Album

Limbo (feat. JamySykes)


Ikugan
Calix
Producer: Serena DC
2018

Chorus:

Kahit gano ka kalapit sa liwanag na natatamo madilim parin ang 'yong sasapitin

Kahit gano mo patamisin ang mga salita hindi mo mapipilit na kami'y patikimin

Kahit gano mo pabanguhin ang iyong pangalan aalingasaw din ang iyong panghi

Kaya, hindi kami ang biktima mo! Hindi kami ang biktima mo!

 

Calix:

Libo-libong mga mata lahat ng ito sayo ngayon ay nakatingin at nakatingala (bakit ganun?)

Bakit di mo masabi kung ano ba ang dapat na gawin sa mga patapon na buhay nila

Ikaw na ang naka-upo pero bat ganon nag-mimistula na ikaw pa ang takot at ligaw?

Na sumayaw, na gumalaw, sa panahon na to walang silbi ang mga pahapyaw (duwag)

 

JamySykes:

Takip-mata, tenga, bibig naka-kabig ang dibdib

Palayo sa mga ngangailangan ng pansin

Parating na nga ba takip-silim? Para sa mga dinadaing o tuloy pa rin?

Ang paghihirap, at paghahagilap ng mga kasagutan para saming pakiusap

Pero para pa saan? Ang pagtitiis?

Kung sa paglapit namin sayo ay kusa ka naman na lumilihis?

 

Calix:

Eh ngayon ano ba ang silbi? Isa ka rin pala sa mga madumi?

Eh ngayon ano ba ang silbi? Kung numero lang ang tingin mo sa amin

Eh ngayon ano ba ang silbi? Isa ka rin pala sa mga madumi?

Eh ngayon ano ba ang silbi? Kung pagkatapos ng lahat itatapon din kami?

 

JamySykes:

Bakit ko kailangan lumuhod? Di naman ako naniniwala

Bakit ko kailangan sumunod? Di ko naman gusto na sumama

Kahit ano pang piliing daan, iisa lamang ang pupuntahan

Wag mo sanang ikagulat kung matagpuan mo ako sayong kalalabasan

 

Repeat chorus

 

JamySykes:

Dugo na sinlamig ng semento sa sahig ang dumadaloy sayong litid at nakalakip

Na dapat mapatid para wala ng mamimilit na kami'y kumilos sa bawat pagpihit

Balewala na ang mga maskarang suot, bawat kakulangan napupuno na ng poot

Mapagbigay kuno pero puro lamang abot

Ilang ulit tinanong, wala paring mga sagot

Lahat ay huwad at walang totoo, sa bawat panuto may panguuto

Walang ibang makita sa kanilang harapan, mga dapat na nagsisilbi'y pinagsisilbihan

Ninanakawan na't lahat gusto parin makamayan, ilang beses nang nahuli pero pinakawalan

Mga katauhan nila di mapangatawanan, nakakasawa nang mabuhay sa puro katangahan

 

Calix:

Tumingin, tanungin, gagawin mo ba? O inuuna mo muna ang pag-sasalita?

Alamin ang salarin, kailan ba darating? Nasan na banda ang mabuting balita?

Mas importante bang mag bigay pugay muna sa katulad mo bakit di ka magkusa?

Mga huwad na tala na nag bibigay kinang, mga hibang hindi naman namin kayo kilala

Sino ka ba? Bakit para samin ika'y rume-representa?

Kung ang kumikilos lang sayo bunganga, ngayon palang ay tumigil ka na

Pagka't hindi kami nandito para lang maging medalyon mo, wag ka maging ipokrito

Lahat kami alisto sa mga ka-uri mo, pare-pareho lang kayong mga gago

Eh ngayon ano ba ang silbi? Isa ka rin pala sa mga madumi?

Eh ngayon ano ba ang silbi? Kung numero lang ang tingin mo sa amin

Eh ngayon ano ba ang silbi? Isa ka rin pala sa mga madumi?

Eh ngayon ano ba ang silbi? Kung pagkatapos ng lahat itatapon din kami?

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Aminin (feat. Zae)

Aminin
Pricetagg
2023 Single

Note To Self Interlude

JCON
Jess Connelly
2018 Album

Andrew Ford Medina

Humanap Ka Ng Panget
Andrew E.
1990 Album

Desisyon

Desisyon
Tatz Maven
2022 Single

Bakas Yown (feat. Tadz)

Kusina Mixtape
Droppout
2016 Album

FEATURED ARTICLES