Album

Bugtong (feat. Yeng Constantino)


Talumpati
Gloc-9
2011

Intro:

Di yata dapat ginawa to

Parang delikado

Ang mahalaga'y maririnig ng mga tao

Hindi ko pipigilin

Hindi na sisilipin

Kahit na takpan aking bibig ay aking sasabihin

Sasabihin, sasabihin, sasabihin, sasabihin

 

Chorus:

Pwedeng tao, pwedeng hayop

Sino kaya ang tinutukoy ko?

Parang tao, parang hayop

Sino kaya ang tinutukoy ko?

 

Verse 1:

Malamang ang ibinoto mo'y corrupt

Tao na ang kanyang likod ang ginagawang harap

Tutungtong sa entablado at makikiharap

Dumudura ng mga kasinungalingang masarap pakinggan

Parang awitin na laging nasa tono

Pero ang kanyang ugali ay ubod nang sintunado

Tituladong abogadong milyonaryong mabait

May isan dosenang anak sa patong-patong na kabit

Tingnan mo ang bait, parang di ka nahihiya

Napakarami ang gutom pero ika'y nakahiga

Nagpapasasa sa kayamanang kay bilis

Mong nakuha sa pinagsama-sama naming buwis

Amoy panis, kay bangis, kapag ikaw ang kumagat

Walang natitira, simot lahat, pati buto't balat

Nagkakalat ay isang garapal na mandaraya

Walang pinagkaiba sa nakaabang na buwaya

Na sinasakmal ang lahat ng makita 'pag gutom

Panga'y laging nakabukas na parang bilasang tahong

Kaya parang alam ko na kung ano ang dahilan

At kasagutan dito sa laro ng hula-hulaan

 

Chorus:

Pwedeng tao, pwedeng hayop

Sino kaya ang tinutukoy ko?

Parang tao, parang hayop

Sino kaya ang tinutukoy ko?

Di yata dapat ginawa to'

Parang delikado

Ang mahalaga'y maririnig ng mga tao

Hindi ko pipigilin

Hindi na sisilipin

Kahit na takpan aking bibig ay aking sasabihin

Sasabihin, sasabihin, sasabihin, sasabihin

 

Verse 2:

Na para bang hindi ka makahinga

Natatakot ka na baka biglang maamoy nila

Ang mabaho at bulok na sistemang nakabara

Sa malaki at matigas na tiyan mo'y kakasya pa ba?

Araw-araw kang busog pero di ka makadighay

Hinay-hinay lamang , baka ho inyong ikamatay

Magtiwala ka, anak, yan ang sabi ni inay

Pero bakit lahat ay sanay na sanay sa lagay?

Ganyan dito sa pinas, ewan ko lang sa iba

Magkano ba ang amin diyan, yan lang ang mahalaga

Teka tulungan niyo ako, sinong malinaw ang mata

Ituro niyo kung sinong di milyonaryo sa kamara

Pagpasensiyahan niyo na kung medyo hindi bilib

Tinuruan lang ako na maging mapagmasid

Sa tagal ng panahon, mahirap maging manhid

Parang sugat na tuyo na tinalupan ng langib

At binuhusan ng mertiolet, sa laman nakadikit

Iwan ang pamilya sa ibang bansa ipagpalit

May pag-asa pa ba ang bayang nakataya?

Pati patong, panabla, sino ang dapat mahiya?

 

Chorus: 

Pwedeng tao, pwedeng hayop

Sino kaya ang tinutukoy ko?

Parang tao, parang hayop

Sino kaya ang tinutukoy ko?

Pwedeng tao, pwedeng hayop

Sino kaya ang tinutukoy ko?

Parang tao, parang hayop

Sino kaya ang tinutukoy ko?

Di yata dapat ginawa to

Parang delikado

Ang mahalaga'y maririnig ng mga tao

Hindi ko pipigilin

Hindi na sisilipin

Kahit na takpan aking bibig ay aking sasabihin



OTHER LYRICS

Barya

Illustrado
Illustrado
2017 Album

Walang Maiiwan (feat. Calix)

KOLATERAL
KOLATERAL
2019 Album

Saucin’ (feat. Frank SVG)

Failing Forward
Curtismith
2016 Album

Tahan Na (feat. Ron Henley & Guddhist Gunatita)

Nakasalalay Sa Letra
KJah
2023 Album

Walang Babala

The Ones Who Never Made It
Loonie
2010 Album

FEATURED ARTICLES