Nanulat na Talunan


Ikugan
Calix
Producer: Serena DC
2018

Verse 1:

Nag simula ang pagtingin, sa pagsilip sa computer screen

Ako'y napaisip, sabi sa sarili, ika'y magiging akin din, ako'y nag message

Pa-hapyaw pumuri, baka ika'y matunaw

Pusong matigas baka pwedeng malusaw

Sana mag reply, baka ako'y magunaw

Aking kalamnan tulyan nang napukaw

Ng kagandahan mong talagang tumatagos

Gabi-gabi nalang ang hininga kinakapos sa kakatitig ko sayo

Hindi ko na batid kahit lapnos ang aking kanang palad kaka-kayod ko

Para sayo

Nagiipon para pasayahin ka, sagot ko na basta naka-ngiti ka

Pero alam ko na wala ka ngang idea, na gustong-gusto kita (kaya)

Kada-post mo ng iyong letrato, ako'y sumasaya habang hinahaplos

Iyong mukha sa salamin ng aking telepono, kelan papansin ang katulad ko?

Kelan sasagutin ang mensahe ko? Kelan mo makikita na ako ay tao?

Kelan pa ba ako titigil kakatanong sa sarili ko "haaaay sino ba ako?"

Alam ko naman, na wala akong bilang sa iyong mundo

Gusto ko lang na malaman mo, ramdam ko ang iyong pasan

At ako ay katulad mo pinabayaan din ng mundo

Alam ko rin nam an na di kita mapilit pagka't ganito ang itsura ko

 

Chorus (8x):

Ang alamat ng talunan

 

Verse 2:

Nakikita ko sayo ang sakit na aking pinagdaraanan

Ang hinagpis ng inahas, kamandag na gumagapang pa sa iyong kalamnan

Hindi mo ma-wari kung paano ka ginanyan, binigay mo naman ang lahat

Hindi mo na nga tinirhan ang sarili, iniwan ka pa na wala kang alam

Pasang tumagos pisikal espiritual, inalay mo lahat pati na ang iyong dangal

Inuka sa iyong dibdib, ang kawalan

Pero bakit mabigat, di ba dapat gumaan?

Ngayon ika'y nagiisa na katulad ko, bigla nalang ligaw sa lawak ng mundo

Kaya ito ako ngayon, nilalapit ko ang aking kamay para kapitan mo

Nabalitaan ko bigla, na sya ay nag balik. nakapaskil agad letrato nyong nag hahalikan

Sa magara na hotel pa nyong napag-isipang makipagbalikan (malamang sabay kantutan)

Pero bakit nakikita ko sa post mo ngayon, di naman nag bago

Ganun parin, ikaw parin ay ginagago, animal parin ang kanyang pagtrato sayo

Ngayon ika'y nag tatanong

Bakit ganun? Bakit ganito?

Di ka maintindihan ng mga tao sa paligid mo, pero ako'y nandito

Ako'y katulad mo pinabayaan ng mundo abutin ang aking kamay at itatakas din kita pero

Alam ko rin naman na di kita mapilit pagka't ganito ang itsura ko

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Eh ganito lang talaga, hindi pinalad biyayan ng mukhang nagmula sa paghubog ng kalangitan

Na mala anghel na nahulog sa mundo

Ako'y hamak lamang na nilalang na umaasa sa iyo, na mapansin mo

Isang kang diyosang naglalakad kasama ng mga tao

Tignan mo nga ako?

Sa kada pagtingin sa salamin di mapigilan ang sarili dumuwal (fuck!)

Gabi-gabi nalang ako'y umiiyak, sinasaktan sarili ko, hawak aking punyal (fuck?)

Para lang makaramdam, kahit katiting na pagtingin, ako'y uhaw sa pagmamahal

Sa kada silip ng mga matang mapang husga, ako'y nanliliit nawawalan ng halaga

Masakit tanggapin, kahit anong gawin, hindi ako ang pipipliin

Kahit na anong galing, sa aking sining, (pakshet) di ako ang pipipliin

Walang pam-porma, wala ring kotse wala nang pera, wala ring chongke

Kaya hinding-hindi kita masisi, kaya hinding-hindi kita mapilit

Na sumagot sa aking mensahe

Okay lang kahit na dyahe

Tinanggap ko na lang na di ako ka-akit-akit, nag-desisyon manahimik

Isang gabi, ako'y nakatanggap, PM mula sayo ang puso ko'y lumundag

Agad nalugmok noong binasa ko na, "hu u?" ang tanong, aba'y putang ina

Hindi nga pala ako nagpakilala

SEE ALSO

Latest Article

Pre-event Review ng Zoning 14

  • By Anonymous Staff
Latest Battle Event

Gubat 10

  • 2022
Segment

Plakado


OTHER LYRICS

A Sunrise Before
Party Worker
Bambu
2014
Pops
One Rifle Per Family
Bambu
2012
Gang Injunction
Prey For The Devil
Bambu
2016
Jabongga
Sons of Flip Hop
Legit Misfitz
1994
Still Got Love
Bayani
Blue Scholars
2007