Album

Talumpati (feat. Aia De Leon)


Talumpati
Gloc-9
2011

Verse 1:

Dekada nobenta nang ako'y magkagusto

Sa tugtugang pinilit kong pag-aralan nang husto

Tapos lahat ng utos mo ang lahat ay binuhos ko

Kahit pangit ang lasa ang lahat ay inubos ko

Simot lahat pati tinga dapat laging matindi ka

Parang sinasabi sa kandila na sumindi ka

Kahit wala kang posporo dapat laging umaapoy

Kahit may takip ang inidoro ay umaamoy

Ang ibig kong sabihin ay di ka dapat magpapapigil

Pag ako'y nadadapa ay lalo akong nanggigigil

Hindi puwedeng magpasupil ipunin bawat butil

Hawakan nang mabuti kagatin ang mga pangil

Ang bawat pagkakataon madulas parang sabon

Buhatin kahit hindi mo alam ang laman ng kahon

Pwedeng magsawala pwede kang magtagumpay

Alin man sa dalawa ito'y nasa yong kamay

 

Chorus:

Kahit anong iharang mo itatawid ko ang kanta

Bilangin mo ang sugat ko sumusubasok sa lupa

Tinig ko'y maririnig sisigaw ka sa madla

Sumulat, gamiting tinta'y alugbati

Sa aking talumpati

Sa aking talumpati

Sa aking talumpati

 

Verse 2:

Sumali sa drive-by show ni Andrew E

May lumapit sakin na myembro ng DTG

Sabi niya kilala mo ba ko sabi ko hindi

Kasi magkasing nipis ang braso niya at binti

All black ang damit may inabot na papel

Anong pangalan ko ako po si Aristotle

Nang silipin telephone number ng kanilang leader

Isang sikat na rapper ang pangalan ay Beware

Kinabukasan ay pumunta ako sa tindahan

Nagbayad ng limang piso para aking matawagan

Nag ring may sumagot ang sabi niya hello

Kahit kinakabahan sumagot ako hello

Ako po si Venom yung rapper kagabi

Yung kausap ng kalbong maputi niyong katabi

Kaya doon nagsimula kami'y naging magkaibigan

At nalaman ko ang landas na siyang dapat kong lakaran

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Makalipas ang panahon tinanong niya ako

Aalis kasi siya papalit daw ako

At isang rapper na hindi naman marunong mag rap

Okay lang gumawa kami ng demo tape para matanggap

Sa kumpanya na naglalabas din ng pelikula

Ayos lang kahit nagrarap ako na nakamaskara

Kahit na mukhang tanga yan ay okay lang sa akin

Ang sumulat ng kanta ay siyang pangarap kong gawin

Nakapaglabas ng mga album na hindi pinag-isipan

Puno ng galit at umaapaw sa kayabangan

Matapos na tanggalin napagisip-isip ko rin

Siguro may mas maayos pa ako na pwedeng gawin

Nalaman ang unang bahin na sa makapal na libro

Kaya't di pa nagtatapos ang talumpati kong ito

Pwede akong magsawala pwede akong magtagumpay

Alin man sa dalawa ito'y nasa aking kamay

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Color of Love (feat. Feifei, Soupherb, Sak Maestro, & DJ Arthug)

Strange Weather in Manila
Kensa
2023 Album

CBR

CBR
Tus Brothers
2022 Single

PVKRVT

PVKRVT
Deadkey
2017 Single

Salarin (feat. Bamboo Manalac)

MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012 Album

Binibiroksi

Kung Alam Mo Lang
Hev Abi
2023 Album

FEATURED ARTICLES