Album

Walang Natira (feat. Sheng Belmonte)


Talumpati
Gloc-9
2011

Chorus:

Napakaraming guro dito sa amin

Ngunit bakit tila walang natira

Napakaraming nurse dito sa amin

Ngunit bakit tila walang natira

Nagaabroad sila

Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman

Nagaabroad sila

Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman

Nagaabroad sila

 

Verse 1:

Lupa kong sinilangan ang pangalan ay Pinas

Ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas

Nauubusan ng batas parang inamag na bigas

Lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas

Tumatakbo nang madulas mga pinuno ay ungas

Sila lang ang nakikinabang pero tayo ang utas

Mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas

Para pumunta ng ibang bansa at doon magtanas

Ng kamay para lamang magkakalyo lang muli

Ang pahinga'y iipunin para magamit paguwi

Dahil doon sa atin mahirap makuha ang buri

Mapahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti

Ng anak na halos di nakilala ang ama

O ina na wala sa tuwing kaarawan nila

Dadarating kaya ang araw na ito'y magiiba

Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na

 

Chorus:

Napakaraming inhinyero dito sa amin

Ngunit bakit tila walang natira

Napakaraming karpintero dito sa amin

Ngunit bakit tila walang natira

Nagaabroad sila

Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman

Nagaabroad sila

Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman

Nagaabroad sila

 

Verse 2:

Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan

Ang kapalaran ng lahat ng nakipagsapalaran

Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan

Ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan

Isasanla lahat ng kanilang pag-aari

Mababawi din naman yan ang sabi pagnayari

Ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano

O barko kahit saan man papunta

Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso

Ang isa ay katumbas ng isang dakot na mamiso

Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino

Lilisanin ang pamilya ang amo kahit na sino

Gugutumin sasaktan malalagay sa peligro

Uuwing nasa kahon ni wala man lang testigo

Darating kaya ang araw na ito'y mag-iiba

Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na

 

Chorus:

Napakaraming kasambahay dito sa amin

Ngunit bakit tila walang natira

Napakaraming labandera dito sa amin

Ngunit bakit tila walang natira

Nagaabroad sila

Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman

Nagaabroad sila

Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman

Nagaabroad sila

 

Verse 3:

Subukan mong isipin kung gaano kabigat

Magbuhat ng maleta halos hindi mo na maangat

Ihahabilin ang anak para 'to sa kanila

Lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba

Matapos lamang sa kolehiyo matutubos din ang relo

Bilhin mo na kung anong gustong laruan ni Angelo

Matagal pa kontrata ko titiisin ko muna 'to

Basta ang mahalaga ito'y para sa pamilya ko

 

Chorus:

Napakaraming guro dito sa amin

Ngunit bakit tila walang natira

Napakaraming nurse dito sa amin

Ngunit bakit tila walang natira

Nagaabroad sila

Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman

Nagaabroad sila

Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman

Nagaabroad sila

 

Outro:

Napakaraming tama dito sa atin...

Ngunit bakit tila walang natira...



OTHER LYRICS

Game Over (feat. Aspac of 3rd Dimension)

It's My Turn Now...
Target
2010 Album

Indak

Tukalo Mixtape
OSD.
2020 Album

Bat Ngayon?, Pt. 1

Bat Ngayon?, Pt. 1
CLR
2018 Single

SIPAG LANG (feat. Shao Lin)

HYPE ONE'S
Nik Makino
2022 Album

Crazymix/Bassilyo vs. Tipsy D/Third D

FlipTop presents: Tournament Semis
Various Emcees
2013 Rap Battle Verses

FEATURED ARTICLES