diyos kong matampuhin, bakit samin nasisi?

Sabihan mo sila, wag nila ipilit sakin

Paniniwala mong baliktad, di ko kayang lunukin

Pagbigyan mo na mamili yung iba, wag mo nga lokohin

Mga banal na may utak kriminal, tapos kayo sa akin

Gagamitin kong punyal ang krus na sinasamba nila

Saksak sa bunganga dahandahan hihilahin pababa hanggang bumuka ang katawan

Tanggalin ang laman loob, hanggang malinis, at ito'y isusuot

Haharapin ang iyong mga tagasunod at sasabihing "ako na ang bagong diyos nyo"


OTHER LYRICS

Sinungaling
The Ones Who Never Made It
Loonie (feat. Ron Henley & Tuff)
2010
Rolls N Stacks
So Help Me God Vol. 1
Karencitta
2016
Girl Of My Dreams
Single
Zikk
2012
Para San Ang Tapang Mo?
Gatilyo
BLKD x UMPH
2015
Malimit
Dekoding Rhythm
Rambling Man
2006